Chapter Thirty-two

30.6K 604 12
                                    

Nagkamali po ako ng pinublish na chapter nung nakaraan. Salamat dun sa nagcomment.Hahaha. Dedicated to her..thanks for following me. Im starting a new story "Mr.Virgin" may pagka-SPG po siya pero sana suportahan niyo. Salamaaaaat :*


Jamie's POV


"O diba bakla tama ako! May nakita tayong bangkay ngayon!" pagmamalaki ko kay Daniel. Hindi ko akalaing meron pala akong kapangyarihan ni Madam Auring. Chos!


"Mukhang masaya ka pa ah. Malungkot ka naman, nawalan tayo ng tatlong kaklase sa isang iglap oh." sabi ni Daniel sakin habang nakatitig pa rin sa bangkay na nilalangaw na.


I raised a brow. "Bakit naman ako malulungkot? Hindi naman sila malaking kawalan sa classroom eh actually pambwisit lang sila"


"Jamie bitch ganyan na ba kasama ang ugali mo? Namatay na nga yung mga kaklase natin tapos pagsasalitaan mo ng ganyan!" biglang singit naman ng isa kong kaklase na may luha pa sa pisngi.


Tinaasan ko siya ng kilay. "Pake ko kung namatay sila? Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Buti nga ako nagpapakatotoo hindi katulad mo PLASTIC may paiyak-iyak ka pang nalalaman suntukin ko mukha mo dyan eh!" Epal. Hindi kinakausap biglang sumisingit! Palibhasa mukhang singit!


Nanlaki naman ang mata ng kaklase kong yun at dali-daling umalis. Hah! Takot pala siyang masira ang panget niyang mukha! Pero duh! As if naman na hahayaan kong madungisan ng pagmumukha niya ang fist ko. Yuck.


"HAHAHAHAHA!Omg. Gusto ko yung line mo! Bongga!" pumalakpak pa si Daniel sakin.


Ngumiti naman ako at kumaway na parang Ms. Universe with matching tingin pa sa kaliwa't kanan.


"JAMIE!DANIEL!" Napahinto ako sa pagkaway at napalingon sa tumawag samin.


"Who you?" pagtatanong ni Daniel na para bang nagtatanong lang sa isang katextmate.


"Uhm. A-ako po si Ana" pagpapakilala nito.


Mataray na tiningnan ko siya. "Ana may boyfriend ka ba?"


Namula ito. "M-meron po."


"Ihanda mo na ang luha mo kasi aagawin ko sayo ang boyfriend mo" I laughed. Napatungo naman si Ana kaya pasimple akong hinampas ni Daniel sa braso.


I rolled my eyes. "Joke lang Ana. Iyong-iyo na yung boyfriend mo so now tell us.. bakit mo kami tinawag? Hindi ka naman friend" Rude man pakinggan, pake ko ba? Im just being who I am. Hindi ako plastic na sa sobrang ka-plastikan ang sarap sunugin!


"Kinakausap po ng mga pulis si Ate Alplea.."


"Teka..Ate? Kapatid ka ni Alplea?" I sarcastically said.


"Ay hindi po. I mean si Ms. Alplea siya po kasi yung pinagbibintangan ng ibang estudyante dito"

Possesive Ways of a Mafia PrinceWhere stories live. Discover now