Naalala ko na mahal sa restaurant.

"Hep, KKB." Sabi ko rito dahil alam ko ng sasabihin nito.

"Mc do na lang tayo," sabi ko kaya tumango siya.

"Kahit saan basta ikaw kasama ko," sabi niya kaya kinilig ako pero hindi ko na pinahalata pa.

Itinuro ko yung order ko sa kaniya tapos binigay ko yung bayad ko.

"Mahalaga bawat piso, sukkli ko ha? Hindi yan keep the change mahirap lang ako." Sabi ko rito saka naglakad para maghanap ng mauupuan.

Pumuwesto ako sa pang dalawahan na upuan malapit sa magbabarkada.

"Naku pre! Mahirap yung ganyan. May magbabago at may magbabago talaga. Kung ako sa'yo mag move on ka na lang." Sabi nito sa kaibigan niya saka niya inakbayan.

There are group of boys. Hindi kasi talaga maiwasan na ma-fall tayo oo tayo kasi na fall din ako sa tropa ko kaya kasali ako. Kahit anong deny natin hindi talaga natin maloloko sarili natin. Wala naman tayong magagawa once na fall out of love tayo eh. Atsaka hindi naman kasi yun maiiwasan sa grupo. Unless may dumating pero malabo talaga. Basta ewan ko, basta may mahuhulog talaga pagalingan na lang magtago pero malalaman naman ng barkada kaso may ilan na binabaon na lang sa limot wag lang masira yung friendship na nabuo.

Iba naman yung sa amin ni Klyde, dalawa lang kasi kami na nasa circle of friend. May ilan na nag uumpisa sa stage ng friendship turn out to lover yung kay Klyde first love niya na ako before nabuo yung friendship at hindi na yun nagbago. Solid feelings.

"Ba't ka natatawa?" Sabi nito na kinagulat ko.

"May naiisip lang ako all of sudden," sabi ko rito.

"Wag mo na ako isipin pa, nandito lang ako palagi kaya wag mo na ako isipin pa."  Sabi nito kaya inirapan ko siya.

"Para ka naman tanga love," sabi ko rito saka napabuntong hininga.

"Oh! Nalungkot ka naman bigla?" Tanong naman niya.

"Gutom lang 'to," sabi ko sa kaniya kaya naman pinisil niya ang ilong ko.

"Babae moments talaga," sabi nito kaya natawa na lang ako.

"Nasaan na yung food?" Nagtataka kung tanong ng mapansin na wala 'tong dala.

"Wait lang muna raw, tatawagin na lang kaya kalma ka muna." Sabi nito saka ginulo ang buhok ko at bumalik sa counter.

Hindi ko na gaano marinig yung usapan nila since parang pabulong na lang siya. Ayoko na rin malaman pa yung iba since privacy na nila yun. Give them the privacy they deserve.

Pagkarating nito may dala na siyang pagkain kaya napangiti ako.

"Ayan happy na siya, makakain na siya." Sabi nito habang isa isa nilalapag kaya ako ng kumuha sa isang tray.

"Dami," sabi ko rito.

"Fries, sundae atsaka rice with chicken order ko. Sabi ko wag na ako ilibre." Sabi ko rito kaya napakamot siya sa ulo niya.

"Hayaan mo na nga lang, next time ako ng o-order para walang dayaan." Sabi ko kaya naman napangiti siya.

"Bakit ba kasi ayaw mo ilibre kita? Jowa naman kita." Sabi nito pagkaupo niya.

Napahinga ako ng malalim. Hindi naman sa ayaw ko, sadyang ayoko lang talaga kasi syempre alam ko naman may pinag iipunan siya.

"Pareho naman tayong may work, okay na yung ganito na KKB. Hindi ako maluho o demanding. Enough na sa akin na mahal ako nung tao na yun. Pero kung millennials ka naman at sabay sa trend wala naman issue sa akin. Bigyan mo man ako sa monthsary o hindi ay ayos lang. Hindi ako manghihingi, hahayaan kita na kusa ibigay yun sa akin. Atsaka i-save mo yung pera mo para sa future." Sabi ko rito.

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon