Broken 11

4.4K 143 37
                                    


Broken 11: Hurting

 Trexie's Point of View

 "Bes tama na.." Sabi ko sabay hila ko sa babaeng 'to. Kakanta kasi siya kaso kanina pa siya kanta ng kanta halos hindi na nga namin naiintindihan ang kinakanta niya kasi lasing na. Napatingin ako sa dalawang bruha with a sign na I-need-back-up-look na agad agad naman nilang nagets. Buti talaga at hindi pa kami lasing

 Ano ba kasing nangyare sa girlalu na 'to? Pagkababa niya galing sa pagpapalit niya ng damit biglang anlakas uminum eh parang tatalunin pa niya ang mga lasenggerong nandito

  "Wag! Maahwa kayoh! Pakantahin nyoh muwna akoh! Gushto kong kuman.. kumantaa!" Pagwawala niya doon habang hinila hila naming tatlo. Tinignan ako ni Jillian at sinabihan kaagad ng, "Hanapin mo na mister nito. 'Di natin kaya ang powers"

 "Eh si Lourdes nalang, ayokong mapasubo kay Isaac nuh! Alam na alam kong pinagbawalan 'tong uminum" sabi ko sabay tingin kay Lourdes pero hindi pala nakikinig samin

"Oy girl? Halika na sa taas? Sleep na tayo?" Sabi niya at hinila hila pa si Sarah. Nakita ko namang napatingin si Sarah samin at kitang kita ko ang lungkot sa mukha niya pero ngumiti siya

  "Okaay" sabi niya at ngumiti ngiti pa. Nung nakita kong may chance na gumura na si Lourdes para hanapin ang mister nito, hindi na kaagad kami nagpatumpik tumpik pa at kaagad pinush si Lourdes kasi ayaw niyang pati siya mapagalitan daw

 "Bes heto oh" inabotan ko naman kaagad si Sarah ng kape na kaagad naman niyang kinuha. Hindi ko talaga mawari kung bakit nagkakaganito ang isang 'to. Eh hindi naman 'to mahilig magpakalasing at mas lalo nang hindi siya ganun umaasta pag lasing "Drink mo na yan girl" sabi naman ni Jillian habang may hawak hawak ring kape. Medyo lasing rin kami ha? But hindi yun lasing na lasing talaga what I mean is nakainum kami. Nakatingin lang ako kay Sarah na nakatitig lang sa kape niya na hawak hawak ng dalawa niyang kamay ng napansin kong may tumulo doon sa kape kaya nagtaka ako. Napatingin ako kay Jillian na halatang nagtataka rin kasi like hello? Anu ba yung tumulo? Sipon? Luha? Laway? O pawis?

 Kaso nung nakarinig kami ng hikbi, kahit na maingay, alam na alam pa rin naming hikbi yun. Humihikbi siya kaya kaagad namin siya tinanung

 "Girlalu? Gising kapa ba?" Tanung ko sakanya tapos tumango-tango lang siya pero nakayuko pa rin

 "Gusto mo na bang matulog?" Tanung naman ni Lourdes sakanya pero umiling siya tapos parang pinunasan niya ang mukha niya at tumingin samin na nakangiti

 "Ubusin ko muna 'to" sabi niya and mention the coffee. Napatango nalang ako at nakita ko namang uminum siya kaagad nun

 "Ayos ka lang ba?" Tanung ni Jillian sakanya na kaagad ko namang sinikuhan. Halatang hindi pero tinanung pa rin, shunga talaga nito kahit kailan

 "Oo naman. Ako paba? Lagi naman akong maayos" nakangiti niyang sabi na halatang hindi naman totoo pero for now, hindi nalang muna ako mangingialam. May problema lang siguro yung dalawa at sila lang yung may kayang makaayos nun, but if she need our help, we're always ready to help her

 Tumahimik na kami pagkatapos nun at napatingin tingin nalang ako sa paligid. Antagal namang mahanap ni Lourdes si Isaac, baka inaantok na 'tong si Sarah eh

 "Is it over?" Napatingin ako bigla sakanya kasi naman eh biglang bigla kumanta

 "Ang ganda ng song na pinili niya oh" sabi niya at dun ko lang napagtanto na kinanta lang pala niya ang title ng nasa karaoke ngayon. Nakita kong kunti nalang ang laman ng kape niya na kaagad rin niya inubos pagkasimula ng kanta

Broken MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon