Chapter XXX

1K 41 6
                                    

Beats For You

Naranasan mo na bang makagat ng asong inaalagaan mo? Iyong, ikaw ang nagpalaki. Ikaw ang nagpakain, ikaw ang nagpagamot pag may sakit, pinapaliguan at binibihisan mo pa ng cute na mga damit. As in, ikaw lahat. Nanay lang peg. Tapos, bigla ka niyang kakagatin dahil naglalaro siya and it so happened na ikaw ang napag-trip-an ng iyong magaling na aso.

Iyan ang naramdaman ko ngayon habang tulala pa akong nakatingin kay Jake. Papalapit na siya sa pwesto ko. Gusto kong tumakbo pero hindi ko maigalaw ang aking mga paa dahil sa halo-halong emosyong aking nararamdaman.

Of all people, hindi ko inaasahan na may kapasidad pala siyang paglaruan ako. Of all people na inakala kong tahimik at mabait na tao ay may kapasidad pala siyang kagatin ang puso ko ng sobra-sobra. Oo nasasaktan na ako dahil sa unrequited love ko sa kanya pero di naman niya kasalanan iyon dahil wala siyang alam. Pero ito... iba ito... gising siya at alam na alam niya ang ginagawa niya nang utusan niya ang pinsang si Rodney para lokohin ako!

"Raine, it's not what you think." Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinatak papunta kung saan. Pilit akong nagpupumiglas. Pero mukhang wala siyang balak na bitiwan ang kamay ko.

"Let go of me Jake."

"I hate you!"

He threw me a questionable glance. Galit ba siya or what?

We stopped at his car parked nearby. He immediately opened the door on the passenger side.

"Please Raine, pumasok ka sandali. Mag-uusap lang tayo," aniya nang bitiwan ang kamay ko nang tangkain kong tumakbo.

Nagsukatan muna kami ng tingin. Pero sa huli, ako pa rin ang bumigay kaya pumasok ako sa loob ng sasakyan at padabog na naupo sa harapan. Iyong mga bitbit ko ay nilagay ko muna sa likuran.

Lumigid siya sa kabilang side at sumakay rin sa kotse. Binuksan niya ang makina pati na rin ang aircon.

"Anong narinig mo Raine?"

"Everything." I said while looking outside the car. There was a brief silence before he spoke again.

"I'm not sorry for what I did."

Teka, pamilyar sa akin ang linyang iyon. I heard it somewhere.

"Akala ko ba Jake, magkaibigan tayo. Di ba alam mo naman kung gaano kahalaga sa akin na makilala si Mr. Stealer. Pero bakit pinagpanggap mo pa si Rodney? Pinaglalaruan mo ba ako?"

"You know I will never do that!"

"Then, why?" I faced him this time. I want to see his full reaction.

He closed his eyes first and heaved a deep sigh. "Kasi naaawa na ako sa iyo."

"Naaawa? Sino ka para kaawaan ako?"

Ganon na ba ako kadesperado sa tingin niya?

"Gusto ko lang tapusin ang paghihirap mo na hanapin siya."

"Tapusin ang paghihirap ko? Are you sure with that Jake? Do you even know kung ano talaga ang nararamdaman ko?"

"I was just trying to help you Raine."

"By lying to me? By making this mess? My God Jake! Di ko alam na magaling ka na rin palang writer ngayon at nakaisip ka ng isang magandang scenario para paglaruan ako."

Ngayon ko naramdaman ang galit sa puso ko. Nakita kong gumalaw ang adam's apple niya sa ginawang paglunok.

"Naisip mo ba na masasaktan ako pag nalaman ko ang katotohanan sa likod ng pagpapanggap ni Rodney? Naisip mo rin ba na pwedeng magalit na ako sa iyo ng tuluyan?"

My First Kiss Stealer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon