Nineteenth

28.6K 745 13
                                    



I dedicate this to her. Kahit parang feeling ko kinalimutan na niya ako. huhu. and BTW Tyler is on the picture. FOllow me . Vote and Leave comments. thanks.




————————————————————————————————————————————————




"Goodmorning Alplea!"paulit-ulit na bati sakin ng mga schoolmates ko habang naglalakad ako sa hallway nginingitian ko nalang sila bilang tugon kahit hindi ko sila kilala at kahit sumasakit na ang pisngi ko dahil sa pasa na ginawa ni Viper kahapon.




Grr. Naiinis at nahihiya talaga ako pag naaalala ko ang nangyari kahapon. I got a call from nature in the middle of the fight and geez.. hindi man lang nagbigay ng sign para maaga akong nakatakbo sa banyo.




Oh well. Past is past. Kaya i-forget nalang natin yun, okay?




Itinungo ko na ang ulo ko habang papasok ako ng classroom ayoko namang ipakita kila Jasper yung maganda kong mukha na may pasa sa pisngi. Okay lang yung sa hallway kanina hindi ko naman mga kilala ang nakakasalubong ko.




"Alplea bakit ka nakatungo? Anong meron sa baba? Nalaglagan ka ba ng pera o ng wallet?"tanong sakin ni Jamie.




"Girl dapat kapag mag-wo-walk ka dapat nakataas forehead para kita ang beauty!" Well sino pa ba ang may ganyang dila sa mga kaibigan ko? Si Daniel lang naman.




Nagulat ako ng biglang i-angat ni Daniel ang mukha ko. Nanlaki naman ang mga mata nila sa nakita sa pisngi ko. Uh. oh.




"Ohmygee! Anong nangyari sa mukha mo?!" tanong ni Jamie habang nakaturo sa pisngi ko.




"Ah eh————" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may humawak ng mahigpit sa wrist ko at kinaladkad ako palabas ng classroom. " Tyler bitiwan mo nga ako! tsaka wag mo kong kaladkarin—-HOY!" Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa wrist ko at binilisan pa lalo ang pagkaladkad sakin.




Nagpakaladkad nalang ako sa kanya , hindi rin naman ako makakapalag kasi mukhang masama ang aura ni Tyler. Ayokong mapa-away ng ganito kaaga. Pumasok kami sa isang classroom at padabog niyang binitawan ang kamay ko. Ouch.

Possesive Ways of a Mafia PrinceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora