Broken #02

6.7K 143 12
                                    

Chapter 02: Hurt

Sarah's Point of View

I'm still cooking for my supper nang biglang may nagsalita sa likuran ko

"I'm home" kung hindi ko lang sana napigilan ang sarili kong lumukso dahil sa boses niya, mapapaso siguro ako. Binilisan ko yung paglagay nang malunggay sa niluluto ko and then I face him, with a smile on the face

"Maaga ka yata. Hindi pa tuloy ako natatapos sa pagluluto" I said but he just nod then lumabas nang kusina tapos umakyat papunta sa bedrooms. Limang bedroom ang pinagawa namin para sa magiging anak namin. Gusto ko nang dalawa lang but he insisted na apat kaya lima ang pinagawa niya

I finish the food that I cook at agad agad inoff yung stove then sumandok nang kanin na galing sa rice cooker

Inaamin ko, hindi ko ineexpect na dito pala siya kakain kaya isang putahe lang na ulam ang niluto ko. Hindi kasi siya umuwi kagabi at ngayon lang nakabalik dito

I thought doon siya matutulog ulit kaya hindi nalang ako nagabala na magluto pa nang marami

"So how's work?" Tanung ko sakanya habang nilalagay ko yung ulam. Bumaba na siya kaagad pagkalagay ko sa kanin

"Good" maikli niyang sagot. Pagkalagay ko sa ulam agad agad akong bumalik sa sink para kunin yung juice na ginawa ko

But kahit na may iba siyang pinupuntahan maliban sa office niya, ok lang. Hindi ko pa naman nako-komperma na may babae siya diba? Maybe nagstay lang siya sa isang hotel then binilin niya sa isang staff nang hotel na pag may tumawag, sabihan nang ganun. Pero maaari ba yun? Ipapahawak sa costumer sa isang staff ang phone niya? Pero bakit pupunta pa siya sa isang hotel kung may bahay naman siyang uuwian?

"Bakit pala maaga ka ngayon?" I ask him para naman hindi masyadong tahimik. Nabibingi ako sa katahimikan tsaka kailangan kong pagtiwalaan siya at hindi pagdududahan

"Walang masyadong gagawin sa office" sabi niya and I put some juice on his glass at umupo ako kaagad sa chair na nasa harapan niya

"Ah ganun ba?" Yan lang ang nasabi ko. Sumandok ako nang sabaw nang manok na may malunggay tapos nagsimula nang kumain

"Sorry nga pala kung yan lang ang nailuto ko. Akala ko kasi hindi ka uuwi" sabi ko kahit na biglang nanlamig lahat nang katawan ko. Gusto kong pumikit para hindi makita ang pagtitig niya saakin

"Nandito na ako" sabi lang niya at tumango tango lang ako. Binilisan ko yung pagkain ko kasi napapansin ko maliit nalang yung pagkain na nasa plato niya

"Gusto mo pa nang juice?" Tanung ko nung nakita kong wala nang laman ang baso niya. Tumango siya at tumayo naman ako kaagad

Nilagyan ko nang juice yung baso niya at lalayo na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko..

Ang kamay kong may band aid. Binawi ko kaagad yung kamay ko at umupo kaagad sa upuan

"Wala lang to" sabi ko habang ngumingiti at winawagayway yung kamay na may sugat. Bigla ko nanamang naalala ang nangyare kagabi

Umiling iling ako at sinimulan kaagad kumain. Habang kumakain ako, napapatingin ako sakanya. At napaisip ako, tatanungin ko ba siya o hindi?

"S-saan ka pala natulog kagabi?" Bahala na. Naitanung ko na. Napayuko ako kaagad kasi napatingin siya sakin. Binilisan ko yung pagkain ko at inilagay yung kutsara't tinidor sa plato ko nung natapos na ako

"Sa bahay nang kaibigan ko" sabi niya. Babae ba yang kaibigan mo? Itatanung ko sana pero ayoko namang maging shunga dahil alam ko na babae kaya hindi na ako nagtanung pa

Somehow nabunutan naman nang tinik yung dibdib ko dahil nasa bahay ng kaibigan lang pala siya. Minsan talaga nagiisip ako nang kung ano ano kaya ayokong pangunahan ang mga nangyayare baka kasi maling akala lang

"Gusto mo pa?" Tanung ko habang inaangat yung pitchel at tumango naman siya

Tumayo ako at naglakad papunta sakanya then nilagyan siya nang juice ulit. Aalis na sana ako nang bigla akong nakakita nang mga pasa sa leeg niya.. Mga pasa nga ba?

"Anung nangyare jan sa leeg mo? Ba't may mga pasa?" Tanung ko at hahawakan ko sana nang bigla siyang tumayo palayo sakin

"Inaallergy ako" sagot niya. Tumango ako tapos tumakbo papunta sa mga gamot then kumuha ako nang antihistamine

"Inumin mo to para mawala yan" sabi ko sabay bigay sakanya nang gamot at tubig pero tumanggi siya

"Bakit? Patingin nga ako sa allergy mo" sabi ko at akmang lalapit pero lumalayo siya kaya bumuntong hininga nalang ako

"Sige" sabi ko at bigla kong naalala yung apple na binili ko kanina

"Gusto mong kumain nang apple?" I ask him tapos tumango naman siya kaya agad agad akong pumunta sa ref tapos kumuha nang dalawang apple

Naririnig kong papalapit siya saakin pero may biglang nagring and I guess phone niya yun

Naglakad ako papunta sa sink at siya naman papunta sa bathroom. Malapit lang yung sink sa bathroom kaya magkakasalubong talaga kami and I can't help myself na hindi yun titigan

May pagkapula pero may pagkablack or green. At minsan nakakita na rin ako niyan noon. Nakakuha rin ako nang ganyan noon and I guess hindi yun allergy

Pero who knows? Baka mali nanaman ang iniisip ko at allergy naman talaga yun diba?

"Hello? Jen?" Rinig kong sabi niya nung nakapasok na siya sa bathroom

Habang hinihiwa ko yung apples, napapansin kong medyo bukas yung bathroomb door at medyo naririnig ko yung usapan nila nung Jen

"Bakit? No. Hindi ako pwede" rinig kong sabi niya pero patuloy pa rin ako sa paghihiwa

"Hindi nga kasi ako pwede. Kasama ko ang asawa ko" napangiti naman ako. Mas inuuna pala niya ako kaysa sa ibang bagay 

Hiwa pa rin ako nang hiwa habang nakikinig nang palihim

"What? Pupuntahan kita kaagad diyan ngayon? Hindi kasi pwede. Sige. Bukas nalang, pupuntahan kita jan. Oo, promise.." Ok lang. Siguro katrabaho lang niya yang Jen niya at kailangan magpatulong o may dapat ibibigay kaya kailangan puntahan o hindi kaya isa sa mga board members nang kompanya

Kaso hindi ko inaasahan ang kasunod kong narinig

"I love you too. Sige bye"

minsan talaga, may mga taong gustong magpakatanga, kagaya ko. Pagkarinig ko nun, nahiwa ko pati ang isa ko nanamang daliri at dumugo kaagad yun

Biglang tumulo ang luha ko kasabay nang pagpanic ko kasi biglang gumulo ang isip ko at hindi ko alam ano ang gagawin ko

Nasasaktan ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para mawala ito

Tatakbo sana ako nang biglang may humawak nang kamay ko. Pagkatingin ko, nakita ko si Isaac na halos magkadugtong na yung mga kilay

"Ano bang nangyare?" Tanung niya. Hindi ako nagsalita at pinabayaan siyang linisin ang sugat ko gamit nang tubig na galing sa gripo

"Masakit pa ba?" Tanung niya saakin at biglang tumulo ang luha ko. Napatingin ako sakanya tapos ngumiti

"Masakit"

Broken MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon