Chapter 14:Secret Investigation

54 12 0
                                    

Bloomy's POV

It's Monday already! After six days of tutorial lessons, so far we can speak kapampangan dialect confidently.

"Maiwan na namin kayo ha! Ikaw naman Princess behave ha? Eris bantayan niyong mabuti ang malikot na iyan, baka mawala," bilin ni Ate Ara.

"Oo naman ate. Ingat kayo," sagot ni Ate Eris.

"Saan ang lakad nila Ate Eris?" tanong ko. Kasalukuyan kaming kumakain ng almusal.

"Sa covered court namin Ate Bloomy. Darating daw si Idol! Sabi ni Nanay magbibigay raw siya ng mga binhi ng palay at mga groceries," singit ng pilyang bata.

"Princess hindi naman ikaw ang tinatanong. Hindi ba sabi ng Nanay mo ..."

"Masama po ang sumabat sa usapan." Tuloy naman niya agad sa sasabihin pa na kanyang Ninang.

"O anong iyang ginagawa mo?" tanong pa ni Ate Eris.

"Sorry po!" Peace sign nito at zipper kunwari ang bibig.

"Huwag na kaya nating isama Ate Eris? Bad siya." Sabay belat ko sa kanya.

"Ninang Ganda huwag! Sama ako! Iwan ako dito, wala akong kasama. Baka may mumung kumuha sa akin. Iiyak sina Nanay at Tatay kapag hindi na nila ako makita." Napangusong paliwang nito.

Natawa si Ate Eris at hinaplos nito ang pisngi niya. "Opo, isasama ka namin. Bilisan mong kumain nang makaligo ka na."

"Yehey! Sasama ako! Sasama ako! Sasama ako!" Masayang sigaw niya.

Matapos naming makaligo lahat ay umalis na kami sa bahay. Nagpadaan pa sa palengke si Princess para ibili namin ng strawberry para bayad sa utang namin. Remember when we forgot to buy her pasalubong last time?

"Saan tayo Bloomy?" tanong ni Ate Eris.

"Kina Julio Morales, Ate Eris. Sa #77L Xevera Subdivision, Tabun, Mabalacat," sagot ko.

He is the 3rd missing person will visit. Hoping we will collect some clue that will point us to the culprit/s this time.

The travel took 1 hour and 30 minutes going to Julio's residence. But unfortunately, it seems no one is at home.

"Dito na lang kami sa kotse. Samahan ko itong tulog nating chikiting," sabi ni Ate Eris sa amin.

Bumaba na kami ni Bubbles at kinalampag ang gate ng pakay namin. "Tao po! Tao po! Tao po!"

"Anybody home?" tanong pa ni Bubbles.

(Conversation in kampangan dialect)

"Walang tao diyan!"

Napatingin kami sa biglang sumita sa amin. Isang babaeng matangkad, marahil 5'6? Maputi at may mahabang buhok. May dalang shoulder bag.

"Nasaan sila? Ibig kong sabihin iyong mga tao eito?" tanong ko.

"Pumunta ng Maynila. Sobrang nalungkot kasi si Tita Gina sa pagkawala ni Julio. Kaya pinilit ni Tito Guston na doon na lang sila sa Quezon City, tumutulong sila ngayon sa mini grocery ni Tita Perla. Para naman kahit paano daw sabi Tito maibsan iyong sakit sa part ni Tita kapag nalibang na siya. Teka! Sino ba kayo? May kailangan ba kayo kina tita?" tanong niya matapos magpaliwanag.

Kamag-anak niya ba ang hinahanap namin?

"Itatanong lang sana namin iyong pagkawala ni Julio," sagot ko.

"Ganoon ba?" Napatingin ito sa kanyang relo. "Naku! Nagmamadali kasi ako. Dadalhin ko kay Mama itong mga barya, naubusan daw ng panukli. Paano ba iyan hindi ko kayo maaasikaso?"

"It's okay! Kung okay lang din, hingin na lang namin iyong number mo?" sabi na lang ni Bubbles.

"Sure! Ito." Nirecite niya kay Bubbles ang numero niya. "Pasensya na talaga kayo. Marami kasing customer ngayon sa palengke. Sige!" Mabilis na sumakay ito sa pinara niyang tricycle.

(Back to normal conversation)

Napahilot ako sa sintido ko. Ano ba yan! "Punta na kaya tayo ng mall? 10:00 am na, right? Open na siguro sila niyan."

"Yeah, much better! I think we should check their cctv already. Don't worry I have clothes at the compartment for our disguise as mall staff. Makukuha natin ang video noong March 13," siguradong sabi ng kasama.

Bumalik na kami ulit sa loob ng kotse. Sinabi ko kay Ate Eris na dumiretso na kami sa SM Pampanga.

"Ha? Madadaanan natin ang Angeles baka gusto niyo pang puntahan iyong isa na taga roon?" tanong ni Ate Eris.

Napaisip naman ako. Feeling ko kasi pumunta sila ng SM San Fernando dahil sa 2nd album launching ni Jewel Cruz. After daw kasi ng performance niya sa kanilang pag-uwi nangyari ang kanilang pagkawala.

"Oo Ate sa SM na tayo! Malakas ang kutob ko na sa mall nangyari iyong pagkuha sa kanila? Iyong post kasi nila sa social media at report ng mga magulang nila sa pulis noong ipablotter ay magkakaiba." Napansin ko iyon sa ibinigay ni Bubbles na pink folder noong nasa science garden kami. Naka-attached doon pati iyong statement na mga magulang nila noong nagpablotter sila sa mga pulis.

Pagdating namin sa SM San Fernando, diretso agad kami sa Jollibee. Gutom na kasi ang bida. Muntik ko ng makalimutan kasama pala namin siya.

"Ninang Ganda pahingi pa ng cravy!"

Tig-iisa kaming 1 pc. chicken with fries. Nagpabili pa ng sundae si Princess.

Matapos kumain naghiwalay kami ng landas. Pumunta silang dalawa ni Princess sa cinema upang manood ng bagong movie ng barbie. Kaming dalawa ni Bubbles diretso sa cr para magchange costume.

"Aish! Bakit ang sikip ng pants ko! Oh my! Did I gain fats?" Sabay kapa nito sa tiyan niya at sipat ng buong itsura niya. Natawa ako at nagpatuloy sa pagsusuklay sa harap ng salamin.

"Ang sarap kasing magluto ni Ate Ara pati iyong sisig ni Kuya Manolo! Masisisi mo ba ako kung napapadami ang kain ko?" Tanong nito pero sa mukha niya salamin nakatingin habang nakahawak sa magkabilang pisngi.

"Proud nga ako! Kasi natututo ka na rin sa pagkain ng gulay," sagot ko.

After we change our outfit, together with my partner we went to the control room located at the back of the mall.

#AríyaWhere stories live. Discover now