Broken 17

8.4K 279 304
                                    

CAUTION: HINDI EDITED

Broken 17: Throwbacks and Memories

Sarah's Point of View

I slowly open my eyes and stare at the ceiling. Kanina pa akong nakahiga at gustong matulog para makapagpahinga but I can't sleep. Kung hindi ako makakatulog ngayon, magiging 48 hours na akong nakadilat.

I breath deeply at ibinuga yun ng malakas. They said that it can help to ease your body. Pagkatapos kong gawin yun ipinikit ko ulit yung mga mata ko. Minutes past binuksan ko nanaman ang mga mata ko.

Tumagilid ako and saw a large space beside me but I don't mind, dapat sanayin ko na ang sarili ko kako. Inabot ko yung unan nasa ulohan ko at niyakap yun. I just need something to embrace para makatulog, tama.

Then again, pumikit nanaman ako but failed. Minulat ko nanaman ang mga mata ko nung alam kong hindi talaga ako makatulog. Madaming tumatakbo sa isip ko na hindi ko alam kung ano at hindi ko alam kung paano pahintuin.

"I just need to drink some water." Sabi ko sa sarili ko at tumayo tapos bumaba kaagad. Pagkarating ko sa baba, ang dilim at ang tahimik na. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng tubig sa refgrigerator and drink it. Nung nasatisfied na ako, bumalik ako sa sala.

Hininaan ko lang ang paglakad ko kasi tumitingin ako sa paligid. I'm alone, again.

I never thought that babalik ako sa pagiging mag-isa. Sanay naman akong maging mag-isa noon, ikaw ba naman ang ulila na nung College pa lang hindi ka kaya masasanay? Kaya wala lng 'to sakin. Naninibago lang siguro ako kasi matagal na rin nung wala akong kasama sa isang bubong, tama.

Habang naglalakad napatingin ako sa picture frame na nakalagay sa ibabaw ng isang wooden drawer. Kinuha ko yun at umupo sa upuan na nakalagay doon. Tinignan ko yung picture na nandoon, nakangiti kaming dalawa habang hinahabol niya ako. Stolen shot 'to nung sembreak namin nung 2nd year college pa
kami. Ang bilis pala ng panahon.

Binuksan ko yung drawer at alam kong tatlong photo album ang nandoon. Kumuha ako ng isa and start looking at the pictures. Nandoon yung 1st naming pagpunta ng Enchanted Kingdom, nandoon rin yung 1st presentation ko sa pagkakanta noong college pa kami, meron ding nagbabasa si Isaac ng libro tas nagwacky face ako doon. Napapangiti nalang ako habang tinitignan yung mga pictures, it brings back so many memories.

After kong tignan yung unang album, kinuha ko naman yung pangala. There, nandoon lahat yung picture namin ng mga celebration ng monthsaries namin. Sa pangatlong photo album bumigat yung pakiramdam ko. Nandito lahat yung mga pictures namin nung weeding namin.

Kinakagat ko yung mga labi ko habang tinitignan yung mga pictures. Ang saya namin noon, anong nangyare ngayon?

Seeing these pictures makes my heart happy and at the same time, breaks. Happy kasi atleast naranasan kong maging masaya habang kasama siya, happy kasi madami pala kaming panahon na magkasamang masaya, at happy kasi minahal ako ng mahal ko, noon. Tsaka break kasi sumuko kami sa relasyon namin kaagad.

Napatingin ako sa huling picture and smile and tears start streaming down my face. Sa lahat ng picture na nakita ko ito ang pinakatine-treasure ko. Kinuha ko yun mula sa photoalbum at hinalikan tapos niyakap at napapikit nalang. What if hindi siya namatay nung isinilang ko siya? siguro hindi 'to mangyayare lahat. If only naging ma-ingat ako, if only nakinig ako sakanya, if only sinet ko ng tama ang priorities ko, if only naging mas aware ako, and if only hindi ako nagmatigas hindi sana nangyare ang lahat ng 'to. Kasalanan ko'to. Walang dapat sisihin kundi ako lang.

Broken MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon