Broken 04

6.1K 145 25
                                    

Chapter 04: I know I'm not the only one

Sarah's Point of View

"Ganun ba? Sige. Tanggap ko"

I said tapos ngumiti sakanya. I want to cry infrot of him para ipakita sakanya na nasasaktan ako.. Nasasaktan ang asawa niya but I can't. Hindi pwede. Not now

Hindi muna ngayon. Hindi pa ako susuko. Ako ang inuuwian niya, ako ang kinikilala niyang asawa, ako ang nagluluto para sakanya, naglalaba, naglilinis nang bahay niya, ako lahat at walang wala ang kabit niya. Alam kong dadating rin ang panahon na iiwanan niya ang kabit niya at sasaya na kami ulit

Yes. Tama. Wag kang paghinaan nang loob Sarah. Kabit lang siya, ikaw ang asawa

Makakaya mo naman ang sakit diba? Maliit lang naman 'tong sakit na 'to kumpara sa sakit nung pagkamatay nang anak niyo

"Tanggap ko na mahal mo talaga ako. Sorry naman kung tinanung pa kita. Alam ko naman kasing mahal mo ako" sabi ko habang nakatingin sakanya. Hindi ko niloloko ang sarili ko. Mahal niya ako kaya ako ang inuuwian niya

Nakita kong magsasalita sana siya pero napatayo nalang ako. Ewan ko ba kung bakit, dahil siguro naluluha na ako

"Magbabanyo muna ako. Naparami yata ang paginum ko nang juice" sabi ko at agad agad naglakad papunta. blur ang paningin ko at may nabundol ako tapos parang may nahulog. Hindi ko kasi nakikita dahil blur ang paningin ko

"Ay ano ba yan" sabi ko habang natatawa at napaluhod. Tumulo ang luha ko habang inaayos yung upuan na nabundol ko

"Ang tanga ko talaga. Alam ko naman pero hindi ko binigyan nang pansin" sabi ko habang tumatayo na hindi humaharap sakanya tapos naglakad papunta sa banyo. Isinara ko yun at doon na tumulo nang tudo ang mga luha na gusto ko sanang ipakita sakanya

Nilock ko at napasandal nalang ako sa pintuan habang hinahawakan ang dibdib ko kung saan nandoon ang sakit na nararamdaman ko

Napatakip ako sa bibig ko nung napahagulhol ako. Ok lang kung nasasaktan ako ngayon kasi natitiis ko pa naman ang sakit at tsaka masyado pang maaga para sumuko

***

"Dumating na sina Mom Mari at Dad Roby" sabi ko kay Isaac habang nakahiga. Nagta-type pa siya sa laptop niya pagkasabi ko nun

But instead on answering me, he keep on silence kaya nagsalita nalang ako ulit

"Alam mo ba nagkwento siya about sa mga pinuntahan nila sa Paris" sabi ko ulit and take a glance of him pero tutok na tutok pa rin siya sa laptop niya

"Bukas pala wala siguro ako sa bahay kasi nagtext saakin si Ate Jillian na kung pwede doon ako matutulog sa bahay nila. Ok lang ba sayo yun?" Sabi at pagtatanung ko sakanya at doon na siya napatingin saakin

"Bahala ka" sabi niya at tumango tango naman ako. Tumahimik na ako at tumingin tingin sa piligid hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako

***

Papunta na ako ngayon sa bahay nina Ate Jillian dala dala ang isang cake na coffee flavor. Favorite ni Josh, anak niya

Habang naghihintay na mapuno yung jeep na sinasakyan ko, tinetext ko si Isaac

To: Isaac

Nagluto na ako nang ulam para pag makauwi kana may makakain ka. Baka bukas pa ako nang tanghali makauwi. Sige. Ingat sa trabaho. Bye I love you

Then I click send tapos pinasok yung cellphone sa bag ko kasabay nang pagandar nang jeep

Malapit lang naman yung kina Ate Jillian kaya hindi ako magtatagal dito sa jeep

Broken MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon