Broken 7

5K 123 34
                                    


Broken 7 : The deadly but silent encounter

  Sarah's Point of View

Lumabas ako galing sa fitting room. Ika anim na boutique na namin ito at hindi pa rin nagugustuhan ni Isaac yung mga dresses sa mga naunang botique, sabagay kasi ang si-simple lang nang nauna, umiba na yata taste niya

"Uhh.. Ok na ba? .. Medyo maiksi 'to" sabi ko sabay hila ng konti pababa ng laylayan ng dress. Sleeveless ito na nakaikis sa likuran ang strap then parang tube be like na gown pero puti siya tapos may mga bulaklak na design na ginawa lang galing sa hilo na puti. Simple but elegant

Hinihila ko pa rin ng tela habang nakayuko. Nakakahiya naman 'to, andami pa namang tumitingin

"Wife.." Akala ko pangit kaya napatingin ako sakanya kaso nakatulala lang siya saakin

"A-ahh.. Ano.. Pipili nalang ako ng-"

"Don't.."

Napahinto ako sa pagbaba nung platform. Lumapit siya sakin then ngumiti. Alam niyo yun? Feeling ko lahat ng intestine ko tumambling nung nakita kong ngumiti siya sakin

"We take this.." Kahit hindi na niya sabihing bumagay sakin o gumanda ako sa dress na 'to, ok lang kasi atleast alam kong nagustuhan niya

"Yes sir.." Sabi kaagad nun babae with a smile at umalis. Lumayo muna ako ng konti kay Isaac and mention the fitting room. Tumango naman siya at umupo kaagad doon sa upuan. Sumabay sakin yung babae na tumutulong saakin kanina

"Ma'am ang ganda niyo po sa dress na 'to. Sure akong hindi ka talaga ipagpapalit ng mister niyo" nakangiting sabi nung babae at medyo gusto kong matawa sa sinabi niya. Ngumiti nalang ako sakanya tapos nakipagusap

"Hindi nga po?"

"Opo ma'am.. Tsaka si ma'am talaga, pino-po ako" nahihiyang sambit niya at tumawa nalang kami ng kaunti tapos pumasok ako sa loob ng fitting room. Nung pagkalabas ko, nagusap kami ulit

"Kinasal kana ba?"

"Ay ma'am hindi pa po eh. Binubuhay ko pa po yung isa kong kapatid tsaka po wala naman sigurong magkakagusto sakin" napatingin ako sa buo niya pagkasabi nun. Nakikita ko ang sarili ko sakanya. Ganyan rin ako nun inaakalang walang magkakagusto eh noon kasi isa lang naman akong scholar tapos yung mga kaklase ko doon sa university mayayaman

"Hindi ka naman panget ate. Simple
ka lang talaga. Tsaka nanjan lang si Mr. Right sa paligid, hinahanap ka" nakangiti kong sabi at nagtawanan nalang kami. Nung nakalabas na kami ng tuluyan nakikita kong may hawak hawak nang paper bag si Isaac at tumayo kaagad pagkakita sakin

"Thank you ma'am, sir. Come again" sabi nung dalawang babae sabay bow saamin kaya nginitian ko lang sila at nagsimula na kaming lumabas ni Isaac sa boutique na yun

"Are you hungry wife? Mag twe-twelve na" sabi niya habang naglalakad kami teka 12 pa? Akala ko 2pm na

"Kumain tayo sa Mcdo?" Aya ko at medyo kumunot ang noo niya

"Why there?"

"Eh dahil mura lang? Ayoko kasing magsasayang tayo ng pera"

"If it is for the both of us, I will waste all my money" sabi niya at medyo, medyo lang ha? Medyo kinilig ako. May paganun ganun pa siya

"Ewan ko sayo. Ay dito na nga lang sa Laguna restaurant. Masarap daw yung pagkain dito" sabi ko at bago man siya makatanggi, hinila ko na siya papasok at kaagad kami umupo sa table for two. Medyo nakaramdam ako ng maiihi ako kaya nagexcuse muna ako sakanya na sakto ring dumating si kuya waiter

"Wait wife.. What do you want to eat?"

"Ikaw na yung bahala. Yung pinakamura nalang" medyo pabulong kong sabi kay Isaac dahil nakakahiya naman at narinig kong tumawa siya

"Right.. I would like to order the best specialty of this restaurant.." Hindi ko na narinig ang pinaguusapan pa nila kasi feeling ko maiihi na yata ako sa suot kong long dress na may belt. Ang weird ng dress na 'to pero ok rin naman kasi maganda ako tignan

Pagkapasok ko sa female comfort room  agad agad akong pumasok sa isang cubicle. Nung tapos na ako, lumabas ako kaagad kaso bigla akong napatigil

"Hi" bati sakin nung babae or mas kilalang Jen

Andaming tumatakbo sa isipan ko kagaya ng bakit siya nandito? Sinasadya ba niya 'to? Kilala ba niya ako? Makakalbo na ba ako?

But I don't want to be rude kaya bumati rin ako

"Hello" I said with a fake smile. Kahit mabait ako marunong rin naman akong pumeke ng ngiti. Lumapit ako doon sa fuset at kitang kita ko sa reflection yung ginagawa niya. Artistic siya, bumabagay talaga sakanya ang mga make up samantala sakin magmumukha akong clown . At ang taas pa niya, ang ganda pala niya sa malapitan samantalang ako pag magkakatabi kami magmumukha akong basahan

pero paki ko naman. Atleast ako natural beauty..

Hindi ko maiwasang mapangiti sa mga iniisip ko, ang maldita ko na talaga. Naghuhugas pa rin ako ng kamay ko nung napansin ko naglalagay siya ng eyeliner ng biglang..

"Ouch!" Heh.. Buti nga sayo. Grabe ansama ko na talaga. Natatawa na ako sa isipan ko nung nasaksihan kong natusok niya yung mata niya or na nasagi niya dahil biglan nagring yung phone niya

But mabilis pa yata si karma sa agos ng tubig kasi..

"Hello hubby! Yes.. What!? No! Eh ano naman ngayon?" Inoff ko yung fuset at kumuha ng tissue sa shoulder bag ko. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko sa naririnig ko. Napatingin ako sa reflection at nakita kong nagtugma yung mga mata namin tapos ngumiti siya.. Yung ngiting nakakainis

"So what? Hindi mo ba ako ipakilala sakanya? Haha I'm just kidding. I will just wait you tonight.. Ok.." Sabi niya at inaayos ko na yung buhok ko pero ginawa ko lang yun para magmukhang busy ako pero sa katunayan gusto ko lang marinig ang sinasabi niya pero sana pala lumabas nalang ako bago marinig ko yun

"I love you too.. I'll hung up na ha? Oo nga, d ka talaga makapaghintay.. I love you more" napahinto ako sa ginagawa ko at napatingin sakanya na nakita ko ring nakatingin siya sakin habang may malaking ngiti sa labi

Hindi ko maiwasang titigan siya habang maarteng inaayos ang sarili niya. Kung paano siya gumalaw at kung paano niya ako napapainis ng husto.. No, provoking is an understatement, angry is the right word.  Pero hindi ko siya magawang saktan at alam kong hanggang tingin lang ako

"Bye" sabi niya at ngumingiti ngiti pa bago lumabas. Nung nakalabas na siya napahinga ako ng malalim at napatingin sa harapan ng salamin

"Kaya mo 'to. She's just nothing compare to you" sabi ko sa sarili ko at hinawi ang ang buhok ko tapos tumayo ng matuwid bago lumabas at kaagad ko nakita na nagihintay pala si Isaac sakin, ngumiti ako sakanya and walk towards our table habang sa labas ng restu nakita ko siya, nakatitig saamin kaya napangiti ako

Yeah right.. She's nothing

****
A/N: Whoo grabe! Natutuwa ako sa mga characters ko dito kasi kahit hindi sila nagaaway ng harap harapan, alam mo talagang mag competition..

Bawing bawi si Sarah kaya fair pa rin sila ng score hehe.. Hope you like the update..

Vote. Share. Love

Broken MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon