Camellia Sinensis

1.6K 149 23
                                    

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 32

Iniisip ko kung nasaan na si Alec, anong ginagawa niya at kung sino ang kasama niya--kung may kasama ba siya. Okay lang kaya siya? Iniisip niya ba ako? Baka nagpapakalasing na naman siya at nakikipagaway sa kung sinong minalas na makabunggo niya. Sana okay lang siya.

Natapos ang kantang tumutugtog sa radyo at napalitan ng isang pamilyar na kanta. Nakinig ako ng ilang segundo, sinusubukang ipunto kung saan ko na narinig yung kantang yun nang maalala ko yung concert na pinuntahan namin ni Alec. Tandang tanda ko pa yung mahigpit na kapit niya sa kamay ko para hindi kami magkahiwalay sa dami ng tao, yung lapad ng ngiti niya habang nakikipagusap sa mga banda sa backstage, yung maingat na yakap niya sa akin at yung pagkanta niya sa tapat ng tenga ko.

Kung alam ko lang na madadatnan namin si Mr. Lucescu sa tapat ng bahay namin sana inaya kong magikot-ikot pa sa mall si Alec. Baka kumain pa ulit kami o may dinaanan na iba pang lugar. Kung hindi siguro namin nakita si Mr. Lucescu baka nakatambay lang kami ngayon ni Alec sa may sala at nagbabasa ng kung anong libro.

Marahan ang paghawak ni Louisse sa kamay ko para makuha ang atensyon ko.

"Andito na tayo,"

Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan at nakita ang magarang bahay na pinagdalhan sa akin ni Louisse.

"Okay lang ba talaga?"

Ngumiti si Louisse at hinigpitan ang kapit sa kamay ko. "Ako bahala sayo, okay? Wag ka na mag-alala."

"Okay."

Dala-dala ang bag ko, pumasok kami sa loob ng mansyon nila Louisse. Dumirecho kami sa malawak niyang kwarto na kasing laki ng dati kong apartment.

"Pasensya na sa kalat,"

May mga papel na nakakalat sa kama niya at nang lumapit kami, napansin kong music sheets ang mga iyon. May gitara at electric keyboard din na malapit sa kama niya. Hindi na ako magtataka kung gumagawa siya ng bagong kanta kanina bago niya naisipang tawagan ako.

Nang maitabi na ni Louisse ang mga music sheet niya, pinaupo niya ako sa kama. "You're safe here for the time being."

"Alam ba ng mama mo na andito ako?"

Pilit ang ngiti niya. "I told her and she said she wants to meet you. Pero mamaya na yun. I need to know first if you're okay?"

Masakit pa rin yung dibdib ko pero kaya kong kalimutan yun. Ang hindi ko kayang dedmahin ay yung sakit ng tiyan ko. Bawat kilos ko ay kumikirot ito.

"Magpapasa ata tong tiyan ko. Pero other than that okay lang ako."

"Pwede mo bang ikwento ng maayos sa akin kung anong nangyari?"

Bago ako makasagot ay may kumatok sa pinto.

"Sino yan?" Sigaw ni Louisse.

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang babaeng nakapormang pang-opisina. "Good evening, miss Louisse. Pinapatawag po kayo ni ma'am Lydia sa office niya."

Napabuntong hininga si Louisse at tiningnan ako. "My mom wants to see you."

Kinabahan ako ng onti pero kung gusto kong may matulugan ngayon gabi, kailangan ko magpakilala sa mama ni Louisse. Tumango ako at tumayo na kami para sundan yung secretary papunta sa office ni Mrs. Zhukova.

Malaki at puno ng libro ang opisina ni Mrs. Zhukova. Noong pumasok kami sa kwarto ay may binabasa siyang dokumento sa table niya at ni hindi niya inangat ang ulo niya para tingnan kami. Hinintay niya lang na maupo kami ni Louisse sa harapan ng table niya.

Polar OppositesWhere stories live. Discover now