Last Digit

3.2K 220 67
                                    

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 28

Inilapag ni Alec ang kumot sa tabi ko at binigyan ako ng malungkot na ngiti. "May kailangan ka pa ba?"

Umiling ako, takot na maiyak muli.

Pagkatapos namin ireport sa pulis ang nangyari, inabisuhan nila akong makituloy muna sa kamag-anak o kaibigan ko habang iniimbestigahan nila ang bahay ko. Base sa reaksyon nila, sabi ni Alec mukhang kukuha lang ng ebidensya ang mga pulis tapos aalis na rin. Dahil di naman namin nakita yung mukha ng lalaki at ayaw ipasabi sa akin ni Alec ang banta ni Rose, mukhang wala nang ibang magagawa ang mga pulis para sa akin.

Dinala ako ni Alec sa bahay niya dahil wala na akong ibang kamag-anak at wala akong ibang pwedeng tuluyan. Dalawa naman ang kwarto sa bahay niya kaya't hinayaan niyang sa kama na niya ako matulog.

Lumuhod si Alec sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko. "Wag ka na malungkot. Gagawan ko ng paraan para makabalik ka rin agad sa bahay mo."

Concerned ang violet eyes niya.

"My house is yours for the time being, okay?"

Tumango ako, hindi pa rin makapagsalita.

"Do you want a hug?" Alok ni Alec. Binigyan niya ako ng isang ngiti.

Tiningnan ko lang siya. Naiiyak na naman ako. Mabuti na lang kasama ko siya kanina. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung mag-isa lang ako nung nakita ko yung nangyari sa bahay.

Lumapit si Alec at niyakap ako. Hindi na ako nag-inarte at hinayaan ang mga luhang tumulo ulit. "Thank you."

"Wag ka na umiyak. I'm here for you, okay?"

"Okay.''

Nang bumitaw ako sa yakap niya ay hindi na nanghingi ng permiso si Alec para halikan ako sa noo. Hindi rin naman ako umangal. Kahit papaano ay pakiramdam ko ligtas ako sa paligid niya.

"Matulog ka na muna." Paalam ni Alec. "I'll be in the other room."

"Okay."

"Good night, Sophie." Ngumiti ulit siya sa akin pero hindi kita ang mga pangil niya. Bago lumabas ay pinatay niya ang ilaw sa kwarto.

Nahiga ako sa malambot na kama ni Alec at naamoy siya sa unan niya. Kinuha ko yung isang unan niya at niyakap iyon ng mahigpit. Kahit sarado ang pintuan ay naririnig ko sa labas si Alec. May kausap ito at galit ang tono. Siguro may kausap siya sa cellphone niya. Hindi siguro masaya si Alec na andito ako sa bahay niya.

Kumirot yung puso ko at naiyak na naman ako. Magsisimula ako sa wala. Tanging mga damit ko lang ang nakaligtas sa paninira nung lalaki sa bahay. Baka kailangan ko nang lumipat kasi kung nagawa nilang pasukin yung apartment ko, baka balikan pa nila ako. Ano na lang mangyayari sa akin kung balikan nila yung bahay at andun ako? Pano kung andun si Rose sa susunod na pumunta sila sa bahay?

Pakiramdam ko hindi ako makahinga sa sakit ng dibdib ko. Hindi ko naman ginusto lahat ng nangyari sa akin.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto sa labas. Mukhang tapos na si Alec makipagusap sa cellphone niya at matutulog na siya.

Ano kayang naiisip ni Alec? Baka palayasin niya rin ako dito. Saan ako pupunta?

====

Nagising ako mula sa isang masamang panaginip at naguluhan sa nakita ko. Ilang segundo pa bago ko naalalang nasa kwarto ako ni Alec at wala sa bahay ko. Nang maalala ko kung anong nangyari ay naiyak na naman ako.

Dahan dahang bumukas ang pinto at sumilip si Alec sa kwarto. Nang makita niyang gising na ako ay ngumiti siya. "Good morning."

Nawala rin naman ang ngiti niya nang lumapit siya sa akin at narealize niyang umiiyak ako.

Polar OppositesWhere stories live. Discover now