Chapter 13:Teacher

68 13 2
                                    

Bloomy's POV

It's going to be the start of our 'How to speak kapampangan dialect 101'. We woke up at 7:30 am, determine to learn a new language.

"Good morning girls! Kain na raw tayo! Mas magandang may laman muna ang tiyan bago ang lahat. Teacher ang peg ko ngayon!" sabi ni Ate Eris.

"Talaga Ninang Ganda? Tuturuan niyo po sina Ate? Ako na lang po! Magaling po ako! Dati ako po ang teacher ni Ate Riza kapag nag-play kami dito sa bahay. Sige na Ninang! Please! Please!" Pinagsalikop pa nito ang kanyang kamay at bongga ang paganda sa kanyang Ninang.

"Huwag ako ang tanungin mo. Iyang mga Ate mo. Pero mamaya na, baba na tayo. Sunod kayo ha?" Tango lang sagot namin at iniwan na kaming dalawa ni Bubbles sa kwarto.

Matapos makakain ng almusal, sa sala kami pumwesto para simulan ang pag-aaral.

"Saan ba tayo magsisimula? Hmm... Alam ko na!" sabi ni Ate Eris.

"Ninang! Ninang! Ninang!"

Napatingin kami sa sumisigaw na si Princess habang kinakaladkad ang kanyang nanay. May dalang maliit na pisara si Ate Ara. Si Princess naman dala ang isang kahon ng chalk.

"Pinakuha sa akin itong blackboard niya. Mag-aaral daw kayo?" tanong ni Ate Ara.

"Nagpapaturo itong dalawang dalaga natin. Gusto raw nilang matutunan ang makapagsalita ng kapampangan." paliwanag ni Ate Eris. Pinatong naman ni Ate Ara iyong pisara sa pang-isahang upuan. Tinapat namin doon ang aming inuupuan. Nang nakapwesto na ang lahat, inabutan ng isang chalk ni Princess ang kanyang ninang.

Matapos mag-isip na ilang sandali, nagsimula ng magsulat sa board si Ate Eris. Ngunit saktong haharap na sana ito sa amin ng bigla na lamang siyang napakapit sa lamesita. Mabilis naman itong dinaluhan ni Princess na malapit sa kanya.

"Ninang bakit po?" Nag-aalalang tanong ng bata.

"Nahilo ako. Sandali lang, pahinga lang ako saglit." Umupo si Ate Eris sa lamesita katabi ang pamangkin.

"Mga Ate! Ayaw niyo ba talaga na akong na lang teacher niyo?"

Nagkatinginan kami ng katabi ko. "Sige na nga Princess! Pakita mo sa amin ang galing mo! Para na rin makapagpahinga muna ang Ninang mo," sagot ni Bubbles.

"Yehey! Narinig mo iyon Ninang? Ako na daw teacher nila. Ano po palang gagawin ko Ninang Ganda?" Pinalapit ito ni Ate Eris at may binulong sa kanya. Natawa naman ang bata nang marinig ang anumang sinabi ng Ninang niya. Pagkatingin ko kay Bubbles nagkibit-balikat lang ito.

"Ehem! Okay class!" Napahagikgik pa ito.

"Sabi ni Ninang Ganda kailangan daw muna nating hilahin mga dila niyo." Sabay lapit niya sa amin at tingin sa mga bibig namin ni Bubbles.

Mabilis naman napatakip ng bibig ang katabi ko.

May narinig akong tawa.

Napatingin ako kay Ate Eris na nagpipigil ng tawa habang pinapanood kami. Ano bang kalokohan itong pinapagawa niya sa bata?

"Bakit Ate Bubbles ayaw mo?" Tanong niya kaya Bubbles na umiling lang na nakatakip pa rin ang bibig ng dalawang palad. "Ikaw Ate Bloomy?"

Pinukulan ko muna ang may pakana nito ng masamang tingin. Nagdadalawang-isip man ay mabigat sa loob ko pa ring binuksan nang dahan-dahan ang bibig ko.

Nang ako'y hustong nakanganga na, natawa ng malakas ang dalawang bruhilda.

"Ninang Ganda! Tama ka! Ginawa nga niya."

"So all along you're tricking us? Hays! I can't believe this, I fell on your trap!" Mabilis kong itinago ang mukha ko sa likod ni Bubbles dahil sa hiya. Natawa na rin sa akin ang may-ari ng likod na pinagtataguan ko.

#AríyaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant