Chapter Sixty Three

18.4K 485 88
                                    

Im baaaaaack! Hahaha. Pasensya na kung natagalan ang aking pag-uupdate masyado akong na-stress this past few days. Dedicated po ang chapter na ito sa lahat ng mga reader ko na matyagang naghihintay. I love you guys😘. Enjoy reading everyone!

~

Malalim ang bawat paghinga ko dahil pinapakalma ko pa rin ang sarili ko mula sa galit na nararamdaman ko.

Napahinto ako sa paglalakad ng biglang humarang sa dinadaanan ko si Dana na may malaking ngisi sa labi. "Masakit ba Alplea?"

"Mukha ba akong nasaktan? Hindi ko alam kung bobo ka o bobo ka lang talaga" naiiling na sabi ko. Kung nasaktan ako edi sana umiiyak ako ngayon = . =

"Bakit ba hindi mo nalang aminin na nasasaktan kang makita na nasa saakin na ang pinakamamahal mong boyfriend."

"Alam mo bobo ka nga. Tingin mo ngingitian kita ng ganito kung nasasaktan ako?" 😁😁

"A smile can hide a thousand feelings bitch even your pain"

Hindi ko na napigilan na pumalakpak at tumawa. Seriously?! "Saan mo naman napulot yan qoutes na yan sa facebook, twitter o instagram?" HAHAHAHAHA

Inirapan naman ako nito. "Pakyu. Wag na wag kang magkakamaling agawin saakin si Tyler dahil maghahalo ang tubig at langis."

Tubig at langiiiiis 🎤🎶

"Matatakot na ba ako? Hahaha. Gaga. Wala akong balak agawin sayo si Clyde kaya pwede mo na siyang isaksak diyan sa haliparot at echosera mong bituka" Humakbang ako ng apat para makatapat ko si Dana. "And by the way, I dont fuck girls especially animals so... Sarreh" Naglakad na ako at sinadya kong banggain ang balikat niya.

Burn bitch. I flipped my hair.

Napahawak ako sa tiyan ko ng bigla itong kumalam dahil sa gutom. Waaaah. Hindi pa pala ako kumakain almost 9:00 na (っ╥╯﹏╰╥c)
Nasaan na ba kasi sila Kuya Oli?

"Alplea?" Napatingala ako sa mataas na puno na nasa gilid ng dinadaanan ko.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Chris na prenteng nakaupo sa isa sa mga malaking sanga ng puno. "Anong ginagawa mo dyan at kelan ka pa natutong umakyat ng puno?" kunot-noo na tanong ko.

"Hinahanap po kasi kita" sagot nito.

Napataas naman ako ng kilay. "Tangna. Kelan pa ako naging unggoy para hanapin mo dyan sa taas ng puno?" Sa ganda kong to? Seryoso?

"Wala akong sinasabing unggoy ka ha,sayo lang nanggaling yan" natatawang sabi nito.

Hindi na ako nagdalawang-isip na pulutin ang pinakamalapit na bato sa paanan ko at ibato kay Chris. "Buwiset ka!"

Humagalpak naman ito ng tawa.

"Bumaba kana nga dyan at ilibre mo ako ng foods. Gutom na gutom na ko"

"Sige basta i-hug mo ko" ngumiti ng nakakaloko si Chris na nagpairap sakin. Damoves talaga ng kolokoy na to.

"Oo na. Dali na baka magbago pa ang isip ko"

Nagmamadaling tumalon pababa si Chris at lumapit sakin para yakapin ako. "Nakita mo siya hindi ba? Nakita mo yung gago na nang-iwan sayo."

I nodded.

"Umiyak ka ba?" tanong nito sakin.

Ibinaon ko ang mukha ko sa leeg niya bago umiling. "Naubos na ang luha ko dahil sa gabi-gabi kong pag-iyak Chris" Halos bumaha na nga ng luha sa bahay dahil sakin eh 😂

"Hindi na namin hahayaan na saktan ka ulit niya. Poprotektahan ka naming lahat kahit na isa pa siyang mafia prince handa kaming makipagpatayan para sayo dahil ang isang katulad mo inaalagaan, pinoprotektahan at minamahal hindi iniiwan, pinapaiyak at ginagago" mahabang speech ni Chris. Hinigpitan niya ang pagkakayakap saakin.

Possesive Ways of a Mafia PrinceWhere stories live. Discover now