Chapter Twenty-five

29.1K 673 8
                                    

Alplea's POV

"Bunso anong nangyari sayo? bakit ang dami mong pasa? Sinong may gawa niyan sayo?" tanong ko kay Jasper.

"Uhm. Nakuha ko lang yan sa kung saan ate" sagot ni Jasper saka ibinababa ang sleeves ng jacket niya.

Kaya pala ito may suot na jacket ay dahil may itnatago itong mga pasa. Kung hindi pa siya hinampas ni Jamie sa braso kanina ay hindi ko pa malalaman na may pasa ito.

"Ano yan Papa Jasper new souvenir ngayon? Hindi ata ako na-inform" taas-kilay na sabi ni Daniel kay Jasper.

Jasper annoyedly looked at Daniel. "Pag Hindi ka pa tumahimik dyan sasampakin na kita! Kanina ka pa nang-iinis pag-umpugin ko kayo ni Jamie dyan eh!"

"Pakyu ka! Nanahimik ang kaluluwa ko dito tapos idadamay mo pa ako!" sigaw ni Jamie sabay bato ng unan kay Jasper.

Nandito kasi kami sa hideout nila Tyler at inuubos ang oras namin, inannounce kasi kanina na wala daw pasok dahil may urgent meeting daw ang mga teacher.

Sana maaga nilang sinabi para hindi ako umasa na may pasok! Hindi nila alam kung gaano kahirap umasa sa Wala! Chos!

"Nga pala bunso. Asan si Tyler?" Hindi ko pa kasi nakikita ang halimaw na yon miski ang anino nito.

"Hindi ko po alam ate. Ang sabi kasi sakin ni Greg may lalakarin daw silang tatlo ni hindi man lang ako sinama" Jasper pouted.

Napailing naman ako. Hindi man lang nagpaalam ang halimaw na yon! Duh. Girlfriend here! Ay Oo nga pala fake girlfriend lang pala ako.

"Alplea paano kung ma-inlove ka kay Prince Tyler? Karaniwan kasi sa mga nababasa ko sa wattpad na 'fake relationship' ay may nadedevelop na feelings sa isat-isa" seryosong sabi ni Daniel.

Napaubo naman ako. Fvck! Ano bang pinagsasasabi nitong si Daniel? Tapos ang nakakaloka ngayon ko lang siya narinig na magtagalog ng hindi taglish ng ganyan kahaba!

"Daniel naman! Ano bang nakain mo at ganyan ang pinagsasasabi mo?!" tanong ko.

He looked at me. "Sagutin you my question! Dont put the pagkain that I ate kanina" then he rolled his eyeballs.

I laughed. Ang bilis bumalik ng dila niya.

Napaisip naman ako sa tanong ni Daniel. Paano nga kung ma-inlove ako kay Tyler?

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kisami. "Kung sakaling mahulog man ako kay Tyler edi okay. Hindi ko naman kayang diktahan ang puso ko na wag akong ma-inlove sa kanya. Tsaka kung ma-inlove man ako kay Tyler alam kung ako lang ang maiinlove samin kasi sa pwesto ko ngayon option ang kalalabasan ko dahil malapit ng dumating ang babaeng mahal niya na hindi naman ako" Tiningnan ko sila at ang mga baliw nakatitig lang sakin at parang hindi makapaniwala sa mga pinagsasasabi ko.

"What? Masyado na ba kayong na-gayuma ng kagandahan ko? Oh cmon alam kung ganon ako kaganda pero wag niyo na akong titigan" I laughed.

Binatukan naman ako ni Jamie. "Gaga! Whogoat ka kasi!"

Hinimas ko naman ang ulo ko. "That hurts Jamie!"

Natatarantang hinimas naman ni Jasper ang ulo ko at tiningnan ng masama si Jamie. "Wag mo ngang saktan ang ate ko!"

"Haydiwow!" Binelatan lang ni Jamie si Jasper.

Pinalo ko naman ang kamay ni Jasper na humihimas sa ulo ko. Take! Ginugulo ang buhok ko eh ang hirap kayang magsuklay!

"In case you fall in love on me Alplea. I'm willing to catch you" Biglang may poncio pilato ang nagsabi. Hulaan niyo kung sino.

Walang iba kundi ang halimaw. Si Tyler.

"Asa ka oy!" sigaw ko sabay irap sa kanya.

He laughed. "Pwede bang iwanan niyo muna kami ng girlfriend ko? "

"Oo naman!" sabay-sabay nilang sabi saka mabilis pa sa alas-kwatro na lumabas ng hideout. Mga loko talaga!

Tinaasan ko naman ng kilay si Tyler. "Ano na naman bang pakulo ito?"

Naglakad papalapit sakin si Tyler at humiga sa lap ko. "Hoy umalis ka nga dyan kung ayaw mong ihulog kita dito sa couch!"

"Wag. Pahiga lang saglit"

I rolled my eyes.

"Girlfriend may lagnat ako pwede mo ba akong alagaan? Sige na please?" Tyler said saka nag-puppy eyes.

Napakurap naman ako. Tama ba ang nakita ko? Nag-puppy eyes siya!? Ohmyghad! Nagwawala na ang mga organs ko.

Kinuha ni Tyler isa kong kamay at ipinatong sa noo niya. Fvck. Ang init nga niya.

"Alagaan mo ko please?" he said that almost a whisper.

=======================

Sorry po kung super duper late ang update ko. Grounded po kasi ako dahil bumaba ang grades ko T___T pero buti nalang pinayagan ako gumamit ng phone at ng wifi :) . Follow me. Vote and leave comments. I wanna know your opinion about this . Thanks.

Possesive Ways of a Mafia PrinceWhere stories live. Discover now