Chapter Forty

26.4K 683 54
                                    

Finally! Tapos na siya. Sorry for the turtle update. Sana magustuhan niyo, love yah. Thanks for following me btw :D


*  *  * *


Napatingin ako sa reflection ko sa salamin. Namamagang-mata, namumula ang ilong, gulo-gulo ang buhok at mukha akong basang-sisiw. Magdamag ba naman akong umiyak, hindi magiging ganito itsura ko? Damn. Ganito pala kasakit yun. Yung tipong para akong iniumpog sa pader ng malakas pero puso ko yung pinaka-naapektuhan.


Napahawak ako sa pisngi ko, namumula pa ito at medyo may pasa ang kanan. Nakatanggap kasi ako ng dalawang malutong na sampal sa pinakamamahal kong Kuya -.- Yung isa dahil sa pag-iyak ko at yung pangalawa sa pagpapaapekto ko sa kalandian ni Dana.


(A/n: Dana po pala ang name ng no. 1 rival ni Alplea at hindi Jana. Nalito ako sa name >.<)


"Mag-ayos kana Alplea. Be like before, the strong and the cold Alplea." Napalingon ako sa pintuan kung saan malamig na nakatingin sakin si Kuya Oliver.


Maging katulad ako ng dati? "I wont. Ayokong bumalik sa dating ako Kuya."


"Then dont. Maging mabait ka at maging mahina para apak-apakan ka lang ni Dana. Hayaan mo ulit siyang sirain ang mga nasa paligid mo, isang araw magugulat ka nalang- patay na ang isa mong kaibigan" He walked away.


I closed my fist and punched the mirror infront of me. Blood started to flow down on my hand. "Subukan niya lang galawin ang mga kaibigan ko, mapapatay ko na siya"

Marami pa rin ang tao sa second day or should I say, last day ng school fair. Dumoble na rin ang mga booth at rides kaya mas lalong naging maingay ang paligid. Busy halos lahat ng staff's at students sa pag-aasikaso except me. Hindi na kasi ako bumalik sa marriage booth dahil baka may makita akong maligno, minabuti ko nalang tumambay dito sa may taas ng puno at panoorin ang lahat. 


"Ate bakit nandyan ka?" Biglang sumulpot si Jasper sa paanan ko at may hawak na dalawang ice cream.


"Wala lang. Akin nalang yang isa mong ice cream tinatamad ako bumili" nakangiting sabi ko kay Jasper. 


Napakamot naman ito. "Kay demonyitang Dana kasi to Ate"


Tumalon naman ako pababa at kinuha sa kanya ang ice cream. "Sabihin mo bumili nalang siya kasi kinuha ko yung binili mo, Salamat bunso" Ginulo ko ang buhok niya at nagsimula ng maglakad palayo kay Jasper habang dinidilaan yung ice cream ko.


Pinagtitinginan ako ng mga taong nadadaanan ko, siguro hanggang ngayon trending pa rin yung nangyari sa wedding kuno namin dapat ni Tyler. Speaking of Tyler, hindi pa nagsasalubong yung landas namin ngayon. YAY! Mukhang pinakinggan ni Lord yung dasal ko.


Halos mapatalon naman ako sa gulat ng biglang may yumakap sa likod ko. "Hi bebs. Okay kana ba?" Napalingon ako at napangiti sa nakita ko. Ang gang pati sila Jamie at Daniel.


"Alplea sorry sa nangyari.." malungkot na sabi ni Jamie.


Possesive Ways of a Mafia PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon