Chapter Forty One

25.8K 630 42
                                    

Enjoy reading. Hayys. Another error again from mh watty :'(  Inayos ko po siya ulit. :))

* *

Third Person's POV

Ilang ulit ng nagpapaikot-ikot ng lakad si Tyler na tila may problema itong hindi mabigyan ng solusyon.

Napakamot nalang ng ulo si Gregory habang napapasimangot naman si Mistui at Onyx dahil kanina pa sila nakaupo sa sofa na kanina pa iniikutan ni Tyler pero tila hindi pa rin sila napapansin nito. Magkakalahating-oras ng paikot-ikot si Tyler at ganon na rin katagal na hinihintay nila Gregory na mapansin nito ang kanilang existence.

"Arrrgh! Ayoko na. Nahihilo na ako! Tama na! Tigilan mo na ang kakalakad!" Hindi na nakayanan ni Onyx.

Napahinto naman si Tyler at malamig na tinapunan sila ng tingin. "Bakit kayo nandito?"

"Kasi pinatawag mo kami" sagot ni Gregory.

"May problema ba kaya mo kami pinatawag?" tanong ni Mitsui. Marami pa kasi silang nakapila na gagawin at hindi nila dapat hayaan na masayang ang oras nila.

"Yeah. A very big problem"

"What is it?" tanong ulit ni Mitsui kay Tyler.

"Im going to court Alplea and I dont have a fucking piece of idea how to court a woman!" Napasabunot ng buhok si Tyler na akala mo'y napaka-bigat ng problemang dinadala.

Palihim na natawa sila Gregory dahil sa inaakto ni Tyler. Napakababaw naman kasi ng problema nito pero kung problemahin nito ay tila nalugi ito ng ilang bilyon.

"What the fuck are you laughing at?"

"Kasi naman Prince napakababaw lang problema mo kaya kumalma ka lang." natatawang sabi ni Onyx ay Tyler.

Tiningnan siya ni Tyler. "Mababaw? Para sayo oo kasi marunong ka! But for me?! Damn! Thats one of the shits I've never planned to do in my life."

"Kalma na okay? Tuturuan ka namin dyan!" Nag-apir si Onyx at Greg na parang may binabalak.

Umiling nalang si Mitsui. Wala siyang balak sumama sa kalokohan ng dalawang to kaya minabuti nalang niyang umalis sa silid at ipagpatuloy ang kanyang ginagawa.

Hindi naman alam ni Tyler kung papaniwalaan niya ang mga sasabihin ng dalawang to pero sa huli, umupo nalang siya sa harap ng dalawa at nakinig.

"If the shits that youre going to tell dont work, im going to kill you brutally live infront of you parents" pagbabanta ni Tyler sa dalawa.

Samatala...

Naawang tiningnan ni Alplea ang dalawaniyang kaibigan na kasalukuyang namumutla at nanghihina habang nakaupo sa tabi niya.

Sabagay, halos kalahating oras ba naman itong pinaikot-ikot sa roller coaster ng operator sa takot kay Tyler.

"Aaack!" Mahinang hinaplos ni Alplea ang likuran ni Blood ng bigla itong dumuwal.

"A-ang sama ng pakiramdam ko bebs" pagrereklamo ni Steven sabay himas sa ulo niya.

"Antayin nalang natin sila Heights tapos ipapahatid ko na kayong dalawa sa kanila para makapagpahinga na kayo" Naawa na talaga si Alplea sa dalawang binata dahil sobrang namumutla talaga ang dalawa at nanghihina.

Ang lakas kasi ng topak ni Tyler

Bigla namang nag-flashback sa utak ni Alplea yung sinabi ni Tyler na liligawan siya nito.

"Seryoso kaya yun? Nako. Paniguradong hindi. Mukhang hindi nga marunong manligaw ang lalaking yun eh" mahinang bulong ni Alplea sa sarili niya. Mahirap kasing umasa.

"M-may sinasabi ka bebs?" Tanong sa kanya ni Steven. Umiling at ngumiti lang si Alplea bilang sagot.

Maya-maya dumating na rin ang iba nilang mga kaibigan na pinagtawanan pa ang itsura ni Steven at Blood bago napagpasyahang umuwi.

Alplea's POV

"May bago kayong kaklase. Ms. Arevale magpakilala kana sa mga magiging kaklase mo" pag-aannounce ng Adviser namin na sumira naman ng mood ko.

Pumasok si itchy-bitchy spider wearing her angelic but demonic inside face.

Mukhang hindi lang ngayong araw masisira ang mood ko, mukhang buong school year pa ata.

Diba siya daw yung fiance ni Prince?

Ang ganda niya!

Bagay sila ni Prince!

Gago. Mas bagay si Miss Alplea kay Prince kesa dyan!

Ay apir tayo dyan tol!

Mukhang plastic! Kunyari mabait at hindi makabasag pinggan yun pala nasa loob ang kulo!

Gusto kong yakapin yung babaeng nagsabi nun. Ay ate! I feel you! Hahaha.

"What the?!" Mukhang na-offend naman si Dana sa mga narinig niya. Aba! Ka-offend-offend naman kasi yung pagmumukha niya! Chos!


"Ms. Arevale introduce yourself then choose a vacant seat. May kakausapin lang ako, excuse me" Umalis na yung teacher namin.

"Im Dana Arevale and yes, Im the fiance of the Tyler. Kaya dun sa mga may balak landiin ang fiance ko, hindi niyo ko gugustuhing makalaban" Parang ako ata ang sinasabihan ng ni Dana dahil ng mga panahong sinabi niya yun, sakin siya nakatngin. Duh. Edi wow.

Napataas naman ang kilay ko ng mapansin kong papunta si Dana sa pwesto ko. Kakapakilala niya palang gusto niya na agad ng gulo? Fine.

"Alis. Uupo ako dyan" Wow ha? Ako ba ang pinapaalis ng babaeng to?

Bigla namang humarang si Daniel at Jamie sa harap ko. "Sa pagkakaalala ko, sabi ng adviser natin na VACANT seat daw, hindi taken seat" mataray na sabi ni Jamie kay Dana.

"At kung makapag-paalis ka akala mo kung sino kang magandang froglets! Chupol ka naman!" mataray din na sabi ni Daniel.

Natawa naman ako sa ginamit niyang word. Chupol. HAHAHAHA

"Ano yung chupol?"

"Wag ka ng magtanong kasi hindi ko rin alam ang meaning nun!" Mas lalo pa akong natawa sa sagot ni Daniel. Loko talaga tong taong to!

Napahinto naman ako sa pagtawa at napatingin kay Tyler na kasalukuyan akong kinakalabit.

"Ano?"

"Flower for you!" nakangiting inabot sakin ni Tyler yung roses na nasa paso? Seryoso ba siya?

"Para saan to? Magtatanim ba tayo ngayon?" Eeh. Bakit hindi ko alam?

Napasimangot naman si Tyler. "Im going to court you right? Sabi sakin ni Greg at Onyx bigyan daw kita ng flower kaya ayan binigyan na kita"

Natawa naman ako. Hahaa. Wala talaga siyang alam sa panliligaw. Pero infairness, kakaibabe. Siya lang ang alam kong manliligaw na nagbigay ng bulaklak na nakapaso. Hahaha. So cute.

"Nakakaloka ka Prince! Ikaw lang namumukod-tangi na nagbigay sa nililigawan ng flower na nsa paso pa. Hahaha" Napahagalpak ng tawa si Daniel at Jamie.

Sinamaan nama ako ng tingin ni Dana. Ano talbog ang pagiging fiance mo sa kangandahan ko diba? *flips hair* Ibato ko tong nakapaso na bulaklak sa peslak mo! De joke lang. Hahaha.

Aalagaan ko tong bulaklak, sayang yung paso. Hahaha.


Possesive Ways of a Mafia PrinceWhere stories live. Discover now