Broken 6

5K 133 21
                                    


Broken#6

Sarah's Point of View

Nakaupo ako ngayon sa loob ng sasakyan niya. It's been a long time since nakapasok ako dito pero I bet lahat ng meron ako, yung Jen na yun palaging nakapasok na dito

I laugh inside my head. Ano ba 'tong iniisip ko, nagmumukha nakong maldita neto. Napatingin ako sa gilid ko, nakaupo lang siya at nakatitig sa harapan. Ngayon ko lang siyang nakitang nagalit dahil pumunta ako sa bar at uminum. Diba dapat matuwa ako kasi alam kong nagaalala pa rin siya sakin?

Huminga ako ng malalim nung tumingin ako sa harapan. Nasa labas kami ng bar at kitang kita ko na andaming tao sa labas na naninigarilyo, naguusap at kung ano ano pang pinaggagawa. Sure akong ang ingay sa labas pero dito sa loob ang tahimik, natatakot tuloy akong gumalaw baka kasi makagawa ako ng ingay pero bahala na. It's now or never

"Anong paguusapan natin?" Hay salamat at nagawa kong magsalita. Grabe yung kaba ko eh

"Nahihilo ka pa rin ba?"

"Hindi na. Anong paguusapan natin?"

"Kumain muna tayo ng noodles sa 7/11"

"Busog ako. Anong paguusapan natin?"

"Kakain muna--"

"Ano ba! Maguusap ba tayo o hindi!?"

Naiinis kong pinunasan yung luha na tumulo. Bakit ba ako umiiyak? Bakit ba ako nagkakaganito? Diba dapat maging masaya ako kasi gusto niyang kumain kasabay ako?

"I-- gusto ko lang sana pagusapan kung bakit ka nandoon"  nakatitig lang ako sakanya. Napangiti ako at tumawa ng kunti tapos pinunasan ulit ang luha ko

"Wala ka namang pakialam nun eh bakit mo yan tinatanung?"

"A-asawa pa rin kita. Dapat alam ko ang ginagawa mo.. tsaka tumawag si ate. Umuwi ka raw bandang 8:30" sabi niya pero hindi kayang tumitig sakin. Siguro iniisipi na niya ngayon baka nahuli ko sila. Napatitig nalang ako sakanya at tumawa ng kunti. Dapat ko bang sabihin ang totoo? Pero natatakot ako..

"H-hindi" and that was the biggest mistake I ever done. Ito na oh, masasabi ko na dapat ang gusto kong sabihin, ang lahat ng nalalaman ko at nararamdaman ko pero inunahan ako ng kaba ko. Kaba na baka pag malaman niyang alam ko ang totoo, iiwanan niya ako at hinding hindi ko kaya yun

Kaya ngumiti ako sakanya at nagsalita

"Yun lang ba paguusapan natin?"  Tinitigan niya muna ako tapos tumango. Ngumiti ako at tumango tango tapos huminga ng malalim

"S-sige. Bababa nako ah?" Paalam ko at bubuksan sana yung pinto kaso bigla niyang hinawakan ang kamay ko na nagpahinto sakin at bigla bigla niya akong niyakap

"Wife.."

Alam kong kahit yun lang ang sinabi niya, ramdam na ramdam ko ang gusto niyang sabihin kaya siguro biglang bumuhos ang luha ko. Umiyak ako ng umiyak na para akong isang bata na inaway. Ngayon ko lang ito naramdaman ulit. Alam kong meron pa akong lugar sa puso niya at hinding hindi ko yun sasayangin

"Let's go home.." Tumango tango lang ako habang niyayakap ko pa rin siya

**

Dahil siguro akala ko panaginip lang lahat yun kaya ako huminga muna ng malalim bago bubuksan ang mga mata ko kaso napahinto ako kasi nung huminga ako may naramdaman akong mabigat sa tyan ko kaya binuksan ko kaagad ang mga mata ko at nakita ko ang braso ng mister ko na nakayakap sa bewang ko, naramdaman ko rin yung hininga niya sa leeg ko

Kung hindi lang talaga ako nakadamit ngayon baka iisipin kong may nangyare saamin, but who cares? Kasal naman kami

"Hmm" naramdaman kong gumalaw ang ulo niya at inangat yung katawan niya kaya napatingin ako sakanya then nakita kong binuksan niya yung mata niya pero pinikit ulit kaso inangat niya yung ulo ko tapos inayos yung pagkahiga niya at niyakap ako ulit

"Let's sleep some more wife. 5am pa" hindi ako makapaniwala sa nangyayare ngayon. Nakasobsob yung mukha ko sa katawan niya. Wala siyang damit pangitas kaya hindi ko maiwasang mamula pero unti-unti ko naman siyang niyakap at huminga ng malalim tapos ngumiti

I miss this

Sana magtuloy-tuloy na 'to

Pumikit ako at nung pagkabukas ko ulit. Wala na siya sa tabi ko. I mean wala nang tao sa loob ng kwarto. Medyo naghihinayang ako baka kasi panahinip lang lahat ng yun

Napatingin ako sa orasan at 7:56 am na pala. Kaya naman pala wala na siya sa tabi ko kasi pumasok na yun sa opisina. Tayayo na sana ako sa pagkakahiga ko kaso biglang bumukas yung pinto at nakita ko siyang naka nakaboxer lang pero may dalang wooden table na may  plato sa ibabaw nito

Bigla akong napaurong sa nakikita ko kasi nakangiti lang siya habang papalapit sakin. Gusto ko sanang kusutin ang mata ko kaso ayokong tapusin itong nakikita ko. Baka kasi pag ginawa ko yun eh magigising ako sa katotohanan

"Goodmorning wife.."  Sabi niya sa harapan ko at hindi ko maiwasang mamula

"I made this for you.. C'mon" hinawakan niya ang chin ko para matignan ko siya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at ang saya ko. Parang noon lang, parang nawala kaagad sa utak ko ang lahat ng nalaman ko at nakita ko. Parang wala na lahat na parang bang walang nangyareng ganun. Parang nung dati lang

"Uhh.. Thank you" namumula kong sagot tapos ngumiti siya at pinaupo ako ng maayos. Nakaupo lang siya sa gilid ko habang nakatitig sakin na kumakain

"W-wag mokong tignan ng ganyan" sabi ko tapos tinakpan ang mukha niya at nakita kong tumawa lang siya then hinawakan yung kamay ko at ibinaba. Akala ko binitawan niya kaso hinalikan pa niya yun likod ng palad ko tapos ngumiti siya

"Hindi mo ba ako susubuan?" Natawa ako sa sinabi niya at binawi ang kamay ko

Inayos ko yung kanin na nasa kutsara na isusubo ko sakanya. Nakatitig pa rin siya sakin at nung inilapit ko na, binuksan niya yung bibig niya at nginuya-nguya yun

Inilapit ko ulit yung hotdog sa bibig niya kaso bigla nalang tumunog ang phone niya kasabay ng pagkaiba ng facial expression niya

Napatingin ako sa cellphone na nasa ibabaw ng drawer at kitang kita ko kung sino ang tumatawag

"Sagutin mo na. Baka importante" Kinakabahan ako ulit at sana hindi ko nalang yun sinabi kasi ayokong pilian niya siya kaysa sakin but sadly..

"Madali lang 'to. Teka.."

He said at agad agad lumabas ng kwarto

**
A/N: Improving! Nakapagupdate ako ng dalawa sa isang araw.. Sana magtuloy tuloy na.. Feeling ko ang hashtag dito #BMBitterSweet

DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT ❤️❤️

Broken MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon