Electrostatic Attraction

12.3K 478 34
                                    

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 9
Electrostatic Attraction

Inaantok na kinusot ko ang mga mata ko habang naglalakad patungo sa school auditorium. Sabado ng umaga at ngayong araw ang seminar na kailangan naming daluhan ni Alec para mabura ang record namin sa Discipline Office.

Pagdating ko sa auditorium ay may nagwewelcome na mga estudyante, officers siguro ng org. Nakita ako ni Ate Grace, ang Discipline Officer at nilapitan.

"Hi, ikaw yung kasama ni Alec noong isang araw hindi ba?" Tanong niya sa akin.

Tumango ako. "Ako nga po,"

"Sige, register ka na lang doon tapos hintayin mo na lang si Alec para sabay na kayong pumasok. Maaga pa naman, hindi pa magsisimula agad ang seminar."

"Sige po. Salamat." Ngumiti ako sa kanya at lumapit na sa registration booth. Pagkatapos isulat ang pangalan ko ay tumayo muna ako sa isang tabi para hintayin si Alec. Nawala na si Ate Grace.

Kung tutuusin, wala dapat ako sa seminar na ito. Kung hindi naman kasi dahil kay Alec ay hindi maiinis ang prof namin at ipapadala kami sa Discipline Office. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan iyong takot na takot niyang itsura noong nakulong kami sa elevator ilang araw na ang nakakaraan. Pakiramdam ko may nakita na naman ako sa kanya na hindi ko naman dapat makita.

Nagkaroon ng bulung bulungan sa registration booth at nakita kong nagkumpulan ang mga babaeng officers na tila kinikilig. Sinundan ko ang tingin nila sa dulo ng hallway at nakitang paplapit na pala si Alec sa amin.

Habang pinagmamasdan siya ay hindi ko makailang maganda talaga siya kahit na hindi maayos na sinuklay ang mahaba niyang buhok at parang asar na inaantok ang ekspresyon niya sa mukha.

Tumigil siya sa harap ko at ngumisi. Lumabas na naman tuloy ang mga pangil niya. "Like what you see?"

"Not really," Sarkastikong ngiti ko. "Register ka na."

For once ay hindi siya umangal sa akin at tumalikod lang para puntahan iyong registration booth. Napangiti pa ako nang nataranta ng onti ang mga babaeng officers sa pagpapanggap na hindi sila kinikilig sa presensya ng genius. Yung mga lalaking officers naman ay tinitignan din si Alec na may paghanga.

"'Morning, ladies," Ngiti ni Alec sa mga ito at kumindat pa siya.

Pinigilan kong wag matawa ng malakas kasi halos himatayin na iyong isang babae sa bati pa lang ni Alec. Iyong iba namang officers ay natameme lang na nakatitig sa kanya. OA naman ng mga reaction nila, parang si Alec lang naman iyon ah! Mabuti sana kung si Brad Pitt o si Adam Levigne yung bumati sa kanila, maiintindihan ko pa.

Matapos magsign up ni Alec ay ngumiti ulit siya sa mga officers bago ako binalikan sa pwesto ko. Hindi nakita ng mga officers na pagkatalikod ni Alec ay umirap ito at nagbuntong hininga. Mukhang pagod na pagod siyang lumapit ulit sa akin.

"Tara na sa loob at nang matapos na ito." Aya niya sa akin at hinawakan ako sa braso para alalayan.

Nanindig ang mga balahibo ko sa hawak niya sa akin at tinanggal ko ang kamay niya sa kaliwang braso ko. "Kaya ko na, salamat."

Pero hindi nagpaawat si Alec at sa pagkakataong ito ay sa lower back ko naman humawak para alalayan ako sa paglalakad. Para naman akong kinuryente sa ginawa niya.

"Alec, kaya ko na sarili ko!" Pabulong kong saway sa kanya.

Ngumisi lang ulit si genius sa akin. "Para kasing madadapa ka eh."

Inirapan ko nga siya. Pagtritripan pa ako eh.

Gustong maupo ni Alec sa likuran ng auditorium pero dahil nagpatuloy ako sa bandang gitna ay sumunod na siya sa akin. Nagtaka ako ng onti sa ikinikilos niya pero ipinagsawalang bahala ko na lang. Baka tinatamad lang siyang makipagaway ngayon kaya tatabi na lang muna sa akin para kapag ginanahan na siyang mangasar ay malapit lang ako sa kanya.

Polar OppositesWhere stories live. Discover now