Epilogue - Last Part

1.9K 40 5
                                    

Stealer No More

Kanina pa ako kinakabahan. Ngayong gabi na ang Christmas Ball at nandito pa ako sa loob ng kotse habang hinihintay si Amber. Naka parada ito sa tapat ng hotel. Ini-hazard ko lang ang ilaw habang naghihintay dahil parating na rin daw siya. Ayaw niya kasing magpasundo dahil nag-aaway pa sila ng boyfriend niya.

Yes, siya ang ka-date ko at hindi si Raine. Kung hindi ba naman kasi umepal itong si Dennis e di sana aayain ko na siya. Aba't ang loko! Harapan pang niyaya si Raine. Por que tinanggihan siya ng dapat na ka-date niya inagawan pa ako ng date. Sarap sapakin ng best friend kong iyon. Alam naman niya...

Sobrang bad trip ko ng araw na iyon. Kaya tuloy nang magkasalubong kami ni Amber sa hallway at inaya niya akong maging date dahil di raw makakarating ang boyfriend niya ay pumayag na ako.

I promised to myself na isasayaw ko si Raine tonight. By hook or by crook. Gusto kong maramdaman kung ano ba iyong feeling na mahawakan man lang iyong kamay niya habang sumasayaw. I want to be close to her. I want to look at her not from a far. Pakiramdam ko tuloy masisiraan na ako ng ulo sa kakaisip sa kanya.

Naisip ko nga kung nahahalata na kaya ako ni Raine na matagal na akong may tama sa kanya. May mga pagkakataon kasi na pag tinititigan ko siya parang na-freeze na ko sa zone na iyon at gusto ko na lang siyang titigan maghapon.

Hopeless na talaga ako.

Ganito ba talaga ang ma-lovesick?

Nakita kong pumarada sa harap ng hotel iyong sasakyan nina Raine. Ang akala ko susunduin siya ni Dennis. Bakit si Mang George ang naghatid sa kanya?

Napalabas tuloy ako ng sasakyan para panoorin ang pagbaba ng magandang anghel mula sa kanyang karwahe.

Wala na. Natulala na ako habang pinapanood siyang maglakad. Ang tingin ko sa kanya ay lumulutang na dyosa. Napakaganda niya sa suot niyang gown. Tinitigan ko siya hanggang sa makapasok sa loob. Di ko namalayan na ang lakas na pala ng tibok ng puso ko.

Hay naku Raine... Kung alam mo lang na nililindol mo ang mundo ko tuwing nakikita kita. Araw-araw na lang akong may aftershocks.

Napabalik lang ako sa reyalidad nang may marinig akong malakas na busina mula sa likuran.

"Get out of the way!" Galit na sabi ng lalaking nakasakay doon sa kotse.

Mali ba ang parking ko? Mukha nga. Kasi ang dami na palang sasakyang nakapila. Kaya nagmadali akong pumasok sa kotse at naghanap ng totoong mapagpa-parking-an.

Doon pa ako sa likod ng hotel nakahanap. Nagpahinga pa ako ng ilang minuto bago tinawagan si Amber.

"Saan ka na?"

"Paalis na ako. Nagpasundo na lang ako sa driver namin. Kung gusto mo pumasok ka na sa party. Magkita na lang tayo sa loob."

"Okay. See you later." I ended the call. I went out of the car. After I locked it, I proceeded inside the ballroom.

Masquerade ang theme ng ball. I got one mask from the table. Di ko na napansin iyong nadampot ko.

Bakit naman kasi may ganito pa? Hassle sa mukha. Ang laki pa nitong maskara ko. Halos matakpan na iyong mukha ko. May makakilala pa kaya sa akin nito?

Walang tao sa registration kasi nagsisimula na pala ang program. Natagalan kasi ako sa pagpa-park. Ano na kaya ang na-missed ko?

Nang makapasok ako sa loob, abala ang lahat sa kani-kanilang mundo. Kahit pa may program na ginaganap sa stage ay iilan lang ang nagbibigay ng atensyon. Natuon ang tingin ko sa tatlong babaeng umakyat sa stage. Sina Casey, Mildred at Raine iyon. Kahit naka-maskara ay kilala ko naman sila. Lalong-lalo na si Raine. Nakasuot siya ng kulay asul na gown na may mga patak-patak ng design na snow.

My First Kiss Stealer (Completed)Where stories live. Discover now