Broken 20: Family Dinner

2.8K 102 96
                                    

I can't believe that after 2 years nakapasok ulit ako dito, I did not even wished to be here pero heto ako, nakaupo sa loob habang papunta kami sa restaurant.

Tumingin tingin ako sa paligid and think na I can't even imagine myself being inside here again after all we went through, after all those heartaches and pain I suffered.

"So..." napatingin ako sakanya nung nagsalita siya. Nakapolo nalang siya ngayon since tinaggal niya tuxedo niya. Napansin siguro niyang nakatingin ako sakanya kaya napatingin siya sakin, then he smiled. 

He's enjoying this.

"Kumusta kana?" tanong niya sakin habang pabalik balik ang tingin niya sa daanan at sakin. Tumingin nalang din ako sa daanan and think, if he's enjoying this then dapat ipakita ko ring I'm not affected.

"I'm doing great" maikli kong sagot habang nakangiti pero nakatingin pa rin sa harapan. 

"Good to know" sabi lang niya at katahimikan na.

I'm a big fan of silence at mga ganitong moment naaapreciate ko talaga. Okay na ako sa ganitong katahimikan na para bang wala akong kasama, sanay naman ako.

I guess it was 10 minutes of silence bago siya nagsalita ulit at nagulat ako sa tinanong niya.

"Why did you leave?"

Napatitig ako sakanya pagkatapos niyang tanongin yan, ano raw?

Bakti raw ako umalis? teka, bakit ako?

Napansin niya sigurong naguluhan ako kasi bigla siyang nagfake laugh.

"I mean bakit mo iniwan ang bahay na walang nakatira?" he paraphrased and I scoffed. Nagulat ako kasi ganon bigla ang reaction ko but still, I answered him.

"I have my reason, you also have your reasons. Nagtanong ba ako?" I really sound bitter pagkasabi ko pero bahala na. Nakita kong nawala yung ngiti niya habang nagdra-drive siya and frown.

"Ang bitter mo naman, parang wala tayong pinagsamahan" biro niya habang nakangiti. Hindi ko nalang pinansin, mali talagang sumama ako eh.

"Hindi pa ngumingiti oh, magpapasko pa naman" nakangiti niyang pangaasar pero hindi ko pa rin pinansin. Bakit kaya ang tagal ng byahe?

Huminto na siya sa kakaasar at nagfocus nalang sa pagdra-drive. Ako naman mas pinili ko nalang manuod ng videos sa facebook, para naman sabihing busy ako.

Nakikita kong tumitingin siya paminsan-minsan sakin pero hindi ko nalang talaga pinapansin. 

"Mahihilo ka nyan sa kakacellphone mo" rinig kong sabi niya sakin

"Ang tagal ba naman kasi ng byahe" reklamo ko pero totoo naman, ang tagal talaga.

"Malapit na tayo, bakit mainipin kana ngayon?" kasi ikaw kasama ko.

Gusto ko sanang isagot pero pasko naman ngayon. Tsaka ayaw ko nang maging bitter pakingan, ang pangit naman non. Baka isipin niyang naghahabol pa rin ako o nagaantay ako na balikan nya 'ko.

"Gutom na kasi ako" pagrarason ko nalang at gusto kong irapan sarili ko.

"Malapit na rin naman tayo, kaya mo pa ba? baka gusto mong dumaan muna tayo sa bulaloan?" tanong niya at nakatitig lang ako sakanya with disbelief. Hindi dahil sa kakain ng bulalo pero-- seryoso ba siya?

Hindi ko alam kung matatawa ba ako pero natawa na ako, nakita ko namang ngumiti siya.

"Joke lang, ganda ganda mo ngayon. Ang ganda pa ng suot tapos kakain lang ng bulalo" pangbobola niya sakin pero sinabayan ko nalang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon