Sandali pa kami tumambay bago namin napagdesisyunan na kumain na para makaalis na rin daw siya.

"Kuwentuhan mo nga ako ng mala k drama na love love life mo." Sabi nito pagkatapos namin umorder.

Kumain lang kami sa karinderya na nadaanan namin malapit sa site.

"Basta first love niya 'ko, naging close parehong nanay namin kaya medyo naging close kami. Ang alam ko naging classmate ko siya at madalas niya ako asarin. Hindi ko alam na roon na pala nag uumpisa yung pagkakagusto niya. Crush lang naman yun pero hindi ko alam na alam niya na pala ano meaning ng first love. Hanep." Namamangha kung sabi.

"Wala naman true love sa edad na 10 years old noon sa year natin pero ngayon mayroon na eh." Dugtong na sabi ko.

"Malay ko ba dai, sana all may true love sa edad na ten years old." Sabi nito kaya inirapan ko.

"Ang mahalaga ay magpapasko tayong may jowa," sabi nito.

"Humabol talaga ako sa pasko kaya ko siya sinagot," biro ko.

Pero seryoso hindi yun ang dahilan ko, sinagot ko siya kasi napatunayan niya naman ang sarili niya sa akin at sa pamilya ko.

"Ibang klase, Yazmine lang sakalam." Sabi nito kaya inirapan ko.

"Kaya ikaw ipakilala mo na para magpapasko kayong magkasama." Sabi ko rito kaya napangiti siya.

"Sige bukas na bukas pupunta kami sa Batangas, de joke lang syempre." Sabi nito.

Sa totoo lang mabait naman Mama ni Aliah, maasikaso rin kasi everytime na pumupunta kami sa kanila inaasikaso at pinagsisilbihan kami palibhasa ay house wife lang. Ang Daddy niya ay isang chef, may restaurant sila. Matatagpuan 'to sa Luzon, Visayas at Mindanao. 20 branches yun pero sa Batangas yung pinaka sikat since doon naman originated yun. Nag umpisa sa small na lumago na nagkaroon ng different branches sa buong Pilipinas. Sa aming tatlo siya yung masasabi kung may kaya sa buhay ako yung medyo kulelat pero sumasapat naman tapos sa gitna si Diane.

Bunsong babae rin kaya ayan bantay sarado, strikto ang tatlong kuya kumpara sa Mama't Papa na ayos lang magjowa. Hindi naman sa Mama at Papa niya siya natatakot ipakilala sa mga kuya nito.

Hindi ko sila masisi, iniingatan lang nila yung bunso nila.

"Excuse me," sabi nito nung madighay siya.

Mula college up until now suki na kami sa karinderya, malalaki allowance ng mga 'to pero mas pinipili namin na kumain sa karinderya. Ako lang naman talaga ever since ang matipid talaga pero dahil damayan kami sinasaluhan na nila ako sa karinderya, masarap naman tapos mura kaya go rin sila.

"Hindi na kita sasamahan papunta sa site, nandito kasi yung terminal." Sabi nito habang inaayos ang sarili.

"Okay lang, aakyat lang ako para i-check if may kulang sa materials para ma-provide ko na rin bago ko sila iwanan. Baka mauna ako sa inyo umuwi. Kapag hindi ako tinamad baka lutong bahay ang makakain natin." Sabi ko sa kanila.

Marunong kami magluto, tinatamad lang kami kasi syempre pagod na sa trabaho kaya mas pinipili na dadaan muna sa kainan bago umuwi. Halos hindi na nga kami nagkakasabay dahil may kaniya kaniya kami nabschedule.

"Sarapan mo, punong puno ng pagmamahal tutal in love ka rin naman din." Sabi nito kaya natawa ako.

"Gaga ka, ingat dai." Sabi ko saka kami nag beso.

Sa kabila na siya dumaan samantalang ako naglakad na pabalik sa site.

Patawid na sana ako dahil nasa kabilang kalsada ang site ng matigil ako sa balita. Isa 'tong flash alert.

"Isang sasakyan ang bumunggo sa lugar ng Lipa, Batangas. Hindi pa matukoy kung sino ang hinihila na nakasakay at dahilan ng pagkabunggo nito pero ngayon ay kasalukuyan na siya dinala sa Hospital. Nagbabalita Jenny Ariola." Sabi ng news caster kaya naman nanginginig ako sa hindi ko malaman na rason.

Nabalik ako sa katinuan ng mag ring ang phone ko kaya mabilis ko 'tong kinuha at tiningnan ang caller. Si Yla.

Lipa, Batangas kami. Kinakabahan ako at sana mali yung conclusion ko, medyo iba yung kutob ko.

"Ate..." Naiiyak na sabi ni Yla kaya nataranta na rin ako.

"Shit anong nangyari Yla? Sabihin mo hindi siya yun." Naiiyak kung sabi.

Ayoko paniwalaan yung hula ko, hindi gano'n naka zoom yung kotse pero nahagip ko yung plate number at kabisado ko yun. Alam ko sa sarili ko na siya yun. Lokohin ko man at itanggi alam ko na siya yun.

Nagsisimula na bumuhos ang mga luha sa mata ko.

"Ate si Kuya Klyde mo naaksidente,"

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin