Broken 10

7.3K 198 91
                                    


Broken 10:

Sarah's Point of View

"Ay salamat at nandito na kayo!" Salubong kaagad saamin ni Trexie na halatang nagaalala. Kakarating lang namin sa resort at ang ganda pala dito tapos andami pang nipa huts

"Ha? Bakit?" Tanung ko kaagad sakanya

"I'll take this inside" sabi naman ni Isaac saakin at tumango lang ako kasi hinila na ako ni Trexie

"Bakla! Hindi makakarating yung singer sa wed ni nanay Lourdes!" Halatang nagaalala na siya kasi ganyan na ang tono at pagsasalita niya. Pero ano raw?

"Eh.."

"Kaya hinihintay kita ng bonggang-bongga kasi diba nanalo ka sa school? Nagguest kapa nung UN program natin" nanlaki yung mga mata ko at kaagad umiling-iling

"Ay nako ha!"

"Sige na! Please.. Para kay Lourdes?"

"Paano ako mageenjoy niyan? Kung kakanta ako?"

"Ay hindi pwedeng magenjoy habang kumakanta? Tsaka gusto mo naman ang pagkanta ah"

Napabuntong hininga ako at napatitig sa mukha niya na nakasimangot pero unti-unti naman ngumiti at tumalon-talon

"May magagawa paba ako?"

"Syempre wala! Hihi" hagik-hik niya

"Teka bakit pala tayo nandito? Pumasok na kaya tayo?" Yaya ko naman kaaga sakanya na kaagad naman niyang sinangayonan. Pumasok kami doon sa isang rest house yata tapos sa loob ang bonggang bongga na. Madami dami rin ang tao. May mga bata na naglalaro sa sofa tapos may mga matatanda na naguusap sa table tas meron ring mga teenagers na selfie ng selfie pero nagtatawanan naman pero hindi ko siya nakikita, asan kaya si Isaac?

"Ihja!" Napatingin ako kaagad sa gilid pagkarinig ko nun at nakita ko ang mommy ni Lourdes. Ngumiti naman ako at nakipagbeso sakanya

Thank god and you made it! Wait, where's your husband?" Sabi niya at magsasalita na sana ako ng biglang si Lourdes ang sumagot sa likuran nila

"Mommy, they traveled so far to came here and I bet they need to take some rest, right Sarah?" Sabi niya na may pasign pa sa mata na umu-o ka kasi hindi ka titigilan nito gusto ko man matawa pero pinigilan ko at ngumiti

"Yes po. I think he's upstairs already" sabi ko naman at ngumiti

"Bweno! take a deep rest because when the sun falls down, the party will start" sabi niya na nakangiti

"Mom I bet.."

Hindi ko na sila napakinggan kasi agad agad hinila ni Lourdes yung mommy niya. Napatingin naman ako kay Trexie na kanina pa palang wala sa tabi ko

"Iniwan talaga ako" sabi ko nalang at umakyat sa second floor. Pagkarating ko doon andaming pintuan ang nakikita ko tapos may 3rd floor pa yung bahay

Naglakad na ako doon pero hindi ko kinakatok. Paano ko kaya siya mahahanap?

"Isaac?" Sabi ko habang naglalakad pero walang sumagot. Naglakad nalang ako hanggang sa may narinig akong pagbukas sa likuran ko

"Ay nanjan ka lang pala!" Sabi ko at kaagad lumapit sakanya. Napatingin ako sa itaas ng punto at may nakalagay doon na Room 6

"I'm waiting for you" sabi niya na nakangiti kaya kaagad naman ako pumasok at napamangha sa loob

"Guest room paba 'to?"

"I guess so"

Sabi niya pero hindi ako makapaniwala. Eh kasi naman ang ganda, parang hindi guest room eh. Agad agad naman ako umupo sa kama at kaagad kong naconfirm na malambot talaga

Broken MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon