Chapter XI

1.2K 36 2
                                    

Meeting

Even if I'm in the rooftop of the engineering department, I can clearly see Michael and his friends  

having fun under the narra tree that is adjacent to this building.

Hindi naman kataasan ang building na ito. Paborito ko lang talaga itong tambayan pag gusto kong mag-isa.

Ang iingay kasi nilang lahat.

Kaninang morning break kasama ko sina Jade at Ykai. Ang kukulit nila. Sumakit tuloy ang ulo ko dahil wala ako sa mood makipagkulitan. Si Casey, Mildred at Dennis naman ang sinamahan ko noong lunch time sa hapon. Kaso itong si Dennis, wala na akong narinig kundi ang mga pagmamayabang  sa iba't-ibang babae na dine-date. Nakakarindi na. Kaya heto habang naghihintay ng last class ko, nagpunta na  lang ako dito.

Bakit nga ba feeling quiet ako today?

Napansin nga ni Casey na tahimik lang akong nakikinig sa mga adventures nila last weekend.

Well, sad lang naman ako kasi I heard a news from my mom na inatake daw sa puso iyong lolo ko sa province. Siguro, sasama ako kina mommy sa Davao pagbalik nila para makamusta man lang si lolo.

Isa pa, I failed my college entrace exam sa London College of Fashion.

Another thing, nakasalubong ko pa sina Michael at Jobel na masayang naglalakad kanina. Di nga nila ako napansin o di lang talaga nila ako pinansin.

Kung ihahagis ko kaya itong school shoes ko kina Michael, tatamaan kaya siya sa ulo? Kanina pa kasi siya tawa ng tawa. Parang ang saya-saya niya. Bwisit talaga. Bakit ba ikaw pa Michael ang nagustuhan ko?

I thought I'm getting over you.

I really need a distraction para tuluyan ka ng mawala sa sistema ko.

Kailangan ko pang dagdagan ang extra curricular activities ko. Kasi kung busy ako, hindi ako nakatambay dito.

Kailangan ko na ring maghanap ng ibang school na mapapasukan. Dapat siguro sa New York na lang ako maghanap.

"Andito ka lang pala."

Napatalon ako sa pagkabigla. Lintek na Jake at nanggugulat pa.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit nag-iisa ka? Hindi ka ba natatakot na mag-isa? Pano kung may sira-ulong bumastos sa iyo dito at wala man lang makakita sa iyo?"

"Hep-hep... Isa-isa lang ang tanong. Pano mo nga pala nalaman ang lugar na ito at bakit mo ako hinahanap?"

"Well, this is my hiding place." Tumabi si Jake sa kinatatayuan ko at tumingin rin sa direksyon na tinitingnan ko. For sure, nakita na niyang sina Michael ang object of my sight today.

"Your hiding place? Correction please, this is my safe haven. Ako lang ang may susi dito." 

"Kung ikaw ang may susi dito, palagi mo namang iniiwang bukas kaya nadiskubre ko tuloy."

Ganon na ba ako ka careless?

"Si Michael na naman ang tinitingnan mo."

Sa puwesto namin, kita sila sa labas pero di nila kami makikita dahil may nakaharang na pader na transparent. Parang one-way mirror.

"Marami namang iba d'yan. Lalo ka lang niyang sasaktan."

"Oo nga naman. Marami namang iba. Pero hindi sila si Michael. Ewan ko ba Jake. Ikaw, marami namang ibang babae. Lalo na ngayon na sikat ka na at ang dami ng may gusto sa iyo. May mga fan girls ka pa nga pero bakit si Amber pa rin ang gusto mo?"

Di siya nakasagot.

"I hope you understand the answer to your question." Napakamot tuloy siya sa pagbabalik ng issue ko sa kanya.

My First Kiss Stealer (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora