Chapter 7:Trip to Pampanga

74 15 5
                                    

Bloomy's POV

Everything we planned last Tuesday were followed. Were now on our way in Pampanga, currently just passed the Philippine Arena. Ate Eris as the driver, me in the passenger seat and Bubbles sitting comfortably at the backseat.

"Matanong ko nga kayong dalawa. May binabalak kayo ano?" Sabay sulyap sa amin ni Ate Eris .

Nagkatinginan kami ni Bubbles at hindi nakaimik.

Natawa ang aming usiserang tsuper. "Naisip ko lang, mahilig itong si Bloomy sa mga mystery book. Tapos nagyaya kayong sumama sa akin. I conclude you two will investigate the missing incidents, right?"

Sabay kaming sumagot ni Bubbles, "Parang ganoon na nga, Ate."

"Tss! Naloko na! Alam niyo ba ang pinapasok niyo? Delikado iyan! Paano kung mapahamak kayo? Hindi natin alam kung coincidence talaga na dahil sa mga Aríya iyong nangyari. Pero paano kung kidnapping? Or worst serial murder?" sabi nito.

Alam naming nag-aalala si Ate Eris. Pero hindi namin siya masisi kung ipatigil niya ang gagawin namin.

"Bakit hindi kayo sumasagot? Nakatulog na ba kayo?" Tanong nito kasabay ng pagsulyap ulit sa amin. "Mga gising naman pala! Hindi naman ako pakialamera pero makiki-alam na ako ha? Concern lang ako sa inyo. Pareho pa naman kayong babae. Hindi niyo maiaalis sa akin iyong posibilidad na may mangyari sa inyong masama."

"Handa ako, ito ang matagal ko ng gusto. Kaya sana suportahan mo rin kami, Ate. We appreciate your concern though," I said. Grabbing the opportunity to experience my hidden dream.

"Don't worry, Ate! I have here aside from my cuteness are my fantastic inventions. It will help us fight and put the goons in jail. We're the powerpuff girls, right? The woman beside you is the leader, Blossom. While the super cute lady over here is none other than Bubbles the Great! Oh! Wait! Why don't you join us, Ate? So we can be complete. You know, buttercup is still missing in action. Are you in?" she suggested. Bubbles as Bubbles. Childish!

Natatawang napailing si Ate Eris. "Nah! Pass ako! May ibang mas bagay as buttercup. Malay niyo matagal niyo na siyang nakikita sa school."

May pagkamisteryoso rin itong si Ate Eris. Sino naman?

"Nakakatuwa ka din pala Bubbles. Paniguradong makakasundo mo ang pamangkin ko. Naku!" pahabol pa niya.

"Really? Excited na akong makita siya! Tamang-tama, dalawa ang stuff toy na dala ko. Bigay ko ang isa sa kanya. Yay!" masayang sabi ng isip-bata.

Hindi boring ang biyahe dahil kay Bubbles. Para itong loro namin na umaaliw sa amin sa kasagsagan ng biyahe.

Alas-onse ng umaga, nakarating na kami sa San Fernando. Tanaw sa kanang bintana ng sasakyan ang Robinsons Starmills Pampanga, SM Pampanga at ang malaking ferris wheel ng Skyranch Pampanga.

"Skyranch Pampanga! Waaah! Ferris wheel! Gusto kong pumunta riyan!" Bubbles excitedly exclaimed at the same time taking pictures.

"Maganda iyan kapag gabi Bubbles. Umiilaw!" sabi naman ni Ate Eris.

Hindi nagtagal matatanaw na rin sa kanang bintana ang Mt. Arayat. Wait for us, here we come!

"That's Mt. Arayat! I can't wait to take selfies! Matagal pa ba, Ate Eris?" naiinip na tanong ni Bubbles.

"Malapit na! Sabi na kasing matulog muna, ang kulit." Natawang sabi ni Ate Eris.

"Nah! I can wait even a lifetime! Look! The mountain is getting bigger. Kaya malapit na nga," sabi naman ni Bubbles.

Sala sa init, sala sa lamig din ang isang ito.

Mahaba ang pila ng mga sasakyang papuntang norte ang nadatnan namin sa Sta. Ines. Inabot ng tatlumpu't limang minuto ang paghihintay bago ang oras namin.

"Php 258.00." Baling ni Ate Eris sa akin sabay lahad ng palad niya.

"Here, Ate. Take it!" Abot naman ni Bubbles dito ng pambayad.

We just waited a couple of minutes here in the toll gate.

"O sukli. Malapit na tayo, mga isang oras na lang. Sa Mabalacat na tayo," anunsyo ni Ate Eris.

Kasalukuyan na kaming paalis sa NLEX.

"Pagkatapos dadaan tayo sa Magalang then Arayat na," pahabol niya.

"Okay!"

Minutes passed...

"Atchu tana! Malaus kayu keng bale mi." Nagkatinginan na lang kami ni Bubbles nang maiwan kami sa kotse.

Lagpas alas-dose na kami nakarating sa bahay ng kapatid ni Ate Eris. May dalawa itong palapag at malinis na bakuran. Marami rin silang mga pananim na gulay at alagang manok. Sa likod bahay tanaw ang malawak na palayan.

Pagpasok sa kulay berde nilang bakod. Napukaw ng atensyon namin ang lalakeng nag-iigib ng tubig sa poso nila. Kuyamanggi ito ngunit may matipunong pangangatawan.

"Oh lala! Is that our meal today?" wala sa sariling sabi ni Bubbles at kulang na lang maglaway sa kakasipat sa lalaki. "If yes? Kapag humarap siya, akin siya!"

"Hindi po pwede, Ate!"

Biglang kontra ng matinis na boses.

Napapitlag kaming dalawa ni Bubbles at nagkatinginan. Tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan. Napahimas tuloy ako sa mga braso ko. Si Bubbles naman kumapit ng mahigpit sa kanang braso ko. Tiyak na magkakapasa iyon dahil sa higpit nang hawak niya.

Saan ba kasi galing iyon? Scary!

"Narinig mo rin iyon, tama?" Palinga-lingang tanong ni Bubbles.

"Ang alin?" giit ko. "Wala naman. Ano bang narinig mo?" Though I act cool beside her but deep inside I'm also screaming 'Help!'

"Iyong hindi raw pwede." Baling niya sa akin pero nagkibit-balikat lang ako. 

Nagpalinga-linga pa ito sa paligid. Nang walang makita, binalik niya ulit ang tingin kay Mr. Talikogenic. Saktong namang humarap ito sa gawi namin nang mabuhat ang dalawang balde ng timba.

"Oh my! It's that Alden Richards? Bakit umitim siya? Dahil sa taping siguro. Yay! Andito rin kaya si Yaya Dub?" Hanap niya sa paligid. "Papa-autograph ako! Dream come true it is!"

"Ninu rening abe mu Princess? A estudyanti no bang mamo?" tanong nito.

Sa pwesto namin ito nakatingin bago ibaba ang mga timbang dala niya. May nakikita ba siyang hindi namin nakikita? Mamo? Bading ba siya?

#AríyaWhere stories live. Discover now