Opera Seria

1.6K 96 15
                                    

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 35

Iniisip ko kung nasaan na si Alec, anong ginagawa niya at kung sino ang kasama niya--kung may kasama ba siya. Sana okay lang siya.

"Sophie?"

Napalingon ako kay Leone.

"We're here."

Binigyan ko siya ng maliit na ngiti. "I know."

Parang replay lang ng mga pangyayari kahapon. Nasa kotse ako kasama ang kaibigan ko sa tapat ng isang malaking bahay. Pero this time, si Leone ang kasama ko at hindi si Louisse. Tahimik kaming pumasok ng mansyon at sinundan ko lang si Leone. Dinala niya ako sa isang kwarto at nagbukas siya ng cabinet.

"Mas mabuti siguro kung maligo muna tayo." Mahina niyang sabi sa akin sabay abot ng isang pares ng pajamas.

Iniwasan kong tingnan yung t-shirt niyang namantsahan din ng dugo ni Louisse. Medyo nanginginig yung kamay ko sa pagtanggap ng damit.

"Will you be fine if I leave you for a bit?"

Tumango ako.

"Sophie?"

Napatingin ako sa green eyes ni Leone.

"I'm here for you ah?"

Hindi siya nagsisinungaling pero parang assurance para sa sarili niya yung sinasabi niya. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti. "Thank you,"

Pumasok ako ng CR at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Duguan ang damit na suot ko at may onting bakas pa ng dugo sa braso ko na nalagpasan ko kanina nung naghuhugas ako ng kamay.

Pinilit ko na lang wag mag-isip habang isa isa kong hinuhubad ang damit ko. Nang buksan ko ang shower, nagising ang diwa ko sa lamig ng tubig. Hinayaan ko na lang dumaloy ang tubig sa katawan ko, umaasang itatangay din nito ang mga problema ko.

Natatandaan ko pa rin yung mga violet na mata ni Alec. Kung paano ito magbago mula sa galit papuntang hinanakit. Sana hindi ko na lang siya binitawan. Sana niyakap ko na lang siya ng mahigpit para hindi siya nakatakbo papalayo sa akin.

Kung maibabalik ko lang ang oras hindi ko hahayaang makatakbo papalayo si Alec sa akin. Hindi ako lalayas sa bahay namin. Hindi ko idadamay si Louisse sa problema ko. Kung alam ko lang, iba sana ang takbo ng buhay naming lahat ngayon. Siguro masaya pa kami ni Alec, ligtas si Louisse at hindi sana ako umiiyak sa shower sa bahay nila Leone.

"Kung alam ko lang..."

==========================

Pagkalabas ko ng CR ay nadatnan kong nakaupo si Leone sa kama, nakasandal sa headboard at nakatingala. Mukhang mabilis lang din siyang naligo. Mabuti na lang nagbihis na ako sa loob ng CR kundi maaabutan niya akong naka-tapis lang ng tuwalya.

"Oh good, you're done. Let's go eat?"

Agad na tumayo si Leone at napansin kong medyo namumula ang mga mata niya. Mukhang hindi lang ako ang umiyak sa shower kanina.

"Tara,"

Tahimik kaming pumunta ng dining room nila kung saan may nakahanda nang pagkain para sa aming dalawa. Kahit magkatabi kami ng pwesto ay tahimik pa rin kaming kumain, tila parehong iniisip yung mga pangyayari ngayong araw.

Wala ako masyadong gana kumain kaya kakaonti lang ang pagkaing kinuha ko. At kahit may pagka-matakaw si Leone, eto na ata ang pinakaonting pagkain na nakita ko sa plato niya.

Nang matapos kaming kumain, pumuntang kitchen si Leone at bumalik na may dalang isang bote ng wine at dalawang wine glass. Sumenyas siya na sundan ko siya at tumungo kami sa music room niya.

Polar OppositesWhere stories live. Discover now