Chapter 24:Payback Time

43 11 0
                                    

Bloomy's POV

Ngayon ang unang araw ng pasukan. Tinatamad pang bumangon kanina si Gelo. Muntik na akong malate sa first day ko.

Puro pag-eexplain ng subject curriculum at expectation sa klase ang laging bukambibig ng mga professor. May isang subject pa kami na simula na ang reporting bukas.

"Kumusta? I missed you." Sabi ni bunso na kasalukuyan kong kasamang nagtatanghalian sa canteen.

"Alam ko. Lagi mo ba naman akong iflood text." Subo ulit ng kanin at ulam na sinigang na baboy.  

"Iyong hoodie jacket ko?" Tanong niya pa habang kumakain naman ng kanin at pritong manok.

"Tss! Napurchased ko na online. Hinihintay ko na lang ang delivery."

"Really? Yes! Yes! Finally!" Napapalakpak pa siya at kulang na lang maghugis puso ang mga mata.

"Iyong pinapagawa ko?"

"Oh! Iyan ang linya na ineexpect kong lalabas sa bibig mo. Gosh! Bakit ba ang hina lagi ng radar mo sa mga balita? Here!" Abot sa akin ng phone niya. "Let see what can you say about my hardwork."

Tiningnan ko ang pinapakita niya. Lumaki ang mata ko. Hindi ko naisip na hahantong sa ganito. Ang tanging gusto kong lang ay masira ang image ni Eunice. Which is happening right now.

Dahil ito sa blind item ni bunso na ikinalat niya mga social media sites. Sinabi niya sa mga post na may isang kilalang famous businesswoman na sinusuhulan ang mga parents ng lover niya para magustuhan na siya para sa anak nila. Inemphasize niya doon na ang mga pinakamahal na produkto niya sa sariling kumpanya ang mga binibigay niya.

Napapikit ako. Nawala sa isip ko na mayor pala si Rafael. Dahil may ilang netizen na nakakilala na si Eunice iyon nadawit na rin ang pangalan niya. May isang mysterious account ang nagpadala ng ilang pictures nilang magkasama.

"Hindi naman siguro ikaw iyong naglabas ng mga pictures?" Tanong ko sa kasama ko.

"Duh! Ate Blossom naman. Bakit ko naman gagawin iyon? Oo iyan din ang mga pictures na pinakita ko sayo dati. Pero sa mga nahack ko na cctv videos talaga galing ang mga iyon. Screen shot ko lang. Marunong akong tumupad kung ano lang ang napag-usapan. Tsaka ano namang benefit ang makukuha kung ako nga ang may gawa niya?" Taas kilay na tanong niya.

Napa-iling ako. Ngayon ko lang naisip na mali ang first impression ko kay bunso. Sa tagal naming magkasama ngayon ko lang narealized. Akala ko kung sinong mahinhin iyon pala may tinatago ring pagkamataray at brat rin minsan.

"Fine! I believe you." I said.

"I've warned you from the beginning but you didn't listen. Look where our actions escalated! Hindi lang ang image ni Eunice ang naapektuhan pati na ang pagkamayor ni Rafael."

Napabuntong-hininga ako. "Wala na tayong magagawa. Kahit burahin mo pa ang mga post mo, the damage has been done."

Natapos ang buong panghapon na klase na binabagabag ang konsensya ko. Laging sa huli talaga ang pagsisisi.

After class, we visited Ate Eris. Hilom na ang sugat sa kanyang noo. Kaya lang nag-iwan ito ng peklat dahil sa tahi. Naka-5 stitches ito.

"Panira iyong peklat ni Ate Eris." Sabi ni bunso habang naglalakad kami sa hallway. Umalis din kami kaagad sa library dahil may meeting pa sina Ate Eris.

"... ..."

"I remember that there's a cream that can remove a scar. I think I saw that somewhere from a tv commercial. I forgot what the brand name is."

#AríyaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin