Broken 9

4.9K 118 28
                                    


Broken 9: argue

Sarah's Point of View

Naalimpungat ako dahil may narinig akong ring pero kaagad naman nawala kaso bigla ko nanaman yun narinig pero kaagad nanaman nawala kaya minulat ko nalang unti unti yung mga mata ko at nakita ko si Isaac na nakaupo sa kama na nakatalikod sakin habang yung cellphone ay nasa tenga niya

Gusto ko sana siyang e approach at magtamung kung sino ang tumatawag kaso natatakot ako..

"Yeah.." Napapikit ako kaagad nung nakita kong titignan niya ako. Bumilis yung paghinga ko at may hinala ako kaagad na sino ang katawag niya

"She's asleep.. No.. I can't.. Just wait for a day or two.. Yes.. Ok. Goodnight. I love you too" kahit na nakapikit lang ako, kahit na ang sakit aminin.. Wala pa rin akong lakas ng loob para sabihin sakanya ang lahat ng nararamdaman ko. Tumalikod ako sakanya pero nakapikit pa rin ako at niyakap ng husto ang comforter para hindi mapansin yung luha na tumutulo na. Akala ko kasi ok na ang lahat, na kaagad mawawala yung Jen dahil ok na kami at pampalipas oras lang yung Jen kaso nagkakamali ako

Naramdaman kong humiga siya at niyakap ako galing sa likuran at siniksik yung mukha niya sa leegan ko. Napabukas ako ng mga mata ko at napatitig sa mga blinds. Sana pala talaga hindi nalang ako nagusing para hindi ko nalaman yun. Sana pala hindi ko nalang nalaman ang lahat para hindi ako magiisip na kaya akong ipagpalit ni Isaac sa iba. Tumulo yung mga luha ko at pumikit
nalang ulit. Baka panaginip lang 'to at bukas hindi ko malalaman na nangyare pala ito

**

"Hon.." Napatigil ako sa pagiimpake pagkarinig ko nun. Gusto kong maiyak dahil iba't-ibang ala-ala ang naiisip ko pagkarinig ko nun. The endearment hon is the first endearment we shared and it was also the thing we lost along the way..

"Yes?" Nakangiti kon tugon sakanya at nakita ko naman siyang nagsu-suot ng damit niya. He is wearing a plain white polo with a long sleeves but it was folded until his elbow, a black faded jeans na may gupit sa tuhod and he fold the cloth sa may paa niya to look like a jagger pants and a pair of black and white nike shoes

"Go take a bath. I'll continue what you're doing" sabi niya habang nakatingin sa salamin and fixing his hair. He neatly brush it up and tumingin sakin at ngumiti. Bakit ba ang gwapo niyang tignan?

"Uhh.. Oh. Sige.." Sabi ko at tumayo na sa kama. Konti nalang naman ang itu-tupi, siguro kaya na niya yan

Kumuha ako nang bathrobe at undergarments then pumasok kaagad sa banyo. Hinubad ko lahat ng damit ko at pinatong sa lalagyan. Binuksan ko yung shower and start my ritwals

Nung tapos na ako lahat lahat lumabas ako at nakita kong ok na yung mga maleta namin pero wala si Isaac kaya lumabas ako. Bumaba na siguro yun or baka bumaba para bigyan ako ng privacy pag magbibihis na

Medyo natawa ako nung naalala kong may nangyare saamin kagabi at sa harapan ko pa siya nagbihis tapos lalabas pa talaga si Isaac para bigyan ako ng privacy? Nakakaloka lang

Pagkalabas kokaahad ako tumungo papunta sa stairs kaso napatigil ako kasi nakita ko galing sa itaas na may kausap siya.. I mean may kausap talaga siya at nandito siya ngayon pero nasa lanas lang ng pintuan at yung likod lang ni Isaac ang nakikita ko kasi natatakpan nung pintuan ang lalaki at katawan niya

Hinintay ko nalang silang matapps kasi feeling ko parang seryoso yun masyado lalo na't nakita ko medyo yung suot ng lalaki, nakaformal attire kasi yun at may attache case pa

Mga ilang minuto lumipas at nakatayo pa rin ako haban nanunuod sakanila pero nasa itaas pa rin nang nakita ko may ibinigay yung lalaki na kausap niya -naconfirm kong lalaki kasi nakasuit siya- na brown envelope at dahil sa curiousity bumaba ako ng hinay-hinay hanggang sa narinig ko yun..

Broken MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon