Chapter 1: Prospect Partner

329 27 20
                                    

Bloomy's POV

Diretso kami sa silid-aklatan pagkatapos ng aming klase. Sa pangunguna ito ng aming lider na si Harrieta Kole. She's a great leader I must say.

Based on my observation:

-she can easily get along with others,

-manage to delegate task to the right member;

-not hesitating to help someone in improving his/her weakness by offering a friendly advice.

Hence, making a fantastic team of people towards success!

Inabot lang kami ng tatlumpung minuto sa silid-aklatan. She dismissed us earlier than what was plan. Hindi ko alam anong laman ng mensaheng natanggap niya. But I saw a glimpse of worriness in her angelic face upon reading that text. She just let us have our on ways, excusing herself for having an emergency at home.

Wala rin naman akong ibang gagawin sa bahay kaya minabuti ko munang manatili rito. I grabbed the book entitled, 'The Sign of the Four by Arthur Conan Doyle'. The library here in school became my haven. A place where I can also satisfy my love on mystery stuff.

Around seven in the evening, Ms. Eris reminded me that she needed to close the library. Si Ms. Eris ang tagabantay na masungit at strikta sa lahat pero may malambot na puso rin naman. Ako lang ang bukod tanging estudyante na pinapayagan niyang manatili rito hangga't gusto ko. Marami na kasing pagkakataon na natulungan ko siya sa pag-aayos at pagbabalik ng mga libro. Nagalit nga ito sa simula sa akin dahil hindi ko naman daw obligasyon iyon para tulungan ito. Kalaunan wala rin siyang nagawa at pinabayaan na lang ako sa gusto kong gawin. Hanggang sa isang araw, sumuko na rin siya dahil sa pagiging makulit ko. Usually the library is just open until 6:00 pm, since I'm an exemption that's why I can manage to extend my time here than the usual.

Paglabas namin, malinis na ang paligid at patay na ang mga ilaw sa bawat silid na aming nadadaanan. Habang naglalakad kami ni Ms. Eris sa pasilyo, patuloy niya rin binibida ang kanyang pitong gulang at makulit niyang pamangkin.

Ilang layo lang mula sa aming kinaroroonan tanaw ang isang babaeng todo bigay sa kanyang ginagawa. Kapansin-pansin siya dahil sa nakasinding ilaw na nagbibigay liwanag sa kanyang kinaroroonan.

"Masipag talaga iyang si Caela. No wonder that she became the team captain of the volleyball team," sabi ng kasama ko.

Napansin niya palang nakatingin ako doon sa babae. Nadaanan nga namin si Brittany Caela Oris na seryoso pa ring nag-eensayo. I think were the same, incoming fourth year student. Boyish. Kaya medyo ilag sa kanya ang ibang kasamahan. May kumakalat na sabi-sabi na lalaki raw ang puso nito. May mga nandiri, mayroon pa rin namang nanatiling humahanga sa kanya mapababae man o lalaki.

Kinabukasan, may bagong mukha ang iniluwa sa bungad ng aming kantina. Transferee. May makapal na salamin, mahinhin kung kumilos at may malaking bag. Pagkatapos nitong umorder, nagpalinga-linga ito sa paligid. Sa pagdako ng tingin nito sa pwesto ko, napayuko ako at pinagpatuloy ang pagkain ng paborito kong pancit.

Pagkaraang ng ilang sandali, may narinig akong yabag na mga paang papalapit at aninong patungo sa pwesto ko.

"Hi! Ayos lang ba kung makikiupo ako?" Sabi nang mahinhin na boses.

Napaangat ako ng tingin at tama nga ako, ang bagong estudyante. Isang tango lang ang sagot ko at nagpatuloy kumain. Nagkunwaring walang pakialam pero ang totoo, pinapakiramdaman ang mga kilos nito.

Nagtaka ako kung bakit tinabi niya sa gilid ang mga kubyertos. Kinuha niya sa bag nito ang dalawang kakaibang bolpen.

Click!

#AríyaWhere stories live. Discover now