Chapter 33:Found?

38 9 0
                                    

Bloomy's POV

Napagpasyahan naming lahat na sama-sama na kaming pumunta ng Bacolor. May tatlo pang natitirang laboratoryo. Ito ay ang sa Duat, Macabacle at Mesalipit.

Una naming tinungo ang laboratoryo ni Dra. Samantha Macapagal. Bagong bukas lamang ito. Halos anim na buwan na rin ang kanilang operasyon. Kaya ko ito pinaghihinalaan dahil na rin sa biglaan nitong pagsasara kamakailan lang. Kahina-hinala talaga dahil wala kaming makitang rason o kahit anong impormasyon kung bakit nagsara ito.

"Bakit kasi mas nauna tayo rito sa Duat, Bacolor? Malakas kasi ang pakiramdam ko na baka sa Macabacle, Bacolor ang mga hinahanap natin." Sabi ni Caela habang nagmamaneho.

"Hayaan muna. Si Bunso kasi. Gusto raw ng duhat. Ewan ko ba roon! Narinig lang ang Duat, duhat na agad ang naisip niya." Napailing ako sa kakulitan ni Bunso.

Pagkarating namin sa lugar, kanya-kanyang baba na kami sa mga sasakyan. Ako ang nanguna sa kanila. Sumalubong sa amin ang laboratoryo na puno ng kandado.

"Anong gagawin natin?" tanong ni Ate Eris.

Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Nakakapagtaka ang sobrang katahimikan ng lugar. Mataas na ang sikat ng araw. Ngunit wala ni isang tao akong nakikitang pakalat-kalat.

"Bakit walang tao sa kalyeng ito? Napansin niyo ba?" tanong ni Caela sa aming lahat.

"Naitanong mo na rin lang, sasabihin ko na kung bakit," singit naman ni Bunso. "I think it's almost one week."

"One week? Tapos?" putol ni Caela sa kanya.

"Sabi ni Kuya Kyle pinaalis daw ni Gov. Uno ang mga tao sa street na ito. Sa kadahilanang may mga naririnig daw silang mga hindi maipaliwanag na tunog tuwing gabi. I don't know the specific sound they trying to say," paliwanag niya.

"Dahil na rin sa mga hindi maipaliwanag na pagkawala ng ilang kabataan parang minabuti ng gobernador na ilagay sila sa ligtas na lugar?" tanong naman ni Ate Eris.

"Exactly? Maybe?" Hindi siguradong sagot naman ni Bunso at napakamot pa sa ulo.

Napailing ako. Kung ganoon. Paano kami makakapasok dito? Malakas talaga ang kutob ko na parang may hindi tama. Ngunit kung iyong titingnan dito sa labas wala naman kahina-hinala sa kabuuan ng laboratoryo.

"Sabi na kasing doon tayo sa Macabacle. Sa Sapote Laboratory. Kilala ni Ate Nica ang may-ari. Ka-batchmate niya raw iyon. Sabi niya rin sa akin magkakilala iyong may-ari at si Governor Uno," sabi sa amin ni Caela.

"Maghintay muna tayo sa mga sasakyan kahit tatlumpung minuto lang," deklara ko.

Sumang-ayon naman silang lahat at naghintay nga kami sa aming dalang dalawang sasakyan. Wala siguro kaming mapapala rito. Wala talagang taong dumaraan man lang. Panay reklamo pa ni Bunso. Gutom na raw siya.

"May paparating na sasakyan!" Sigaw ni Caela rito sa loob ng aming sasakyan. Nakaturo pa ang kanyang kamay sa direksyon kung nasaan ang paparating. May puting van nga na patungo sa aming kinaroroonan.

"Saan kaya ang punta niyan? Napadaan lang dito sa kalye na ito?" tanong ko.

Hindi nila kami mapapansin kung hihinto man ito sa tapat ng laboratoryo dahil may espesyal na dalang tela si Bunso. Pinantakip namin ang mga ito sa aming mga dalang kotse. Ang astig nga! It makes us invisible to their eyes.

"Huminto sila sa tapat! Tingnan mo!" sabi ni Caela.

Napailing ako. Gusto ko siyang sabihan na "Oo. Kitang-kita ng dalawang mata ko. Hindi ako bulag." Ngunit minabuti ko na lang manahimik at magmatyag.

"Anong gagawin ng babae sa loob?" Tanong ni Caela at tiningnan ako. Kibit-balikat lamang ang aking tugon.

"Wait! I have a plan," singit naman ni Bunso. Rinig namin siya dahil pa rin sa mga espesyal niyang imbento na kasalukuyan naming suot.

"Ano?" tanong ko naman.

"I will go to the white van. Ask the driver about the lady who recently went in the laboratory. Tapos ang problema!" Tumawa ito sa kabilang linya.

"Mag-iingat ka," paalala ko.

"Don't worry, Ate Blossom! Leave it to me," sagot naman nito.

Hinintay namin siyang bumaba sa sasakyan nila. Ilang sandali lang bumaba ang isang matandang babae? Nagkatinginan tuloy kami ni Caela. Sino naman iyon?

Rinig kong tumawa si Ate Eris sa kabilang linya. "Si Bubbles ang matandang babae. Kung nagtataka kayo." Paliwanag nitong natatawa pa rin.

Napatango-tango naman ako.

"Ibang klase rin si Bubbles. Ang husay! Naaalala ko sa kanya iyong kababata kong namatay na," bigla sabi ni Caela.

Napatingin ako sa kanya na magkasalubong ang kilay. Naghintay pa sa susunod niyang sasabihin.

"Magkahawig sila ni Joan iyong kababata ko at matalik na kaibigan. Parang kamabal-tuko nga kaming dalawa. Hindi mapaghiwalay. Kaso nga lang..." bitin niya sa kanyang sinasabi.

"Kaso nga lang iniwan ka niya?" tanong ko.

"Manong! Bukas na ba itong laboratoryo niyo?" rinig kong sabi ng matandang boses.

Kaya napatingin ako sa harapan upang alamin ang ginagawa ni Bunso. Nakatayo siya sa tapat ng nakabukas na bintana. Kitang-kitang ang matandang nagmamaneho ng sasakyan kung saan bumaba ang babaeng pumasok sa laboratoryo kanina.

"Hindi ba delikado ang ginagawa niya?" bakas ang pagaalala sa tono ng pagkakatanong ni Caela.

"Delikado," simpleng tugon ko.

"Ano pang ginagawa natin?" Akmang aalis na siya nang pigilan ko ito. Labis na pagtataka ang makikita sa kanyang mukha.

"Lola, hindi pa po. May pinuntahan lang si Ms. Ailene sa loob. May kinuha lang po yata," rinig kong paliwang ni Manong kay Bunso.

"Ganoon po ba? Sige po. Maraming salamat na lang." Sabi ni Bunso at bumalik muli sa sasakyan kung saan naghihintay si Ate Eris.

"Ano ng plano? Umalis na tayo rito," naiinip na sabi ni Caela.

"Nagmamadali? Ako nga gutom na rito. Pero sumbak pa rin sa gyera. Iyong iba riyan nakaupo na nga lang ang dami pang reklamo," parinig ni Bunso sa kabilang linya.

Napabuntong-hiningi ako. "Pwede ba huwag niyong umpisahan ang bangayan niyo. Alam ko kung saan tutungo ito. Mabuti pa maghanap muna tayo ng makakainan," sabi ko.

"Great!" rinig kong pagbunyi ni Bunso sa kabilang linya.

Umalis na kami sa lugar at naghanap ng makakainan. Maya-maya lang tanaw ko na ang isang karinderya. Nagpalit muna kami ng damit na pang ordinaryong tao. Baka may manghinala pa sa amin na hindi kami mga totoong sundalo.

Akmang bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse ng mapatigil ako.

"Madam kumusta na po sila?"

"Mga buhay pa naman. Kaya lang. Hay! Ewan. Stress pa rin si Mama kasi hindi pa rin niya makuha ang tamang lunas para sa sakit ni Eight."

Nanlalaking matang napatingin ako kay Caela. Pareho kami nang reaksyon. Gulat na gulat sa mga narinig.  

#AríyaWhere stories live. Discover now