Chapter 29:Talk of the Country

41 9 0
                                    

Bloomy's POV

Kasalukuyan na akong nasa kwarto ko ngayon. Kaharap ko ang aking laptop at patuloy na binabasa ang isang article.

Ang article na ito ay tungkol sa mga kumakalat na tsismis ni Eight De Jesus noong panahong nag-quit siya sa paglalaro ng volleyball. Isang magaling na vollebyball player ang dalaga ngunit tumigil na lamang ito bigla tatlong taon na ang nakakaraan. Ayon sa article, may nakakapansin sa madalas niyang pananakit ng katawan at mabilis din itong mapagod kapag may mga practice. Walang ibang article, statement o sagot ang pamilya De Jesus upang makumpirma kung totoo nga ang mga ito. Ang nakapagtataka pa ay bigla na lang nawala ang isyu na parang bula matapos lang ang isang buwan. Marahil kagagawan nila ito? Gusto lang ba nila ng buhay na pribado? Buhay na hindi pinagpipyestahan ng mga tao at maging ang media?

Naisipan ko na ring mang-hack ng account. May isang social media platfrom na ginagamit si Dos De Jesus
Iyon ay ang Instagram. Naisipan ko itong tingnan kahit nakaprivate ito. Sobrang tuwa ko dahil nagawa kong pasukin ang kanyang account sa tulong ng mga tinuro ng aking expert na kagrupo/assistant/instant kapatid (Bubbles a.k.a. Bunso).

Lalong lumala ang aking kuryosidad nang makita ang buto't balat na itsura ni Eight sa isang post. Kasama niya sa litrato si Governor Uno at Dos. Ang dalawa ay nakayakap sa kanya ng magkabilaan. Siya naman ay bagama't nakangiti ay kitang-kita ang panghihina habang nakaupo sa isang wheelchair. Sa unang tingin hindi mo aakalain na siya iyon. Masyadong malaki ang pinayat niya at medyo nag-iba ang kanyang itsura. Dahil lang sa nunal niya sa gitna ng magkabilang kilay kaya ko lang siya nakilala.

Sunod kong ginawa ang paghahanap ng mga laboratory sa probinsya. Kahit na suntok sa buwan ang sandamakmak kong nakita. Matiyaga ko pa ring sinuri ang bawat isa. Nilagyan ko ng ekis ang mga sigurado kong hindi kahina-hinala. Siyam ang natira sa pitongpu't pitong laboratory sa probinsya. Tatlo sa Bacolor. Dalawa sa Guagua. Isa sa Sasmuan. Isa sa Macabebe. Isa sa Minalin at Candaba.

Late na akong nagising kinabukasan. Hindi kasi ako nakatulog kaagad dala ng mga katanungan sa aking isipan.

Sinermonan pa ako ng magaling kong pinsan pagdating ko sa kanilang kumpanya. Himala ngang maaga at pumasok ito ngayon.

Iba't-ibang reports naman ang personal na tinuro niya sa akin. Nahilo ng ako sa dami ng mga numero at pizza. Hindi pala pizza kundi mga pie charts.

Pagsapit ng breaktime ay mabilis kong nilamnan ang aking tiyan. Naisipan kong kasing kumustahin si Caela. Himalang natapos ko ang aking meryenda na wala pang sampung minuto.

"Hello! Caela?" Bungad ko.

"Bloomy? Napatawag ka?" Sagot naman niya.

"Kukumustahin ko sana ang status mo sa bahay niyo?"

"Iyon ba?" Natawa ito sa kabilang linya. "Konting lambing na lang at bibigay na sina lolo at lola sa akin. Makakagala na rin ako niyan sa mga susunod na araw. Bakit mo pala natanong?"

"Naalala mo ba iyong text na binanggit ni Marcelo sa atin? Iyong text ni Michelle sa tatay niyo? Natatandaan mo pa ba?"

Natawa ito sa kabilang linya. "Oo naman! Anong akala mo sa akin? Makakalimutin?"

"Hindi naman. Hinala ko kasi na ang pulang puso na iyon ay ang lugar kung nasaan ngayon sina Michelle. Kumbaga ang text niya ay isang clue."

"Clue? Ano naman? Hindi naman ako naniniwala sa sinabi ni Bubbles na may kinalaman ang ex-boyfriend niya."

"Hindi iyon."

"Kung hindi iyon. Ano? Alam mo na ba ang ibig niya sabihin sa pulang puso na iyon?"

"Oo naman. Kahapon ko nga lang naisip. Ito matanong kita. Kapag may nagsend sa iyo ng puso, anong ang unang papasok sa isip mo?"

Natahimik siya sa kabilang linya.

"Pag-ibig? Mahal? Gusto? Ewan!" Natatawang sabi niya.

"Mga salitang ingles. Wala ka bang maisip?"

"Mayroon. Gagawin ko lang ingles ang salitang pag-ibig. Magiging Lov..."

Parang nawala ito sa linya. Nang tingnan ko ang screen ng phone ko ay konektado pa rin naman siya.

"Caela? Hello? Anong nangyari?"

"Ang gusto mong bang sabihin sa akin na ang pulang puso sa pinadalang text ni Michellle ay isang lugar? Ang laboratory?"

"Mismo!"

"Bakit naman siya dadalhin doon? Sila pala."

"Ang hinala ko pinag-eeksperimentuhan sila. Hindi ko lang matukoy kung ano ang dahilan."

"Ganoon? Hindi kaya para sa sakit ni Eight?"

"Pwede."

Nagpaalam na rin ako dahil tapos na ang breaktime. Tinuloy lang ni Eunice ang tinuturo niya sa akin.

Pagsapit nga ng lunchtime ay nagkasabay kami ni Ate Eris. Pansin namin ng ang laman ng mga usapan sa iba't ibang mesa ay tungkol sa mga nawawala sa Pampanga.

Mas tumindi ngayon ang mga usap-usapan. Lagi na ngang laman ng balita ang iba't ibang interview ng mga tao na nagpapatunay na totoo ang Aríya o pamahiin. Ngunit marami rin naman ang nagkalat sa social media na naglalabas ng kani-kanilang saloobin tungkol dito. Binansagan na ngang Probinsya ng Aríya ang Pampanga ng taong bayan.

"May bago na ba kayong plano?" Tanong ng kasama ko.

"Ate, parehas pa kaming tatlo na hindi makalabas sa bahay. Hindi namin alam kung itutuloy pa ba namin ito. Pwede rin naman na sabihan na lang namin si Kuya Kyle," sagot ko.

"Pwede naman. Tutal Police Detective naman siya. Pero ayaw niyo na ba talaga ng adventure?" Natawang tanong niya.

"Teka nga, Ate! Bakit yata ngayon ikaw pa talaga ang nagtutulak sa amin na pumunta roon. Dati-rati naman tutol ka at pinagsabihan mo pa kami. Anong nangyari?"

"Kayo nga ang magulo. Ang lakas ng loob niyo sa una tapos susuko rin pala sa huli. Hindi pa nga ninyo nalaman ang kasagutan sa lahat ng inyong katanungan."

Napabuntong hininga ako. Anong magagawa ko sa sitwasyon namin ngayon? Tanging ang katulad ni Kuya Kyle ang siyang maari naming pagkatiwalaan.

"Bloomy, sabi nga nila. Kung ayaw may dahilan. Kung gusto maraming pwedeng paraan. Susuko na ba talaga kayo?"

"Bigyan mo nga ako ng magandang rason Ate Eris upang lumakas ang loob ko." Sabi ko.

"Hinding-hindi kayo papabayaan ng ating Diyos. Nararamdaman ko rin na malapit nang matapos ang lahat ng ito," deklara niya.

Kumunot ang noo ko. "Bakit mo naman nasabi iyan, Ate Eris?"

#AríyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon