Chapter Fifty Nine

20.7K 570 156
                                    

Eto na yung pinakamahaba sa lahat ng chapter ko. Hahaha. Dedicated to @IRISHGALIUU 😘 .Sana mag-iwan po kayo ng madaming comments because I like reading them 😁 Enjoy reading guysss! 😘😘😘
~

Isang linggo na ang nakalipas matapos akong duguin ng dahil sa pag-iyak ko ng sobra. Okay na ako dahil sa mga pinapainom nila na gamot kaya heto, nakalabas na ako ng ospital at itinutuloy na ang mga naiwan kong buhay sa labas.

"Papasok kana anak diba? Sumabay kana sa Papa mo" nakangiting sabi ni Mama sakin habang itinatali ng maayos ang buhok ko.

I shook my head. "Ayoko. Magco-commute nalang po ako" malamig kong sabi. Dinaanan ko ng tingin si Papa na malungkot na nakatingin samin ni Mama habang nagkakape ito.

I'm sorry Papa. Hindi ko naman gustong itrato ka ng ganito pero tuwing kakausapin, lalapitan kita at babanggitin ka sakin pinangungunahan ako ng galit ko. Galit at sakit na idinulot mo ng palayuin mo sakin ang boyfriend ko.

"Tapos ko ng ipusod ang buhok mo. Sigurado ka ba anak?" tanong sakin ni Mama.

I smiled. "Oo naman Ma! Ako pa ba?"

"Hindi ka pa pwedeng magcommute bunso baka kung anong kalokohan na naman ang pumasok sa isip mo. Sumabay kana sakin sa motor ko, ihahatid nalang kita" Biglang sumulpot si Kuya Oliver mula sa kusina. Bitbit pa nito ang baby Gage namin.

Agad akong lumapit kay Kuya Oli at punaulanan ng halik si Gage. "Hi babyyyy! Good morning! Ang cute cute mo talagaaa! Mahal na mahal ka ng Mamay Alplea mo" I tickled him and Gage giggled. How cute.

Hindi namin kapatid si Gage. Nagulat nalang kami nila Mama na umuwi si Kuya Oli na may dala-dalang bata na umiiyak sa mga bisig nito. That night I was so broken and I'm crying the hell out of me pero nung time na nakita ko so Gage, parang nagising ako. Ano pa bang magagawa ng pag-iyak? He already left me at hindi na ako nito babalikan.

"Ma.. may" Gage reached my nose ang gently carresed it.

My eyes widen. "Ohmyghad! Ma! Did he just said Mamay?! Waaaaah!"

Agad na inilayo sakin ni Kuya Oli si baby Gage. "Baby! Ako rin! Sabihin mo Tito Pogi please?"

"Tama na yan. Pumasok na kayo sa school niyo at baka malate kayo" Lumapit si Mama kay Kuya Oli para kunin si baby Gage. Ibinigay naman dito ni Kuya si Gage, mababakas dito na labag pa ito sa loob niya.

Humalik muna kami kay Mama bago umalis, hahalik pa sana si Kuya Oliver kay Papa pero hindi na niya nagawa dahil hinila ko na siya palabas ng bahay. Malelate na kami.

Napailing nalang si Kuya Oliver habang isinusuot niya sakin ang helmet. "Yumakap ka sakin bunso baka mahulog kana naman sa maling tao"

I rolled my eyes. "Tigilan mo nga ako Kuya Oli sa ganyang usapan nasisira yung mood ko."

"Sarreh bunsoy."

Wala pang kalahating oras at nakadating na agad kami sa Havens. Titig ng mga ka-schoolmates ko ang sumalubong sakin. Namiss siguro nila ako.

Bumaba na ako ng motorbike ni Kuya Oliver atsaka hinubad ang suot kong helmet. I gave a kiss at Kuya Oliver's cheek before giving him my helmet. "Ingat Kuya. Tanga ka pa naman"

"Huwaw! Ako yung tanga? Sino bang iniwan dito?" pang-aasar ni Kuya Oli.

I rolled my eyes. "Oo na. Iniwan na ako,hindi na kailangang ipagdukdukan sa mukha ko" Ang sakit e! Ang sakit sakit!

"Joke lang bunsoy. Iloveyou! Susunduin ka namin ni Chris mamaya ha?"

"Wag na Kuya. I'll be in the arena after class" Masyado ng matagal ang pagpapahinga ko sa nga laban. I'm going back again.

Possesive Ways of a Mafia PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon