Chapter Fifty Eight

21.7K 530 86
                                    

GOOD MORNING GUYS! Namiss niyo ba ako? Hahaha😂Sorry kung turtle update na naman ako ,busy lang sa summer job. Dedicated to @berlaymontederamos as requested. Salamat po sa matyagang paghihintay. Enjoy reading😘😘😘
~

Napatungo nalang ako para hindi ko masalubong yung galit na tingin sakin ni Papa. Nahuli niya kami ni Clyde na papalabas na sana ng bintana para mag-date. Nakakaiyak. Akala ko pa naman maipapakita ko na sa octopus ride na yun na isa akong matapang na nilalang pero hindi pala.

"Alam mong hindi ka pa okay Alplea! Tapos dyan pa kayo sa bintana dadaan?! Anong gamit ng pintuan ha? Paano kung mahulog kayong dalawa sa bintana? Panibagong problema na naman?!" galit na sermon sakin ni Papa.

"Sorry na Papa. Hindi naman po kami mahuhulog ni Clyde dyan e sanay po kami sa mga ganito." Nagawa ko na nga po kahapon e.

"Sanay? Sanay ka din sa pakikipaglaban pero anong nangyari sayo? Nakidnap ka at naging human tester. Oo sanay na sanay ka nga anak"

I bit my lip. Nagsisimula ng magtubig ang mga mata ko, bakit parang ang sakit nung sinabi ni Papa? Bakit parang pinapalabas niya na kapabayaan ko ang dahilan kung bakit ako nakidnap?

Mahina ka kasi

Bigla kong narinig ang boses ni Kuya Oli na mababahidan ng pagkadiri.

Mahina ako?

Oo tama, mahina ako. Naturingan akong gangster queen pero hindi man lang ako nakapalag ng tangayin ako ng dalawang maskuladong lalaki. Hindi nababagay sakin na matawag na gangster queen. Hindi.

Parang waterfalls na bumuhos ang luha ko walang epekto ang lip bite na ginawa ko para mapigilan pa ito.

Nagsimulang umikot ang mundo ko at bigla akong na-out of balance. Napapikit nalang ako at hinintay nalang ang pagtama ng malamig na sahig sa katawan ko but it didnt came because Clyde catched me.

"S-alamat boyfie." I tried to smile.

Binuhat ako ni Clyde ng pa-bridal style at maingat na hiniga sa hospital bed ko.

"I want to talk to you Clyde, privately" seryosong sabi ni Papa bago lumabas ng kwarto.

Kahit nahihilo ako ay agad kong hinawakan ang kamay ni Clyde at umiling. Masama ang kutob ko.

He smiled. "Its okay. Get rest girlfie, mamahalin pa kita" he kissed my forehead before leaving.

Naglalaban ang kilig ko at masamang kutob sa loob ko >.<

Jamie's POV

Hindi na ako nagulat ng makita ko ang baklang chaka na si Daniel na prenteng nakahiga sa kama ko. Ano pa bang bago? Tatlong linggo na consistent ang pagbwisita nito sakin.

"Ano na naman ang kailangan mo?" nakapameywang na tanong ko dito.

He looked at me. "Magbihis ka muna"

"Sabihin mo na ang sasabihin mo, wag kang mag-alala nakatapis naman ako ng tuwalya at sigurado akong mahigpit ang pagkakabuhol nito kaya hindi ito mahuhulog" Kakatapos ko lang kasi maligo.

Daniel rolled his eyes. "Pwede ba kitang maging girlfriend?"

My jaw literally dropped.

"Wag mo akong pagtripan. Umuwi kana nga!" Baliw na siya.

"Seryoso ako bakla,okay? Im having this weird feeling everytime Im with you. Gusto kong malaman kung ano ba tong feeling na to"

"Gusto mong malaman kung anong feeling yan?" tanong ko and he nodded.

Possesive Ways of a Mafia PrinceWhere stories live. Discover now