Chapter XIII

1.2K 39 1
                                    

Noticing

"Come on Raine bilisan mo na d'yan." I heard Casey said. Pinagmamadali ba naman ako kasi pupunta kami ng SM Aura to check on the gowns na pina-reserve niya sa shop para sa kanyang debut.

I promised her last weekend na sasamahan ko siya pagkabalik ko from Davao. I just arrived Manila this morning and diretso na nga ako dito sa school. Mabuti naman at okay na si grandpa. Pwede na siyang lumabas ng hospital anytime this week. Pinadagdagan din ni daddy ang mga bodyguards niya and I think pati bodyguards ko. Napa-paranoid na si daddy. Si grandpa naman ang may death threat hindi naman ako. But he promised me na hindi ko raw mararamdaman na may sumusunod sa kin saka hindi ko daw kilala iyong mga bagong naka-assign sa kin ngayon.

"Oo na binibilisan na." Sabi ko habang nililigpit ang mga books at notebooks kong nagkalat sa mesa.

Nakatayo na si Casey sa doorway nang kumilos ako palapit sa kanya. Iyong mga classmate ko kanina pa nagsilabasan. "Excited ka much!"

"Siyempre naman. Malapit na kaya ang debut ko. Ikaw, anong plan mo sa debut party mo?"

"Matagal pa naman iyon. After graduation pa. Siguro I'll start planning after Christmas."

Naglalakad na kami sa may hallway nang matanawan ko si Jake.

Maghapon ko na siyang dinededma. Actually, last Saturday pa kahit pa nasa Davao ako. Ang kulit niya kasi. Tawag ng tawag at kung anu-anong text na paulit-ulit na nagso-sorry.

Patatawarin ko na naman siya. Tinuturuan ko lang ng leksyon.

Hihilahin ko pa lang si Casey para doon kami sa kabila dumaan pero nakita na niya agad kami.

"Raine! Sandali!" Ang lakas ng boses niya. Napatingin tuloy iyong mga kasabay namin.

Patakbong lumapit siya sa min. "Sorry na talaga. Kailan mo ba ako mapapatawad?"

Inirapan ko lang siya at dire-diretsong naglakad. Naiwan ko tuloy si Casey. Humabol siya. Buti na lang hindi na sumunod si Jake.

"Ano bang kasalanan ni Jake? Kanina pa iyan nagmamakaawa sa iyo."

Tumigil muna ako sa paglakad.

"Case, napulot niya kasi iyong cellphone ko. Wala namang problema don. Magpapasalamat pa nga dapat ako sa kanya kasi hindi ko naiwala iyong phone. Kaso, pinalitan niya ang ringtone ko at tiningnan pa niya iyong mga pictures natin sa Boracay. Naalala mo iyong mga bikini pics natin?"

"What! Nakita niya iyon!"

"Oo."

"E anong ginawa niya? Pinagkalat ba niya?"

"Hindi naman."

"Hindi naman pala e. Naku sis makipagbati ka na kay Jake. May assignment tayo sa physics. Kailangan natin ang knowledge niya."

'"Patatawarin ko naman siya kaya lang iniinis ko lang. Hayaan mo na iyon."

"Okay, sinabi mo eh. Tara na at naghihintay na iyong driver ko."

Mabuti na lang at madaling nakapili si Casey ng gown niyang pamalit doon sa Monique Lhuillier design na talagang susuotin niya. Actually, pangbihisan niya lang iyong nabili niya sa H & M. Hindi nga gown iyon e. Mas tamang sabihin na pang-gimmick.

Medyo pagod din ako ngayon. Gusto ko na nga sanang umuwi right after school pero nag-promise ako kay Casey kaya tinupad ko lang.

The moment my back reached my bed I immediately fell asleep.

Dahil sa Friday na ang concert, kina-career na namin ang pagbebenta ng mga tickets. Nagpaalam kami kay principal na maglagay ng booth malapit sa main gate ng campus para makapagbenta kami ng ticket at mamigay na rin ng flyers. Though, sagana na naman kami sa advertisement like posters, website, facebook at twitter accounts, iba pa rin iyong personal naming maenganyo ang mga students na bumili ng ticket.

My First Kiss Stealer (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें