Chapter VI

1.4K 40 3
                                    

The Makeover

Kanina pa ako naghihintay dito sa Yellow Cab. Malayo na ito sa St. Therese campus. Holiday ngayon sa school. Dito ko imi-meet si Jake. para masimulan na ang transformation niya.

Hindi kami puwedeng makita ng mga kaklase naming magkasama. Baka makahalata pa ang mga ito na ako ang may kagagawan sa magiging new Jake. Kailangang bago mag-Christmas ball ay bagong Jake na ang haharap sa St. Therese campus.

Michael invited me for a date yesterday during our lunch. Pero I refused. Para kasing kinikilabutan ako sa presence niya ngayon kaya nagdahilan na lang ako na may importanteng lakad.

Ang tagal ni Jake. Pag-intayin ba naman ako?

Napapangalahati ko na tong Charlie Chan Pasta wala pa rin siya!

I dialed his number for the nth time. Pag hindi pa rin niya sinagot aalis na ako.

Wala talagang sumasagot.

"Sorry Raine!" Humihingal pa si Jake nang maupo ito sa tapat ko. As if on cue ang pagdating niya bago maubos ang patience string ko.

"Inutusan pa ko ni Mommy kaya ngayon lang ako."

"Konti na lang...."

"Ang pasta mo?" Nakatingin ito sa kinakain ko.

"Hindi! Iyong pasensiya ko at lalayasan na dapat kita."

"Ito naman, ang layo kaya ng tinakbo ko para lang makarating dito. Painom nga." Walang paa-paalam na tinugga nito ang iced tea kong half- filled na.

Halos maubos niya iyon.

"Yuck! Bakit ka uminom d'yan?"

"Nauuhaw na ako eh. Bibilhan na lang kita ng bago." Akmang tatayo na ito para siguro bumili sa counter.

"Huwag na. Nawalan na ko ng gana. Baka gusto mo rin nitong pasta ko." Sabay tulak ko ng pinggan kay Jake na hinihingal pa nga.

"No, thanks. Busog pa ko. Nauuhaw lang talaga ako."

"Grabe ka naman. Hindi ka ba nadidiri sa pag-inom sa glass ko. It's like indirect kiss ha."

"Ang dami namang sides ng baso na ito. Tsamba na lang kung may tinamaan e di naka-kiss na ko sa yo." Nagbibiro pang sabi nito.

"Eewww... That will never, ever happen." Kinikilabutan siya.

"Kala mo naman gusto ko maka-kiss sa yo."

Kahit naman pala papano e marunong kumontra itong si Jake. Pero bakit pagdating kay Amber ay nauupos ito?

"Naligo ka ba?" He looks untidy.

"Oo naman." Inamoy-amoy pa nito ang purple Lacoste shirt na suot.

Okay na sana ang t-shirt na suot nito. Kaya lang naka purple pants at slipper na may medyas pa. Mukha tuloy siyang walking ube jam. At dahil hindi yata talaga ito marunong magsuklay, pwede ng gawing pugad ang mahaba-habang buhok.

"Feeling ko hindi. Lumublub ka lang."

Napakamot naman si Jake.

"Let's go." She stood up and got her shoulder bag.

"Saan tayo pupunta?' Nakasunod naman sa kanya si Jake.

"May dala ka bang car?"

"Wala naman akong car. Hindi pa ako marunong mag-drive kaya ayaw pa ko bilhan ni Daddy ng kotse."

"Pano ka pumapasok?"

"Nagko-commute."

Napahinto siya. "You mean, bus?"

My First Kiss Stealer (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum