Chapter 21:Witch

48 13 1
                                    

Bloomy's POV

Isang palaisipan sa amin kung saan nagmula si Ate Eris. Hindi umuwi sa bahay si Ate Ara dahil binabantayan niya sa ospital ang kapatid. Wala rin kaming nakuhang sagot kay Kuya Manolo dahil ngayon niya lang daw nalaman na adopted ito. Maagang umaalis sa bahay at umuuwi naman ng gabi si Kuya Buknoy. Kaya hindi pa rin namin nakakausap kung may alam ba siya.

Kasalukuyan akong inaayusan ng baklang kasama ni Marimar dito sa may sala. Kinakabahan na ako para sa sagala mamaya.

Matapos plantsahan ang buhok at malagyan ng make-up ang mukha ay pinasuot na nila ang aking gown. Isang itong white filipiniana style long gown. Mayroon itong mga kumikinang na sequins. Nagpapasalamat ako dahil hindi masyadong revealing iyong sa tube part.

"Wow! Ang ganda-ganda mo, Ate Bloomy!" Puri ni Princess.

"Naman! Ganders ang feslak ni ateng! Luz Valdez ang mga iba! May katapat na ang Reyna Elena. Kaya lang Rita Gomez ako kasi lagi siyang late arrival in the show, nakakaimberyana! Wait! Fly muna ang beauty ko para magjingle bells," sabi ni Regina ang kasama ni Marimar. Siya ang umaasikaso sakin.

"Ano raw sabi?" tanong ni Bunso.

"Maganda raw si Ate Bloomy. Talo raw ang beauty ng iba. Tsaka naiirita raw siya sa Reyna Elena sa pagiging late niya. CR lang daw siya mga Ate," paliwanag ni Princess sa amin.

"Sino ba Princess ang Reyna Elena?" tanong ko. Nagkibit-balikat lang siya.

"Pose ka Ate Blossom, picturan kita!" sabi ni Bunso.

I pose my best shot. Matapos ang ilang minuto, nakisali na rin sa Princess na panay ang peace sign at heart sign. Nag-groufie kami pagbalik ni Regina. Nakailan din kaming kuha bago nagyaya si Regina na pumunta sa simbahan.

Mabuti na lang marunong mag-drive si Regina kaya sinakyan namin ang kotse papunta roon. Apat kaming sakay ng kotse. Ako, Regina, Princess at Bunso. Kami lang ang nasa bahay kasi hinatiran ng damit ni Kuya Manolo sina Ate Ara sa ospital. Unfortunately, Ate Eris is still unconscious.

Sa simbahan nadatnan naming nandoon na rin ang mga kasamahan ko. Ang Reyna Elena na lang ang bukod tanging hinihintay ng lahat. Sabi nila hindi na raw bago iyon dahil lagi naman itong late. Four consecutive years na siyang Reyna Elena. I wonder who?

"Girl pak na pak! Kabog ang mga feeling nagmamaasim."

"Flangak! Rapunzel ang peg ng beauty niya. Ipagdarasal ko na huwag naman sanang mag-Julanis Morisette."

"Ay! Wit! Wit! Wit! Tara na at simulan na nating lumuhod sa harapan ng altar huwag lang mag-Julanis Morisette. Zsa Zsa Padilla!"

Iniwan nila kaming nakanganga. Kami lang pala ni Bunso.

"Ang kulit talaga ni Tita Marimar at Tita Regina! Mag-uumpisa na raw silang lumuhod doon sa harap ng altar upang ipagdasal ng huwag umulan," paliwanag ni Princess sa amin.

"Ate Blossom, smile! Simula nung dumating tayo rito hindi na maipinta iyang mukha mo," puna ni Bunso.

"Para siyang natatae, Ate Bubbles!" Tatawa-tawang tukso ng bata sa akin.

"Oh! Lumalala lang!" komento ni Bunso matapos akong makitang sumimangot.

"Tumahimik na lang kayo." Masungit na sabi ko. Hay! Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Tumahimik naman sila matapos kong pagsabihan. Almost 6:30 pm wala pang ang Reyna Elena. Kanina pa kaming 5:30 pm dito nakatayo.

"Ate Bubbles, gusto ko ng umupo. Upo muna tayo," pakiusap ng bata.

#AríyaWhere stories live. Discover now