Chapter 18:Techie Monster

51 12 2
                                    

Bloomy's POV

"Dito ka lang muna Bloomy?" Tanong ni Ate Eris matapos niyang magsuklay.

"Hintayin ko lang magising si bunso,  Ate Eris. Ikukumpisal ko pa iyong nangyari sa laptop niya," sagot ko.

Natawa siya. "Hindi mo naman kasalanan iyon."

"Kahit na." Ngumiti rin ako ng tipid.

"O siya! Baba na ako."

*An hour passed*

Gumalaw din sa wakas ang inaabangan ko! Nag-inat ito ng mga kamay pagkatapos kinusot ang dalawang mata. Unang binuksan nito ang kanang mata kasunod ang kaliwa.

"Good morning!" Ngiting bati niya at umupo na sa kama.

"Bunso may sasabihin sana ako sa'yo."

She yawn first before answering me. "What is it?"

*a loud laughter echo in the house*

"Who's that pokemon?" Tanong ni bunso pagkarinig sa malakas na tawa.

Nagkibit-balikat ako.

"Come! Let's find out."

Hinintay ko muna itong gawin ang morning rituals niya at sabay na kaming bumaba.

Sa kusina nadatnan namin si Kuya Manolo at ang kapreng pulis na nagkakape.

"Good morning beautiful ladies!"

"Good morning po!" Magalang na bati ni Bunso.

"Police Pogi na lang para sayo Miss Beautiful!" Kindat nito kay Bunso.

Yikes! Kinilabutan ako!

"Okay! I'm Bubbles by the way." Ngumiti ng matamis sa kanya si Bunso at nilahad ang kamay.

Malugod naman itong tinanggap ng kapreng pulis. "Miguel 'Police Pogi' Pineda at your service."

"Kuya naman, huwag iyan! Alam kong single ka pero off limits ang mga iyan. Lagot ako kay Eris kapag pinormahan mo sila," awat ni Kuya Manolo sa kapreng pulis. Wala na yatang balak bitawan ang kamay ni bunso.

"Wala naman akong ginagawang masama. Tsk! Ang hirap talagang pinanganak na gwapo!" Suklay niya pa sa buhok. Akala niya siguro kinagwapo niya iyon.

Natawa naman si Bunso, tunog pilit nga lang. "Kuya Manolo sina Ate Eris at Ate Ara nga pala?"

"Nandyan sa labas, namimitas ng mga gulay," sagot naman nito.

"Wait, Miss Beautiful! Huwag niyo muna kaming iwan. Pakilala mo muna si Ateng nagsaboy ng harina sa akin kaninang madaling araw," pahabol ng kapreng pulis.

"Mamaya na Police Pogi! Excited kasi itong kasama kong magharvest ng gulay. First time!" Sigaw na tugon ni Bunso dahil malapit na kaming makalabas sa bahay. Hinigit na kasi ako nito pagkarinig pa lang nang namimitas ng mga gulay.

Naguguluhan man sa mga pinagsasabi ni Bunso ay nagpatianod na lang ako sa kanya. Masyadong mahangin kasi sa kusina. Hindi ako palagay sa kapreng pulis na kapatid ni Kuya Manolo. Ewan!

"O! Saan punta niyo?" salubong na tanong ni Ate Ara.

"Magpapahangin lang Ate Ara." Napatingin si Bunso sa mga bitbit nila Ate Ara at Ate Eris. "Wow! Ang dami naman niyang talong!"

Natawa si Ate Eris. "Kaya nga! Papaluto nga ako ng tortang talong kay Ate para sa tanghalian natin."

"Talaga? That's my favorite Ate Eris!" singit ko.

#AríyaWhere stories live. Discover now