Second

54.7K 1.1K 43
                                    

Oliver's Point Of View

Grabe! laptrip tong si bunso alas syete na daw eh 6 palang naman hindi man lang nakahalata.  Ganto kasi yun, umakyat ako sa kwarto niya at kinalikot yung alarm clock niya para magising siya ng maaga pero iisipin niyang male-late na siya and i succeed!


"Kuya! Yuhuu!nagde-daydream ka na naman!" pagkuha ni Plea ng atensyon ko, nakanguso na ang bata habang nakatingin sakin. Kasing cute ko lang talaga siya.


Oliver Jeid Green nga pala at your service *wink* older brother ni Alplea. Sabi nila kamukha ko daw si Luhan na member ng isang korean group kaya hindi na ako mahihirapan sa pagde-describe sa sarili ko. Kita niyo na kung gaano ako kagwapo?


"Tara na?"tanong ko.


"Okay."nakangiting sagot ni Plea tsaka nauna papunta sa sasakyan. Ang cute pa ng lakad niya akala mo bata na naglalakad eh. Nailing nalang ako tsaka sinundan siya sa sasakyan. Ihahatid ko na po ang bata sa school niya. 



Jasper's Point Of View


"What the hell! I already told you do not disturb me when I'm sleeping!" Alam ko naman yun pero anong pipiliin ko, mamamatay ako dahil babarilin ako ni Lady Diane o gigisingin ko si Master? Oh diba syempre, doon ako sa gigisingin-- pero kahit ano namang piliin ko mamatay pa din ako dahil parehas ang dugo ng magkapatid na to.


"B-binantaan po kasi ako ni Lady Diane." magalang na pagdadahilan ko.


"Like she always do.. aren't you used to it?" Ilang beses ko ng nararanasan yun kay Lady Diane kaya lang natatakot pa rin ako. Ano ba naman kasing laban ko kay Lady Diane? 


"Hindi pa rin po"


Jasper Santos is my name,  a mafia reaper of black mask. Matagal na akong nagsisilbi sa kanila simula nung 10 years old palang ako so almost 6 years na rin. Yep 16 palang ako mas matanda sa akin si Master ng 1 year. Ulila akong lumaki dahil namatay ang magulang ko sa isang car accident, sobrang pangungulila ang naramdaman ko noon dahil 9 years old palang ako back then sinubukan kung maghanap ng trabaho para makakain ako pero wala. Until isang araw hindi ko na kinaya nakipag-away ako sa mga adik muntik na nila akong mapatay , niligtas ako ni Master Tyler natatandaan ko pa yung sinabi niya noon---


"Try to hurt him and all of you will route in hell"


May kasama pa siyang 3 lalaki na may hawak na mga baril, nagtakbuhan naman yung mga adik sa takot pero ako naiwang nakatulala. Namangha ako sa tapang niya and at the same time nainggit kasi kaya niyang lumaban ng ganoon. Then ayon, kinupkop niya ako, binihisan, pinagtrain tapos nagulat nalang ako reaper na nila ako ngayon. 


"Lets go to Havens." malamig na sabi nito na nagpabalik sa wisyo ko. Tango lang ang sinagot ko dahil baka mamaya lalo ko pang madagdagan yung inis niya sakin.


"Where's Dad?" tanong sakin ni Master habang inaayos nito yung hawak niyang baril na sa hindi ko malaman kung saan nanggaling. Wala naman siyang hawak na baril kanina.

Possesive Ways of a Mafia PrinceWhere stories live. Discover now