Chapter 15:Disappearance

48 12 1
                                    

Bloomy's POV

"Anong gagawin mo diyan?"

"Secret!" Dala kasi nito ang take out niyang tatlong ultimate burger, large fries at coke.

"Game?" Napahinga muna akong ng malalim bago tumango kay Bubbles. Siya na ang kumatok sa pinto ng Control Room.

(Conversation in kampangan dialect)

"Hi! Pinapabigay pala ni Cindy." Pakita niya iyong take out niya sa Mcdo. Oh! Props pala namin iyon? Pero sino naman si Cindy?

"Talaga? Akin na, pasok kayo."

"Grabe bro! May padeliver pa talaga sa jowa. Ikaw na! Pero bakit nakatakip ang mga mukha niyo mga miss?"

"Babaero talaga! Pasimple pa. Huwag niyong pansinin itong mokong na ito. Pahingi naman kami niyan bro! Mukhang marami naman."

"Salamat nga pala sa inyo." Matapos magpasalamat nung boyfriend ni Cindy kuno ay hinatak na ako palabas ni Bubbles.

(Back to normal conversation)

"Aray naman! Teka! Akala ko ba kukuha tayo ng copy nung cctv?" tanong ko.

"Aish! Blossom ginagamit mo ba iyang utak mo? Sige nga, kung hiningi nga natin iyong copy sa tingin mo ba ibibigay nila iyon ng ganoon kadali?" Napangiwi ako. Nawala sa isipin ko iyon.

"Ano nang gagawin natin ngayon dito?"

"Sssssssh! Quiet ka nga, baka may makarinig sayo." Sabay linga nito sa paligid. "Doon sa bench! Upo muna tayo, doon kung ipapaliwanag sayo. Ganito kasi iyon. Iyong inorder nating coke nilagyan ko ng pampatulog kanina sa cr. Bale wait lang natin na umepekto iyong inumin nila. When they fell on deep slumber that's when our presence must take the actions. CCTV video problem solved!"

"Oh! Great! Sino naman iyong Cindy na girlfriend ni kuyang mukhang koreano?" tanong ko.

"Remember the girl who assist me on the take out counter earlier? Siya iyong girlfriend. Kaya sa Mcdo pa tayo bumili, gets mo na ako ngayon? Okay, back to the topic. That counter girl was Cindy Rivera. Katunayan halos 2 yrs. na ang relationship nila" paliwanag niya.

"Really? Chismosa mo naman. Saan mo naman nakalap iyan?" usisa ko.

"Wala ka talagang bilib sakin. Duh! Remember I have my ways?" Mayabang na nagflip pa ito ng buhok.

"Okay na lang."

Naghintay lang kaming ng tatlumpung minuto sa bench at sinalakay na namin ang control room.

"Done!" sabi ni Bubbles nang matapos makopya ang mga cctv videos.

"Anong oras gising ng mga ito?" Tukoy ko sa tatlong matakaw na uto-uto.

"I don't know!" Kibit-balikat niyang tugon habang nakatingin din sa tatlong tulog. "Hindi pa naman ako nakainom ng pampatulog, tingin mo sakin uto-uto katulad nila?"

Natawa ako. "Wala naman akong sinabing ganoon ha. Galit ka na niyan?" Tukso ko. Nagwalk out ito kaya mabilis ko siyang hinabol paalis sa lugar.

Nakarating na kami sa bahay at nakakain na ay cold shoulder pa rin ang treatment sa akin ni Bubbles. Hindi ko pa tuloy mapanood iyong mga video galing sa cctv ng mall.

"Ate Bloomy away mo si Ate Bubbles? Ang bad mo!" Biglang sumulpot ang bata.

Hindi ko siya pinansin at tinuloy ko ang pagcompose ng text para kay Gelo.

"Alam mo Ate Bloomy kapag galit sakin si Nanay, Tatay o kaya si Ninang Ganda may ginagawa ako tapos mawawala na galit nila," mungkahi ng bata.

Napatigil ako sa pagtipa at tumingin sa kanya ng magkasalubong ang mga kilay. "Paano mo naman nalaman na inaway ko siya?"

#AríyaWhere stories live. Discover now