Chapter Forty-Two

25.8K 648 38
                                    

♥ Dedicated to her . Salamat po pala sa mga nagmemessage, nagfa-follow at sa mga sumusuporta. Sobra niyo akong napasaya ☺♥

* * *


"Nakakaloka si Prince, bakla ah! Bigyan ka ba naman ng bulaklak na nasa paso. Hahaha" Tumawa na naman si Daniel with matching hampas pa sa lamesa.


Lunch break na namin kaya nandito kami sa cafeteria at hanggang ngayon hindi pa rin nakakamove-on sila Jamie sa bulaklak na ibinigay sakin ni Tyler Clyde.


"Oo nga. Hahaha. First time in the history yun teh!" dagdag pa ni Jamie.


Umiling nalang ako at tiningnan ang bulaklak na binigay ni Tyler Clyde kanina na nakalagay sa ibabaw ng lamesa namin.


Wala lang. Feel ko lang siyang titigan. Hihi.


"Teka.. nililigawan kana ba ni Prince?" Biglang tanong ni Daniel sakin.


"Ewan ko pero nung nagkausap kami last time, sabi niya liligawan niya daw ako"


"Wag kang magagalit ha? Pero diba may fiance na si Prince with is si itchy-bitchy spider?"


"Yeah pero sa kinikilos ni Clyde parang hindi naman talaga niya fiance yun eh" Totoo naman diba? Si Dana lang naman yung nag-a-announce na fiance siya nito.


Tsaka hindi naman siguro ako liligawan ni Clyde kung ikakasal na siya diba? Diba? Tsaka ang bata pa namin para magpakasal.


"Ohmayghad!" Nagulat ako ng biglang may bumuhos sakin na malamig na juice. Wtf!


"Layuan mo ang fiance ko!" Hulaan niyo kung sino tong anak ng patola na nagbuhos sakin ng juice.


Si Dana.


Shit! Bagong bili lang tong suot kong t-shirt!


"Anong problema mong itchy-bitchy spider ha?" galit na sigaw ni Jamie kay Dana.


"Anong problema ko? Siya. Siya ang problema ko!" Dinuro-duro pa ako ni Dana. Manununo ka sana :p


"Hindi ka ginagalaw ni Alplea kaya wag kang ano! Baka gusto mong hubaran kita dyan!" sigaw ni Daniel kay Dana.


Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang sarili ko. Aalis nalang muna ako dito, baka may magawa akong hindi maganda.


Bigla akong hinawakan ni Dana sa wrist at pinaharap sa kanya. "Ano? Aalis ka? Hindi pa tayo tapos!"


Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa wrist ko at tiningnan siya ng malamig. Mukha naman siyang nagulat sa tingin ko sa kanya. Hah! Dapat lang!


"Hindi pa talaga tayo tapos Dana. Dont worry we'll end this shit soon, I hope you dont regret wanting for it" Umalis na ako leaving everyone clueless and leaving Dana with her shock face.

Possesive Ways of a Mafia PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon