Broken 14 Part 2

4.3K 169 58
                                    

CAUTION: HINDI EDITED KASI TAMAD ANG AUTHOR. BEWARE OF GRAMMATICAL ERRORS AND TYPO's. THANK YOU

Broken 14 Part 2: last

Sarah's Point of View

I tap his back as I stop from swaying. I took a step back and smile, geniunly. Masaya na 'ko

"Thank you" I just said then smile tapos tumalikod na at naglakad palabas. Wag kang umiyak, ikaw babae ka, subukan mo lang umiyak malilintikan ka sakin. Is what I kept telling to myself, ayokong umiyak lalo na't andaming tao, lalo na't nandito yung mga kaibigan ko, at lalo na't alam kong nakatingin pa rin siya sa likuran ko

Kaya binilisan ko lang yung paglakad ko, faster enough para makalabas agad at makaupo sa isa sa mga nipa hut. There I just breathe in and out, kinakalma ang sarili at successful naman. Tumambay lang ako doon, nakatingin sa mga tao na nasa labas at nagse-set up ng karaoke, nakikinig sa ingay na nanggagaling sa loob. Asan na kaya siya ngayon? kinukuha naba niya yung mga papers? kaya naman siguro niyang ipagbukas diba?

Habang tumatambay sa nipa hut, I look at my watch and it states 9:09pm. Ang aga pa pala kaya pala ang ingay pa rin. Pagkatingin ko ulit sa karaoke nakita ko si ate Jillian na lumapit doon mukhang nagtatanung kung tapos na ba o hindi. A guy thumbs up then ate Jillian walk away na sinalubong naman kaagad ni Trexie. May pinagusapan sila habang papasok, should I approach them? tapos ano? makikipaginuman ako? The last time I remembered drinking is pinauwi ako ni Isaac galing sa isang Bar at nakakatawa lang kasi simula nun naging close kami ulit pero kaagad naman nawala

Bumuntong hininga nalang ako at tumayo. Kailangan kong magpakasaya para maiwasan ko na isipin siya

Kaya nung pagtayo ko kaagad ako lumapit doon sa nagaayos nung karaoke and ask if malapit na ba matapos

"Ok na 'to hinihintay nalang yung cd pati buffles" sagot naman niya sakin so I just smile and start walking sa loob kaso hindi pa nga ako nakapasok tumunog na yung karaoke at napansin kong andaming napatingin and isa na doon ay si Isaac. Nakita ko rin sina ate Jillian at Trexie na palapit sakin so sakanila ko nalang tinuon ang pansin ko

"Oy babae! kanina pa kami naghahanap sayo! bigla bigla kang nawawala grabe" bungad kaagad sakin ni Trexie na may pafli-flip ng imaginary bangs niya kaya natawa ako ng bahagya

"Sorry naman po. Nagpahangin lang ako sa labas" pagdadahilan ko nalang

"Oh tama na yan! doon na tayo sa videoke! excited nako. Sayang wala si Lourdes" sabi naman ni ate Jillian habang naglalakad papunta sa videoke

"Loka! malamang wala kasi magha-honeymoon pa yung dalawa" sabi ni Trexie sabay hampas sa braso kaya natawa nalang ako. Sana pala sakanila nalang ako dumikit palagi para hindi ako iyak ng iyak

Pagkarating namin sa videoke andami kaagad na tao. May ilan na binubuhat pa yung mga lamesa nila papunta doon para makapagpwesti, meron ring yung chair lang binuhat, tsaka meron ring nakaupo lang sa buhangin

"Asan po yung list?" Rinig kong tanung ni ate Jillian pero kaagad naman nawala atensyon ko sakanila kasi nakita ko nanaman si Isaac sa isang sulok, malayo layo konti sa videoke, umiinum lang. Bakit kaya ayaw niyang makisali dito? dahil ba sakin? ang ganda ko naman pala kung ganun

"May nakauna na sa list eh!" pasigaw na sabi ni ate saamin kasi nagsta-start nang tumogtug

"Let me! makikisiksik ako sakanila!" sabi naman kaagad ni Trexie at tumayo pa tapos nagstretching kaya tawang tawa naman ako. Feeling ko pinagtitinginan kami kasi anlakas lakas naming tumawa pero bahal na atleast naman pinagbigyan ko pa rin ang sarili kong sumaya

Broken MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon