Chapter Thirty Five

27.6K 608 13
                                    

*******

Jasper's POV

"Dalhin mo yung gamit namin ni Alplea dun sa hotel make sure na wala kang maiiwan na gamit especially sa mga gamit ni Alplea" utos sakin ni Master Tyler pagkababa palang namin ng bus.

Nanlaki naman ang mata ko. 2 backpack, 2 paperbags at isang maliit na maleta tapos may malaking bag pa ako, ganon kadami ang dadalhin ko?! Akala ko ba mag-eenjoy ako ngayon sa tour namin pero mukhang mali ako :c

Nakanguso kong kinuha ang mga gamit ni Ate at ni Master. Kasabay kong maglakad papasok ng Hutchers World si Master samantalang yung iba naming kaklase nauna na sa loob. Excited sila masyado.

(A/N: Ang Hutchers World ay binubuo ng beach, amusement park, Mini-mall, Hotels at Bars. Isa ito sa mga sikat na lugar sa bansa dahil sa lugar na ito ay mayroon kang sariling mundo. Pero hindi basta-basta pwedeng makapasok ang sinuman sa Hutchers World dahil syempre, pagmamay-ari ito nila Master na isa sa pinakamalakas na mafia at may mga transaction ang Hutcherson Mafia sa loob nito kaya mahigpit ang seguridad)

"Master si Ate hindi ba natin gigisingin?" Naiwan lang kasi si Ate na natutulog dun sa bus. Mag-isa.

"No. Wag mong iisturbuhin si Alplea sa pagtulog niya" he said.

Paano kung may mangyaring masama kay Ate Alplea? Maraming mafia dito baka mapagtripan so Ate-----

"Dont worry. May inutusan na akong magbantay sakanya habang hindi ka pa nakakabalik dun"

"Babalik pa ako dun?" Eee. Ayoko. Gusto ko ng maggala dito.

"Are you deaf?" Master asked. I shook my head and pouted. Mukhang alalay lang ako sa tour na to. Alalay na lang talaga ako forever :3

Sinalubong si Master ng tatlong mafia na base sa itsura ay mga alalay ng Ama ni Master. Mukhang may transaksiyon sigurong magaganap. May ibinulong ang isa sa kanila kay Master at boom! Umalis sila, iniwan ako.

Binilisan ko na ang paglalakad ko papunta sa hotel kung saan kami mag-i-stay. Babalikan ko pa si Ate dahil baka magising na yun at kung saan pa mapadpad. Paniguradong mahihirapan ako maghanap sa ganito kalaking lugar :3

Alplea's POV

Teka.. nasaan na yung mga kaklase ko? Bakit iniwan nila ako mag-isa dito sa bus? Tsaka nasaan ang mga gamit ko?

Nakidnap ba sila? (O o O)

Dali-dali akong naglakad pababa ng bus kaya lang may dalawang men in suit ang humarang sakin.

"Bawal po kayo lumabas ng bus Miss" sabi ng isa.

Napataas naman ang kilay ko. Baka isa ito sa mga kumidnap sa mga kaklase ko at may balak silang i-hostage ako para makatakas sa police.

Nagpumilit akong lumabas. Lumusot ako sa pagitan nila at nagtatakbo palayo sakanila. Binilisan ko ang pagtakbo ko at nagsasabi nalang ng SORRY sa mga nasasagi ko.

Grabe ang ganda ng lugar. May beach, may maliit na mall, may bar, may kainan ( Kakain ako dyan mamaya ) at may mga hotel. Parang may sariling mundo sa lugar na to, kumpleto masyado.

"Miss bumalik kaaaaa!" sigaw ng dalawang men in suit. Binilisan ko lalo ang pagtakbo ko para hindi nila ako maabutan. Hindi ko gusto maging hostage!

May nakita akong magubat na part sa dulo ng lugar na to. Sakto. Mukhang makakatakas ako sa mga humahabol sakin sa gubat na yon.

"Miss wag kang papasok dyan!" narinig kong sigaw ng men in suit but duh. Hindi ako makikinig sa mga hostage taker!

******

Tyler's POV

I gave my cold and deathly stare on the two IDIOTS reaper and to Jasper. Nakatungo silang tatlo sakin at kapwa nanginginig sa takot. Why are they shaking?

Simple lang.. Hindi nila nagawa ng maayos ang inuutos ko which is ang bantayan si Alplea.

"T-tumakbo po siya papasok ng gubat. Sinubukan po namin siyang hanapin pero hindi po namin makita." nakatungong sabi ng isa sa mga kasama ni Jasper.

"Did I heard it right? Alplea entered that forest alone? Fvck!" Dammit. There is a lot of holes on that forest! What if she fell on one of that?!

I looked at my watch its already 6 pm. The sky is getting dark and damn, the weather isnt good today!

"Call all the available mafia's here on Hutchers. Were going to search the forest" I commanded to Jasper.

He nodded and take his way out of my room. I coldly looked at the two reaper infront of me.

"Ipagdasal niyong okay lang ang girlfriend ko kung hindi mapapatay ko kayo"


Alplea's POV

Hinawi ko ang sanga na nakaharang sa dinadaanan ko patungo sa inaasahan kong daan palabas. Kanina pa kasi ako naliligaw, hindi ko na maalala yung dinaanan ko papasok dito.

Nararamdaman ko na ang pagod pero hindi ako titigil dahil nagsisimula ng kumagat ang dilim. Waaah! Wala akong balak matulog sa gubat! Wala akong pagkain :3

"Aaaaaaah!" Napasigaw ako ng mahulog ako sa isang malalim na butas at sa kasamaang-palad, may kung anong matulis na bagay ang tumusok sa bewang ko eksakto sa sugat ko. Napangiwi ako sa sakit.

T-T

Binunot ko ang sanga na tumusok sa sugat ko. Dumaloy naman ang dugo na parang gripo kaya pumunit ako ng kapirasong tela sa suot kong t-shirt para ipantapal sa sugat ko na medyo bumuka ( patay ako kay Papa nito >.<" )

Biglang may tumulo na tubig sa tuhod ko. Teka.. dont tell me umuulan? Ohmayghad. May ginawa ba akong hindi maganda habang natutulog ako kanina para malasin ng ganito? Tell meeeh!

"Shit. Ang hapdi" kinagat ko ang labi ko para hindi ko masyadong maramdaman yung hapdi at sakit ng sugat ko. Pero tangna. Ramdam na ramdam ko pa rin!

Nagsimula ng umulan ng malakas kaya mas lalong humahapdi ang sugat ko dahil nababasa na ito.

"Tyler ialis mo ko dito.." bulong ko sa hangin. Hindi ko alam kung bakit sa dinadami pa ng pangalan na hihingan ko ng tulong, si Tyler pa.

Bahala na. Tyler please? Ang sakit ng sugat ko tsaka natatakot na rin ako dahil baka may kung anong hayop ang malaglag sa butas na to at kagatin ako. Dumating kana please..

Tyler's POV

"Kung may makahanap kay Alplea magbigay kayo ng sign. Walang titigil o magpapahinga hanggat hindi nahahanap ang girlfriend ko kahit bumagyo pa. Wala akong pake basta hanapin niyo ang girlfriend ko" malamig na utos ko sa mga mafia's na nasa harap ko.

Nagsitanguan naman sila at nagsimula ng pumasok sa gubat kahit umuulan na.

"Darating na ako Alplea. Just wait for me" I whispered to the wind before entering the forest. Hindi matatapos ang gabi na to ng hindi kita nahahanap. I promise.


Possesive Ways of a Mafia PrinceWhere stories live. Discover now