Chapter 31:Unexpected Help

37 9 0
                                    

Bloomy's POV

Sa buhay ng isang tao hindi maiiwasang makagawa ng mga bagay na masama. Lahat may kanya-kanyang dahilan. Ang ilan ay nagagawa lamang ang mga ito dahil sa pagiging desperado.

Sa aking konklusyon, nagawang mangdukot ni Governor Uno para gumaling na ang kanyang anak. Ang mga nadukot ay pinag-aaralan upang makutulong sa kalagayan nito. Ginamit niya lamang ang tungkol sa mga Aríya o pamahiin upang hindi siya maituro bilang salarin.

Hindi man ako sigurado sa nabuo kong konklusyon sa aking isipan. Ngunit gagawin ko ang aking makakaya upang alamin ang katotohanan. Ipakulong ang may sala sa tulong ng aking mga bagong kaibigan.

"Bloomy? Bloomy?" Rinig kong tawag sa akin ni Ate Eris. Kasabay ang pagyugyog sa aking balikat.

Naguguluhan naman akong napatingin sa kanya.

"Hay naku! Kanina pa ako paulit-ulit sa pagtatanong sa'yo. Ang lalim naman ng iniisip mo," reklamo niya.

Natawa ako nang alanganin. "Ano bang tinatanong mo, Ate?"

"Kanina pa pala ako nagsasayang ng laway. Hindi ka naman nakikinig! Kanina ko pa tinatanong kung nagbago na ba isip mo? Itutuloy niyo pa rin ba ang imbestigasyon? Kailan kayo ulit babalik sa aming probinsya?" Sunod-sunod niyang tanong.

Natawa ako. "Chill lang, Ate Eris! Mahina ang kalaban. Isa-isa lang! Unang-una, oo itutuloy namin. Pangalawa, hindi ko pa alam dahil na rin sa sitwasyon ko at ni Bunso."

"Ganoon ba? Masaya ako dahil ipagpapatuloy niyo kung ano ang inyong nasimulan. Sana sa pagkakataong ito magbunga na ang inyong sakripisyo," sabi niya.

"Isama niyo pa rin ako ha?" pahabol pa niya.

"Hindi ba hectic ang schedule mo, Ate? Alam mo na! Model ka na kasi!" Tukso ko.

"Ano ka ba! Mas priority ko ang pagtulong. Sideline ko lang ang modelling," paliwanag naman niya.

Ilang sandali lang ay naghiwalay na kami ulit ng landas. Tapos na ang lunchbreak. Binalikan ko na ang mga records na inaayos ko. Sawang-sawa na ako sa mga papel na lagi kong kaharap. Wala na kasi akong ibang ginawa kundi ang ayusin sila araw-araw. Sa awa ng Diyos dalawampu na lang ang natitira at matatapos na rin ako sa wakas.

Parang dumaan lang nang mabilis ang dalawang oras. Napaupo ako sa sahig at pinunasan ang mga namuong pawis sa noo. Maya-maya lang nakatanggap ako ng tawag.

"Bunso, anong mayroon?" pambungad kong tanong.

"May solusyon na ako kung paano ka makakatakas sa mga magulang mo," siguradong-sigurado ang tono ng boses niya.

"Paano naman? Dito pa nga lang sa kumpanya ni Eunice bantay-sarado na ako," sagot ko.

Sinabi niya sa akin ang kanyang plano.

Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko sa mga pinagsasabi niya. Kaya pinutol ko rin kaagad ang aming tawagan.

Maya-maya lang tumunog ulit ang phone ko. Si Caela naman ngayon ang tumatawag.

"Napatawag ka?" wala sa sarili kong tanong.

"Bloomy, may kakilala akong gumagawa ng prosthetic mask. Libre lang sa akin. Makakatulong iyon sa disguise natin kapag bumalik tayo ng Pampanga," masayang pagbabalita niya sa akin.

"Good! Apat ang ipagawa mo. Mas maganda kung lalaki ang mga magiging itsura," suhestiyon ko.

"Sige! Sige! Copy!" Nagpaalam na rin siya kaagad upang mapuntahan daw ang kanyang kakilala.

Sinabihan ko siyang madaliin ang pagpapagawa ng mga ito. Dahil hindi ko alam kung kailan kami babalik sa Pampanga.

Wala pa sigurong kalahating oras ang aking pahinga ay tumunog ulit ang phone ko.

#AríyaKde žijí příběhy. Začni objevovat