Broken 05

5.6K 131 20
                                    

Broken 05

Sarah's Point of View

"So anong theme nang wedding niyo?" Napatingin si Lourdes kay ate Jillian habang ngumuya-nguya

Nagsimula na kasi kaming kumain at napagisipang gawing topic ang kasal ni Lourdes

"Well.. It's a beach weeding" sagot ni Lourdes at nagtanung naman kaagad si Trexie sakanya

"Kailangan bang magpapasukat pa kami nang dress?" Trexie ask at kaagad naman siyang sinagot ni Lourdes

"Depende kung gusto niyo but if may white dress kayo, yun nalang para uniform kasi tsaka white dress tapos may flower na tiara at wrist ang mga babae tapos nakapaa lang while the boys, white shorts tapos may necklace silang flower and take note walang pangitaas ang boys. Maganda ang idea diba?" Agad agad naman kaming tumango. Maganda nga. Iniimagine ko palang ang gandang tignan pag ganun

All white tapos pag magsimula nang lumakad si Lourdes sa pagitan namin tapos parang nasa scene kami nang isang telanobela na iihip nang katamtaman ang hangin para kay Lourdes at lilipad nang kunti ang buhok niya to look more beautiful

"Teka saan pala yung weeding?" Tanung naman ni ate Jillian at biglang sumang-ayon si Trexie

"Oo nga, kanina pa tayo usap nang usap about sa weeding tapos hindi natin naitanung kung saan pala gaganapin"

"Hindi naman kasi kayo nagtanung.. Sa may private resort ata or sa isang resort kung saan may share sila doon. Maganda daw doon eh" sagot naman ni Lourdes at nagsitanguan naman sila

Pagkatapos naming kumain agad kaming pumunta doon sa may living room para magchikahan daw

"Sino ba yang Adrian na yan Lourdes?" Tanung kaagad ni ate Jillian at ako naman ang nagtanung

"Tsaka ilang taon na kayong nagsasama?"

"Ay teka muna ah? Isa isa lang. Mahina ang kalaban" mabirong sagot niya at nagtawanan naman kami

Nung nakaupo na kami nang maayos, dun na kaagad kami nagsimulang magchikahan

"So.. Uunahin kita Jillian ah? Ano, si Adrian ba? Hindi mo ba natatandaan--"

"Natatandaan yung lalaking hambog tas mahangin na nabangga natin nung nasa Exhibit ni Mariel nung June? Siya yun!" Singit ni Trexie at sinamaan lang nang tingin ni Lourdes

"Excuse me? Hindi na siya hambog at mahangin. Type lang niya ako noon kaya siya ganun makaasta"

"Sabihin mo nalang kasi na kaya mo siya kinakampihan ngayon dahil ikakasal na kayo"

"Ay ewan ko sayo Trexie!"

At tinawanan nalang namin siya. Well.. Hindi ako makarelate sakanila kasi hindi ako sumama nun nung pumunta sila sa exhibit ni Mariel

"So.. Ano nga yung tanung mo Sarah?" Napatingin ako sakaniya tas uminum muna nang tubig

"Ano.. Ilang taon na kayong nasa isang relasyon bago siya nagpropose?" I ask

"4 months and 15 days.."

Napahinto ako tas napansin kong napataas nang kilay si ate Jillian na mukhang hindi rin alam

"Oh bakit?" Tanung kaagad ni Lourdes nung napansin niyang nakataas ang mga kilay namin

"4 months palang kayo?" Tanung ko

"Oo. Bakit? Anung masama doon?" Tanung niya pabalik

"Anung masama? Eh magpapakasal na kayo tapos 4 months palang kayong nasa isang relasyon. Anung kalokohan ito?" Hindi makapaniwalang sabi ni ate Jillian

Broken MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon