Home Treatment

3.9K 227 19
                                    

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 21

Madaling araw nang bigla akong magising sa isang malakas na kalabog. Napaupo ako sa pagkakahiga ko at agad na inabot yung kahoy sa ilalim ng kama ko na itinatabi ko kung sakaling may magtangkang pasukin ang apartment ko.

Naulit ang pagkalabog sa pinto. "Sophie!"

Parang boses ni Louisse, pero hindi ako sigurado. Lumapit ako sa pinto. "Sino yan?"

"Si Louisse."

Isinandal ko yung kahoy sa pader at binuksan yung pinto.

Namamaga ang mata niya. Sigurado akong magdamag siyang umiyak. Ngumiti siya, yung ngiting pagod na pagod na.

"Hello, Sophie. Nagising ba kita?"

"Uhh, oo." napasilip ako sa bintana at napansing hindi pa sumisikat ang araw.

Tumango si Louisse at saka bumunot ng baril mula sa likuran niya at itinutok iyon sa ulo ko. Nanlaki ang mga mata ko at nanigas ako sa pwesto ko.

"Buti ka pa, nakakatulog ng maayos." Malalim ang boses ni Louisse. "Masaya ka ba?"

"L-louisse, pwedeng pagusapan muna natin to?"

Idinikit ni Louisse yung baril sa noo ko. "Talk."

San ba ako magsisimula? Kay Alec? O didiretso na ba ako kay Leone?

Idiniin ni Louisse yung baril at wala na akong nagawa kundi magsalita.

"Si Alec! Si Alec talaga may kasalanan bakit nasabi ni Leone yung nasabi niya kahapon sa may hagdan! Naiirita si Alec na makita ako kasama si Leone tapos may mga sinabi siyang ikinagalit ni Leone! Pinoprotektahan lang ako ni Leone! Gusto niya lang na tigilan ako ni Alec kaya sinabi niyang nililigawan niya ako! Naisip din niya baka makatulong sa pagpapanggap ninyong dalawa na break na kayo if ma-link daw siya sa iba para lubayan ka na ng mga tao at mag-focus na lang yung fans niyo sa kanya. Di niya lang naisip ng maayos yung plano. Di talaga gusto ni Leone na saktan ka! Natrigger lang siya ni Alec!"

Dirediretso yung mga sinabi ko habang nakapikit ako at nakafocus dun sa lamig ng baril sa noo ko. Sa ganito na lang ba magtatapos ang buhay ko?

"Tangina," natawa si Louisse at tinanggal na niya yung baril sa noo ko.

"Ha?"

Nagpatuloy lang sa pagtawa si Louisse at nang makita niyang hindi ko gets kung ano yung nakakatawa ay itinapat niya sa bibig niya yung baril. Agad akong nagreact at hinablot yung braso niya. Sinubukan kong hilahin papalayo yung baril sa kanya pero nabasa lang ako.

"What the--"

Natawa lalo si Louisse. Muli niyang itinapat yung baril sa mukha ko at kinalabit yung gatilyo. Agad naman akong nabasa ng amoy alcohol. Di ako sure pero amoy vodka.

Pinunasan ko yung bibig ko at pisngi kong nabasa. "Lasing ka ba?"

"Kanina, oo. Pero nahimasmasan na ako sa sinabi mo." Sagot niya. "Akala mo ba talaga babarilin kita?"

"Aba, malay ko sayo?" Tinitigan ko yung baril at saka lang narealize na mukha itong laruan. Nagpanic lang talaga ako kanina kaya hindi ko ito napansin.

Itinapat ni Louisse yung baril sa bibig niya at uminom. Naubo pa siya pero mukhang masaya naman siya sa water gun turned vodka gun niya.

Sumilip ako sa likod niya. "May kasama ka ba? Pano ka nakarating dito?"

"Nagpahatid ako sa driver namin."

Umatras ako at binuksan yung pinto. "Pumasok ka nga muna dito. Magusap tayo."

Polar OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon