Chapter 23:Stalker

39 12 0
                                    

Bloomy's POV

School year 2045-2046 is going to start this coming June 7. Nakapag-enroll na ako kahapon pati si Gelo. Nasa mall kami ngayon bumibili ng mga school supplies.

*insert message tone*

Kinuha ko sa sling bag ko ang phone at tiningnan ang text.

B. Bunso: I won! #Aríya breaks the record of the previous title holder. It gains 60, 100, 787 tweets.  

Another message received.

B. Bunso: Ibili mo ko ng New 3D Hoodie-Love Yourself. Shop online at BTS Merch website.
Thanks

Nagsalubong ang kilay ko. "Die hard fan din pala siya ng BTS?" Napa-iling ako.

"Sino ate?"

"Ah! Iyong kaibigan ko."

"Pati si Nicole ate fan ng BTS. Si Jungkook ang pinaka-paborito niya."

"Ganoon ba?"

"Ang dami nga niyang mga limited edition na souvenirs ate. Minsan nagseselos na ako kasi sila laging bukam-bibig niya."

Natawa ako at ginulo ang buhok niya. Matapos ang aming pamimili sa national bookstore nagyaya si Gelo na kumain muna.

"Ate napapansin mo bang sumusunod iyong girl sa likod natin?"

Nagsalubong ang kilay ko sa tanong niya. Huminto ako sa paglalakad at pumihit patalikod.

"Ouch!" Bumangga ang babae sa akin.

Yumuko lang ito ng paulit-ulit at bigla na lang nagmadaling umalis. Weird!

"Ayos ka lang ate?"

Tumayo na ako habang tanaw ang babae palayo sa amin.

"Ate?"

"Ha? Okay lang."

"Tara na ate. Nagugutom na talaga ako."

Pagdating sa fastfood chain nadatnan namin ang maraming nakapila sa counter. Naghanap na si Gelo ng aming mauupuan at ako naman ay pumila sa counter para umorder.

Muntik na akong abutin ng isang oras sa kakahintay. Kaya ayokong kumain sa fastfood, laging hassle kapag umoorder. No choice lang ako kasi paborito ni Gelo ang chicken nila dito.

"Ate sigurado talaga akong sinusundan tayo noon."

"Bakit naman? Baka nagkataon lang."

"Hindi ate. Noong may nagtext sayo tapos nagsalita ka? Tumawa siya. Kaya napatingin ako sa kanya. Kaso nagmadaling umalis kaya hindi ko nakita iyong mukha."

"... ..."

"Siya talaga iyon ate. Iyong suot nung napansin ko sa national book store at iyong nabangga sayo ay talagang iisa."

"Oo na. Tapusin mo na iyan at ng maka-uwi na tayo."

Kinakabahan na ako. Napansin ko rin iyong lalake at babae sa kabilang table na panay ang sulyap sa gawi namin. Parang may sinabi iyong babae doon sa lalake tapos napatango-tango ang lalake. O napaparaning na rin ako katulad ng kapatid ko?

Dumaan muna kami sa cr ng mall pagkatapos kumain. Matapos umihi ay tumungo na kami sa exit. Sinusundan talaga nila kami!

"Gelo?"

"Bakit ate?

"Bilis mo!"

"Ha? Bakit naman ate? Sandali! Ate naman."

Hinila ko na siya pagkalabas namin sa exit. Nagsisisi ako ngayon kung bakit naglaro pa kami sa Games World kanina. Madilim na tuloy, ang layo pa ng sasakyan namin.

#AríyaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang