Chapter 5:Second Batch

83 18 3
                                    

Bloomy's POV

It's Wednesday already, March 18, 2045. Sa kalagitnaan ng klase nakatanggap ako ng mensahe galing kay Bubbles. May sasabihin raw itong mahalaga sa akin.

Sa pagsapit ng tanghalian, nandoon na siya sa paborito kong pwesto pagpasok ko ng kantina. She's excitedly waving at me as I approach her seat.

"Upo ka! Alam kong wala ka pang idea rito. Sa kalagitnaan kasi ng klase natin kanina noong pinalabas ang press conference," paliwanag niya.

Nagtataka man kung ano nga ba ang tinutukoy niya ay sumunod naman ako rito.

"Mainit-init pang chika! Naglabas ng statement si Governor Uno ng Pampanga around 9:30 am may mga nawala ulit kasi kahapon. Wait!" May kinuha ito sa bag niya at nilabas ang isang tablet kasama ang earphones. "Press play and listen to him carefully."

Kinuha ko ang inabot niyang tablet at inilagay sa magkabilang tenga ang earphones. After that, I press the play button.

Gov. Uno: "Na-alarma ang kapulisan ng Pampanga ngayong umaga matapos magpablotter ang mga magulang ng nawawalang limang kabataan. Lunes pa raw ang huling kita sa kanila. Ayon sa mga magulang ng mga biktima, nagpost di-umano ang mga limang kabataaan ng ganito 'Atm may itim na pusang dumaan. #Aríya'. Ito'y kapareho ng mga nawala last March 13 sa kadahilanan namang Friday the 13th kuno.

Naalala ko ang bilin ng aking mga namayapang magulang, wala naman mawawala kung maniniwala sa mga aríya o pamihiin. Siguro ganoon talaga?

But as of now, our local police from different municipalities are working together to find them. A search and rescue operation is on the whole province! Rest assured my fellow Kapampangans, if we found those teenagers they will be immediately ushered home to their respective waiting families.

Sa mga bakasyonista, wala po tayong dapat ipangamba! Safe po sa aming probinsya. Sa katunayan, nagpatalaga ako ng mga police para magsagawa ng check point at magpatrol sa bawat baranggay. Kung kaya Mekeni tuki ka, malaus ko pu Pampanga!" the video ended to that.

Tinanggal ko na ang nakalagay na earphone sa magkabilang tenga ko. Hindi ko rin napigilang mapabuntong hininga.

"Ano sa tingin mo, Blossom?" tanong niya sa akin.

"Strange!" was just my answer. There's really something fishy.

"I agree! Kung iyong naunang lima dahil sa Friday the 13th, tapos ngayon naman itim na pusa? Nagkataon talaga na lima ulit nawala? I don't thing so! I have a feeling there's someone behind all of it."

Iyan din naisip ko. "You have a point!"

"I knew it! It's him!" she stated confidently. Based on her expression, she's really sure.

Him?

"Wow! Ang galing mo naman. But who it might be?" I immediately come closer to her, knowing that we already had a lead.

"Mojo Jojo!" Shouting it at the top her lungs. Making the whole canteen in silence.

Yeah! Bubbles being Bubbles. I thought it was serious, I've been tricked.

"Sorry guys if she's too loud. Nanonood lang siya ng cartoons. Tuloy niyo na ginagawa niyo." I announced to everyone as I stood up.

"I'm no..."

Tinakpan ko na ang bibig niya at naupo. "Yes, you are! Hindi ito laro Bubbles, pinapaalala ko sayo."

Matalim ang tingin na sinagot ako nito matapos alisin ang kamay ko sa bibig niya. "Who said I'm not serious here?"

"Talaga lang ha! Mojo Jojo? Seriously? Nasa realidad tayo," sabi ko.

However, she's cute as she pout. "I know! Siya lang kasi ang alam kong villain sa powerpuff girls. Unless, there's a new character?"

#AríyaWhere stories live. Discover now