Broken 13

3.8K 139 51
                                    

Broken 13: Rain

"Congrats Lourdes" sabi ko kaagad pagkatapos nung kasal at ngayon, picture taking na. Medyo na delay nga yung kasal kasi yung dagat tumaas tapos naabot yung nilagyan nung mga upuan kaya sinet up ulit sa malayo layo na

"Salamat" maiyak-iyak niyang sabi at nagyakapan naman kaming magbarkada. Naiyak rin ako kasi atlast may lalaki na ring magaalaga sakanya

"Nakakaiyak talaga grabe. Napagiwanan na talaga ako" sabi ni Trexie at imbes na maawa kami, nagtawanan pa tuloy

Pagkatapos ng tawanan at iyakan, inayos muna namin ang sarili namin para sa picture taking. Nahanap ko naman kaagad si Isaac na busy sa cellphone niya

"Dali na daw. Picture taking na" sabi ko sakanya at binigyan lang niya ako ng tingin tapos tumango at ibinulsa yung phone niya. Hindi nalang ako nagdrama dahil doon, para san pa kasi ang pagdra-drama diba?

"Okay... 1... 2... Okay, another one. 1... 2... Next" nagsilayuan sila kaagad pero kaagad naman ako lumapit dun sa photographer

"Paki kuha ako ng solo kasama ang asawa ko" I said with a smile tapos tumango siya kaya kaagad ko naman sinabihan si Isaac

"Sige... Yan na posisyon niyo?" Nagtatakang sabi ng photographer kaya napatingin tuloy ako kay Isaac na nakatayo lang ng straight. I fake a laugh, halata naman kasing ayaw niya

"Grabe naman siya oh. Ayaw mo talaga akong akbayan at ngumiti?" I tease but he just shrug pero inakbayan naman ako tapos ngumiti siya, yung sakto lang na ngiti. Kaya humarap na ako ulit at ngumiti ng tudo

"Okay.. Tapos na" sabi nung photographer at kasabay nun ang pagsabi ni Isaac na magc-cr siya

"Oh sige. Ingat" sabi ko and ngumiti before he turned his bare back on me. Walang damit pangitaas ang mga lalaki at nakawhite shorts lang tapos kaming mga babae nakadress na puti at flower crown

Bumuntong hininga nalang ako nung nakalayo layo na siya. Ayokong pangunahan pero ramdam kong umiiwas na siya, ayokong isiping baka ngayong gabi na yun, pero hindi ko maiwasan

Napatingin ako sa mga tao dito at lahat- except sakin -ay nakangiti at nagtatawanan hindi kagaya ko, nagdra-drama which is hindi naman bagay

"Okay guys.. Let's proceed to the reception. Doon lang malapit sa rest house" sabi ng isang bakla na event organizer yata at unti-unti namang nagsipuntahan doon kaya sumunod nalang rin ako kaysa sa hintayin ko pa siya eh alam ko namang hindi na ako babalikan nun  didiretso na yun dun

Kaya naglakad nalang ako papunta doon habang nilalaro sa mga paa ko yung mga buhangin and noticed that kahit na kung anung gawin ko para mapanatili yung mga buhangin sa ibabaw ng paa ko, nahuhulog pa rin sila. Ano ba naman 'tong iniisip ko, masyadong madrama. Ganito ba talaga kapag feeling mo iiwanan kana? Ganito ba talaga kapag feeling mo wala na? Huhugot ka nalang ng huhugot sa mga bagay na nakapaligid sayo?

Pagkarating namin doon, umupo na ako dun sa upuan kung saan nandoon sina Trexie at Lourdes kasama ang mga lalaki nila pero si Isaac wala. Antagal namang magcr nun, baka nagkaLBM na yun?

"Nakita nyo ba si Isaac?" Tanung ko bigla sakanila na halatang off topic

"Nakita ko yun dito, hinahanap ka rin yata" sabi ni Ivan kaya napatango tango nalang ako habang tinitignan yung paligid. Mas dumami yung tao at mas gumulo

"Baka mabali leeg mo nyan, wag ka kasing magalala doon. 'Di yun maghahanap ng iba" napatingin ako kay ate Jillian sa sinabi niya at nginitian. If you only knew

"Oo nga. Umupo ka nalang jan at magrelax, ako napapagod sa ginagawa mo eh" sabi naman ni Trexie kaya umupo nalang talaga ako

Broken MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon