Chapter XLV

1.1K 30 3
                                    

I Will

Thank God hindi naman ako nag-faint. I managed to finish the dinner. Pero natahimik na ako pagkatapos noon. Kaya nga itong si Jake kinukulit ako habang nandito kami sa garden ng bahay nila at nagkakape. Iyong mga oldies naman ay may sariling mundo sa living room.

"Hey!" Dinunggol pa niya ang balikat ko habang magkatabi kami dito sa garden chair. "May problema ba? Come on... Kanina pa ako kwento ng kwento dito di ka naman sumasagot." Naiirita na siguro siya.

Ibinaba ko iyong tasa ng kape sa may glass table at tiningnan siya ng mariin. I examined his face and he seemed to be fine with everything he declared about his wedding plans during our dinner.

Di ko na talaga matitiis ang pananahimik ko. I needed to blurt this out.

"Seryoso ka ba talaga sa sinabi mo tungkol sa.... kasal natin this year?"

His smile faded as he looked at me. Hindi siya kumukurap na wari'y pinag-aaralan ang expression ng mukha ko.

"What?" I'm dying to hear his answer.

Don't kill me with so much anticipation. Nagbabalak ka na ng kasal tapos di naman nagpo-propose. Ano iyon basta na lang niya ko hihilahin sa simbahan pag oras na ng seremonya?

"Are you serious with that?"

He curled his forehead and smiled.

"I'm not serious. I'm just kidding." He sipped from his coffee cup.

What!

Nalaglag yata ang balikat ko.

Parang na-disappoint ako sa sinabi niya. Ibig sabihin ba nito ay gusto ko na ngang mag-asawa?

Isn't it too early for me to think about marriage?

Am I ready to be Mrs. Joaquin Concepcion?

Why not? Sagot naman ng other side ng brain ko.

"Nagbibiro ka lang pala." Pilit kong pinasaya ang tinig ko para naman di niya mahalatang medyo na-disappoint ako. Baka naman hindi pa ready si Jake. We should be both 100% ready when we enter in this very serious matter. We should not be carried away by peer pressure.

"I know that you are uncomfortable with the jokes from my aunts. Kaya sinabi ko na lang iyon para matigil na sila." Ibinaba na rin niya yung tasa sa mesa.

So, it's just a a bluff.

Kainis naman to... Umasa tuloy ako.

I took a deep breath.

Kung ganon, ini-stir mo lang pala ako kanina. Tingnan ko nga kung makangiti ka pa sa sasabihin ko.

"Babalik na ako sa London Jake."

Lumipad ang ngiti sa face ng guwapo at paasa kong boyfriend. "Anong sabi mo?"

"Ini-assign ako ni Dennis sa team na mag-establish ng office ng Elegance sa Infinity London. Na-close na kasi ang partnership ng dalawang kumpanya. In line with that, kailangang mag-form ng office sa London habang in-establish pa ang bagong merging." I said in a very formal face.

Kahit na di pa ako nagde-decide ay nasabi kong confirmed na ang work assignment ko. Kumbaga, pandagdag sa drama.

If I were looking at myself now, babatukan ko na ang sarili ko sa pang-gu-goodtime sa boyfriend ko.

Epic ang reaction niya. As in natulala na siya.

When he seemed to absorb what I just said, he brushed his hands on his hair and stood up.

My First Kiss Stealer (Completed)Where stories live. Discover now