Chapter 4: Research

86 20 5
                                    

Bloomy's POV

Kasalukuyan akong nasa kwarto at kaharap ang laptop. I went to Google and typed, "Post of five teenagers who disappear last Friday 13th." As I click 'find', list of related links appear.

Ang una kong binuksan ay ang binabasa kanina nina Gelo at Nana Salome.

Five people posted yesterday. They had same post. It includes Friday the 13th and Aríya. After their post, they were never been seen. Coincidence?

Napaisip ako. "Pwede." Pero napansin ko ang mga oras kung kailan sila nagpost. Magkakaiba naman. So after they post they disappear?

Kianne De Miranda
Julio Morales
Helda Castro
Hugo Lim
Riza Mae Castillo

Silang lima ang nawawala matapos nilang magpost. Magic doesn't exist. How on earth they suddenly disappear? Strange!

Umalingawngaw ang sunod-sunod na katok sa aking kwarto.

"Hija, kain na!" tawag sakin ni Nana Salome sa likod ng nakasara kong pinto.

"Opo, Nana Salome! Sunod po ako." Pasigaw kong tugon. Ilang sandali lang ay narinig ko ang mga yabag niya palayo.

Tinolang manok ang kasalukuyang pinagsasaluhan namin sa hapag. Kahit napakasarap ng ulam hindi ko pa rin maiwasan isipin ang mga natuklasan ko kanina. Kaya naisipan kong magtanong kay Tata Ben.

"Taga saan po kayo sa Pampanga, Tata Ben?" usisa ko.

Napatingin silang tatlo sakin. Pero kaagad ding sumagot si Tata Ben. "Sa Bacolor, kabaranggay namin ang kasalukuyang nakaluklok na gobernador sa aming lalawigan. Si Governor Uno De Jesus."

"Siya po iyong tatay ni Eight De Jesus?" tanong ni Gelo kay Tata Ben.

Natawa naman si Tata Ben. "Oo. Mag-ama nga, na may kakaibang pangalan. Mabait ang dalawang iyon. Lalo na si Governor Uno. Action Man ang tawag ng mga kapampangan sa kanya kasi ang bilis umaksyon. Nabibigay niya agad ang kailangan ng kanyang nasasakupan. Wala kang mapipintas sa taong iyon!" pagmamalaki ni Tata Ben sa amin.

"May bahay pa po ba kayo doon, Tata Ben?" usisa ko pa ulit.

"Naku, wala na. Nilamon na ng lahar noong pumatok iyong pinatubo. Patay na mga magulang ko at ako lang ang anak nila. Sa Maynila na ako lumaki kasama ng tito ko. Huling uwi ko doon noong bagong kasal kami ni Salome. Pinasyal ko siya doon at pinakilala sa mga kababata ko." Nakangiting sabi nito.

"Bakit mo pala natanong hija?" pahabol niya.

"Naalala ko po kasi iyong pinag-uusapan nina Gelo at Nana Salome kaninang naliligo ako," sagot ko naman.

"Tata Ben, totoo po ba talaga yung Ariya? Kasi may nawala raw pong limang kabataan sa Pampanga kahapon dahil Friday the 13th," singit naman ni Gelo.

"Aríya Gelo, hindi Ariya. Para sa akin totoo ang mga Aríya o pamahiin. Sabi nga ng mga matatanda wala naman mawawala kung ito'y ating paniniwalaan. Pero iyang Friday the 13th? Hindi ko alam, galing yata iyan sa ibang bansa," hindi siguradong paliwanag ni Tata Ben.

Yeah! Tata Ben was right. Friday the 13th was a Western Superstition. I remember, I saw an article about that before.

When Sunday morning arrived, I decided to sent a text to Bubbles. I can sense that our adventure is approaching!

Classes by monday took so long. All I wanted is to talk with Bubbles. When our last subject is over, I rush to the campus science garden. There I saw bubbles looking upset at me.

"Finally! Akala ko nga daratnan mo ko rito na inuugat na. What took you so long?" Naiinis na sabi nito.

"Sorry. Dumaan pa ako sa kantina. Para rito." Sabay angat ng dala kong galon ng sorbetes.

#AríyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon